Chapter 8:

20 3 0
                                    

Pagdating ko sa room sinalubong agad ako ni travis grabe parang hindi kami magkasama ng tatlong araw, niyakap ba naman ako. Si brain ko unconscious pa rin hanggang sa makabalik na sa reality ang pagiisip ko.

 "bakit anong nagyari sayo" tanong ko sakanya hindi naman siya ganon sakin dati

 "wala namiss lang kita, hindi kasi kita nakita kahapon" ngiti lang sakin ako naman hinayaan ko lang umupo na ko

 "wag ka nga magbiro ng ganyan nakakakilabot pag ikaw ang nagsasabi "

 "di masanay ka na"

 "anong ibig mong sabihin" tanong ko sakanya halos magkasalubong na ang dalawa kong kilay sa pinagsasabi niya

Pumasok na ang prof.namin kaya bumalik na si travis sa upuan niya. Nagdiscuss ulit tapos sinabi samin na next week na ang reporting namin. Bago ako lumabas sinabi ni travis na magkita daw kami after ng class, may sasabihin daw saakin sinabi ko naman ngayon na niya sabihin mamaya nalang sabi niya. Kaya sabay na kami lumabas, nakita kami ni jared kaya lumapit na siya sa amin. Pagbaba namin humiwalay na si travis kaya kami nalang ni jared ang magkasabay.

 "daan muna tayo sa tambayan hindi na ako nakabili ng pasalubong libre ko nalang kayo mamaya"

 "tara na" hinawakan niya ang kamay ko pero hindi naman holding hands hawak lang talaga, opo hawak lang, oo nga hawak lang promise, hawak nga lang .

Malayo pa lang nakita ko na parating si Ethan, kaya bumubitiw ako sa pagkakahawak ni jared. Ayaw niyang bitawan ang mga kamay ko kaya hindi ako mapakali matanggal ko lang ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

 "Bakit nix" tanong niya sakin

 "Palapit na si Ethan uh mamaya isipin niya boyfriend kita" Parang sumimamgot ang mukha ni jared

 "Hayaan mo na hindi ka naman niya kilala, magkaibigan naman tayo"

 "pero paano kun...." hindi ko na natapos ang sinabi ko hinawakan ulit ni jared ang kamay ko but this time yong parang holding hands na kami. Ako naman kinakabahan, grabe bakit ako nagkakaganito

 "relax ka lang nix" diretso kaming naglakad hanggang makasalubong namin si Ethan.

 "sabi sayo nix hindi ka niya mapapansin" bulong sakin ni jared. Binitawan na rin niya ang kamay ko. Wala sila gwen sa tambayan kaya diretso na kami sa next building pareho kasi kami ni jared.

 Hinatid ako ni jared hanggang sa room ko tapos umalis na siya, pumasok na din yong prof. namin sinabi lang niya na pagusapan namin yong research namin bawat group dahil maaga niya kami ididismiss next meeting na kami magdidiscuss. Kaya ako si third at kaye ay nagusap kinuha ni kaye yong number namin sa weekend na daw namin paguusapan kasi hindi naman namin magagawa yon agad kaya umuo lang ako. After 30mins. din ay dinismiss na din nila kami kaya bumaba na ako sa building, nakita ako ni travis kaya nilapitan niya ako.

 "nickie may klase ka pa" tanong niya sakin

 "maaga kami dinismiss"

 "ohhHh" ito nanaman po si travis ang tipid sumagot o talagang wala lang maisip.

 "oo nga pala travis ano pala yong sasabihin mo dapat kanina" hindi siya umimik tumabi lang siya sakin nung nakarating na kami sa SP at umupo na

 "wag dito sobrang dami ng tao nakakakaba" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya

 "ha? what do you mean" 

 "eh kasi ummm" tinignan ko lang siya tinaas ko yong isang kilay ko hindi siya mapakali

 "Wag nalang saka nalang" tumawa naman siya ang weird niya promise si travis nga ba talaga ito? May kambal ba si travis dito author sabihin mo!

 "ano ba kasi yon ang weird mo hehe" naka peace sign ako at nagtaka naman siya sa sinabi ko, huminga siya nang malalim at naging seryoso ang mukha niya tahimik siya kaya tahimik din ako. Wala naman akong sasabihin sa kanya, hanggang sa 10mins. na ang nakalipas ay binasag niya ang katahimikan namin dalawa kahit na maingay sa SP. Tumabi siya sa akin nasa side na siya ng inuupuan ko at huminga ng malalim.

 "Nickie kasi ganito yan, may sasabihin ako sayo" ang gulo niya ha minsan ilalagay niya ang kamay niya sa table, kung hindi naman kumakamot siya sa batok niya ano ba talaga?

Huminga ulit siya ng malalim at nagsalita tumingin siya sa mga mata ko.

 "Nickie kasi crush kita" ako naman nasa stage pa ng shocked, si travis crush ako? wahhhhh.. Aaminin kong gwapo naman si travis makinis ang mukha maputi ang cute nga ng dimple niya pero hindi ko siya napapansin kasi nga si Ethan lang crush ko, matalino at mabait pa. Hindi ko talaga akalain na lalabas sa bibig niya ang sinabi niya kaya hindi ako makapagsalita, siya naman tinuloy niya yong sasabihin niya nakatingin lang siya sa mga mata ko. Ewan ko ba kahit na ang ingay sa SP parang ang tahimik nabibingi ako sa katahimikan o talagang ganito lang ewan ko ba siya lang naririnig ko.

 "Alam mo bang simula nung kinausap mo ko sa room first day of our class, nakita na kita before noon sa labas ng gate tutulungan sana kitang pulutin yong mga gamit mo pero nahihiya ako. Narinig ko lang yong boses mo may kakaiba na akong naramdaman ewan ko nga kung bakit, hanggang sa naging kagroup kita ang sayasaya ko noon, parang bata ano? (nakikinig pa rin ako sa kanya) Hanggang sa nakasama kita, gusto ko araw-araw nakikita kita, gusto ko ako ang katabi mo kapag may kailangan ka alam mo ba yong pakiramdam na ganon? (iniwas ko yong mga mata ko at tumingin sa baba nilalaro ko yong mga kamay ko habang nakikinig lang sa kanya, shocked pa rin ako kinakabahan nga ako ngayon) Simula noong nakasama kita parang comfortable ako, alam mo ba yong pakiramdam ko kapag kasama kita kakaiba, hindi ko alam kung love ba ito o ano. (sa sinabi niyang iyon nakapagisip-isip ako crush lang yon sure ako tahimik pa rin ako)

 "Nickie kung sakali ba (huminga siya ng malalim) Uhhmm Pwede ba kitang ligawan"

 o______0 waaaaaaahhhhhhhhhh (ganyan ako)

 "ah eh uhhmm k-kasi travis kasi" hinawakan niya yong kamay ko (wow ang bilis niya ha)

 "ayos lang kahit wag mo munang sagutin yong tanong ko, hindi naman kita pinagmamadali kung papayagan mo akong ligawan ka o hindi. Friends?" (ah ganon pala, akala ko kaya hinawakan niya ang kamay ko ay kami na agad )

FRIENDS...

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon