Halos araw-araw na akong sinusundo ni third sa bahay, pero hindi kami nagkakasabay sa uwian. Hindi rin kami nagkakasama kasi magkaiba sched namin, tapos busy kaming pareho sa practice tapos siya din. Wala naman siyang ibang sinasabi sa akin hindi ko naman siya tinatanong kasi ang gusto ko siya ang magsasabi kung ano yong ginagawa niya. Alam niyo naman hindi na kami gaya ng dati, para sa akin ayos lang para bumabalik yong dating samahan namin. Pagkatapos ng practice minsan si jared ang kasama ko, hindi pala minsan palagi nalang na siya ang kasama ko. Once in a bluemoon na kasi magpakita si travis baka next month aalis na siya. Tambak na nga ang school activities at project ko sa bahay, lahat kami ay masasabi kung busy na kaming lahat. Kaming dalawa ni Jared ganon pa rin sa dati walang nagbabago, naging close pa nga kaming dalawa. Close naman kaming dalawa nun pero iba yong closeness namin ngayon.
Mabilis dumaan ang araw dahil busy na ang mga kami sa exams at palapit na din ang battle of the band kasabay pa sa araw ng competition ang araw ng mga puso. One week nalang ang paghahanda dahil next week ay competition na, kahit na katuwaan lang ang pagsali namin ay pinaghahandaan pa rin namin. Walang masyadong magandang nangyari sa mga sumunod na araw maliban nalang sa magandang balita ni kuya Elcid at ate Lourien na three weeks pregnant na siya. Si mama laging binibisita si ate lourien first apo kasi lahat kami ay excited na lumabas si baby ang bagong member ng family.
"princess bakit hindi mo muna patuluyin si jared sa bahay dito nalang siya magdinner" sabi ni mama. Nasa labas pa kasi kaming dalawa hinatid nanaman niya ako.
Pinapasok ko muna siya sa bahay at agad akong nagpalit ng damit. Nandito kaming lahat hinihintay lang namin ang family ni ate lourien para magdinner na bahay. Mapapasabak nanaman ako nito sa pagkain, wala munang diet ngayon kasi masarap ang ulam hindi naman ako tabain.
"napapadalas ang pagkain ko sa bahay niyo nix" sabi ni jared. Nasa garden kami ngayon habang hinihintay sila tita.
"Hayaan mo na, gusto mo naman" biro ko sa kanya
"obvious ba?" sabay ngiti niya sa akin.
"hindi masyado bakit ayaw mo ba?"
"gusto ko seympre ito lang yata ang lamang ko kay travis." sabay grin sa akin.
"hindi rin sabi ko sa kanya" nginitiin ko lang siya habang siya ay nagtataka pa sa sinabi ko.
"iha, iho kain na daw kayo." sabi ni manang sa amin
Katabi ko si jared sa hapag-kainan, nakikipagtawanan din siya sa amin. Si kuya nga akala niya nililigawan ako ni jared buti nalang siya ang sumagot kasi pag ako ang nagsabing magkaibigan lang kami baka hindi sila maniwala. Alam na kasi ni kuya na wala na kami ni third pero hindi niya alam yong totoong nangyari, basta alam lang niya na wala na kami na friends kami ni third.
Pagkatapos namin kumain ay nauna ng umuwi si jared, dito matutulog sila ate at kuya kaya iniwan ko muna silang nagkukwentohan sa baba. Pagpasok ko sa room ko tinignan ko yong phone ko, as usual nagtext si third. Hindi daw niya ako masusundo bukas kasi busy siya, nalungkot tuloy ako paghinatid nga lang niya ako saka ko siya nakakasama tapos bukas hindi pa niya ako mahahatid. Sa mga kaibigan ko alam na nilang nagkaayos kami ni third nasabi ko na nung nakita nila kami sa school, were friends at sa tingin ko walang masama doon. Kaya nga mas napalapit si jared sa akin kasi alam niyo naman ang dahilan di ba? Kahit alam niya na mahal ko si third nanjan pa rin siya para sa akin.
Minsan naiisip ko hindi ba siya nahihirapan? Kasi pag tinatanung ko naman siya ang palaging sagot niya ayos lang o di kaya talagang ganyan ang palagi niyang sinasabi. Tapos sinabi pa niya lagi siyang nasa tabi ko pag kailangan niya ako. Hindi ko naman inaaabuso ang kabaitan niya sa akin kasi pagkasama daw niya ako masaya siya. Ang wierd nga niya minsan. Si jhen naman hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya, matagal na din na hindi siya nagpupunta sa bahay. Wala na sa akin ang mga nangyari kasi sabi ni third wala naman daw akong dapat ipagalala kasi matagal na silang wala kaya huwag na daw akong mag-isip ng kung anu-ano, kung makikita niya kami na magkasama.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Novela JuvenilDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...