Chapter 27: he call me Bae

18 3 0
                                    

Pagkatapos ng gabing yon parang comfortable na akong kasama si third. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kapag hindi ko siya kasama gusto ko siyang makita, pag kasama ko naman siya ayoko na siyang makita. Ano ba yan! Parang ngayon kagigising ko lang siya na agad ang nasa isip ko. Lumalandi na ang lola niyo. Well..well.well ganyan talaga.

Maliligo na ako dahil pupunta ako sa university namin. Pagkatapos kong ginawa ang mga dapat gawin ay nag ayos na ako at bumaba para kumain, tanghali na rin kasi. Kasabay ko ng kumain si manang naabutan ko kasi silang kumakain, tinanong nila sa akin si third. Hindi ko naman alam ang dapat na sabihin sa kanila, kaya yong mga nakikita lang nila ang sinasabi ko. Natutuwa daw sila kay third at mabait daw siyang bata hehe ano ba yan. Paano nalang kung sinabi ko sa kanila na nagkukunwari lang kami tsk.

Pagkatapos kong kumain ay nagbrush na ako nag paalam na ako kay manang. Pag labas ko sa bahay namin ay parating na si third tamang tama ang dating niya.

"saan ka pupunta?" tanong niya

"sa school, ikaw san punta mo?"

"dito sana, samahan nalang kita." kaya sumakay na ako sa kotse niya

Nakarating na kami sa university, hinintay ko nalang siya sa SP nag park pa kasi siya. Ang daming tao ngayon, nasaan na ba sila colline? Tinawagan kasi niya ko kagabi magpaparegister na daw kami ngayon. Inikot ko naman ang paningin ko ang nakita ko ay si third na may kausap na babae biglang nagiba ang mood ko.

Parang naiinis ako, kainis naman! Selos ba ang tawag dito o inis lang talaga ako? I Hate this feeling ito na nga ba ang sinasabi ko. Paano ako magrereact ngayon niyan? alangan na mag aact ako bilang jealous girlfriend? Although hindi niya nginingitiian yong babae ayoko pa rin. Nakita niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya iniwan na niya yong babae.

Paglapit niya sa akin hindi ko siya kinibo, pagkakausapin niya ko hindi ko siya sinasagot napansin siguro niya kaya hinawakan niya ang kamay ko. Naghanap na ko ng sched ko para sa next sem. Nakita ko naman si Ethan, hindi na gaya ng dati na pag nakikita ko siya natutuwa ako ngayon parang normal na. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko na pinoproblema dahil ganon naman ang ginagawa ko sa tuwing may crush ako.

"Bae ayos ka lang?" tanong ni third. Yong inis ko kanina biglang nawala natatawa ako hindi niya bagay haha. Mas bagay pa sa kanyang itawag ang moo.moo hehehe

"why?" sabi niya

"hindi mo bagay." ngumiti na ako sa kanya

"tsk" sabi niya ang cute niya hehe

Dumating na sila colline at celine nakita nila kami kaya lumapit sila sa amin. Pinakilala ko naman silang dalawa kay third. Habang pinapakilala ko si third yong dalawang kaibigan ko tingin ng tingin sa akin, si third naman hindi siguro niya napapansin. Umupo muna kami habang hinihintay namin sila john wala pa kasi sila. Nagpaalam sa akin si third na pupuntang canteen kaya hinayaan ko lang pag alis niya si colline at celine ay inusisa ako.

celine: gurl mukhang okie naman pala yong boyfriend mo. (tumabi siya sa akin)

colline: mahiyain ba siya bakit parang hindi nagsasalita?

Ako: siguro hindi ko pa alam ilang weeks pa lang kami nagkakasama, remember niyo pa ba yong nabunggo kong lalaki dati? Siya din yon.

gwen: sino? (kadarating lang kasi niya kasama niya si paul)

colline: yong boyfriend ni nix.

gwen: talaga saan? tuwang tuwa niyang sinabi

Ako: mamaya nandito na rin yon.

celine: May sched na ko dito sabay na tayong mag pa-encode?

gwen: sige nasaan na ba si john? akala ko nandito na siya.

paul: babe malapit na daw siya. Hintayin nalang natin.

Palapit na rin si third sa amin, bumili pala ng makakain. Inabot niya sa akin yong isang footlong at coke in can apat lang ang nabili niya kaya yong sa kanya binigay na niya kay gwen.

ako: oo nga pala guys si third. third si gwen at paul mga kaibigan ko. Pakilala ko sa kanya ngimiti naman siya

gwen: thanks kuya ha? ngumiti lang si third at tumabi sa akin.

Natatawa ako sa mukha ni third tinawag kasi siya ni gwen na kuya, ilang taon na ba siya hindi ko rin kasi alam haha. Matanong nga mamaya. Dumating na rin sa wakas si john kasama niya si jared pinakilala ko ulit si third, si john nangungulit nanaman kaya si third ay hindi makaimik.

celine: guys tara na para makauwi na tayo ng maaga

Noong natapos na kami, sabay na kaming umalis. Nagyaya pa silang magmall pero hindi na kami sumama ni third. Sa sasakyan naalala ko yong itatanong ko dapat sa kanya.

"third ilang taon ka na pala?" lumingon pa sa akin habang nagmamaniho

"bakit?"

"hindi ko kasi alam, baka matanda ka pa sa akin di kuya dapat ang itatawag ko sayo." tinignan niya ako ng masama. Napipikon ba? hehe

"turning 20, ikaw?"

"ako din, same age lang pala tayo kilan birthday mo?." ngumiti lang siya sa akin

"november 18"

"talaga? malapit na birthday mo, anong gusto mong gift?" ngumiti lang siya sa akin

"ikaw kilan birthday mo?"

"january 2 kaya matanda ka pa sa akin" ngumiti ako sa kanya

"ang feeling mo" sabi niya tapos ngumiti sa akin

"hindi kaya sinabi ko lang ang totoo"

"yeah"

"di kuya kita?"

"ofcourse not im your boyfriend remember?" natigilan ako sa sinabi niya

"seryoso ka ba anong nakain mo?" tinigil niya yong sasakyan sa playground. Bumaba siya kaya bumaba din ako.

"maganda ang panahon ngayon." sabi niya at umupo siya sa seesaw kaya umupo din ako.

"oo nga e" Pag upo ko sa seesaw ay tumayo siya, dahan dahan niyang dinuduyan yong seesaw ko.

"alam na ng mga kaibigan mo?"

"ang alin?"

"yong sa atin, ano ba ang sinabi mo sa kanila?"

"sinabi ko lang na arrange marriage tayo kaya ang alam nila boyfriend kita, alam mo pa yong araw na sumabay ako sa inyo kasama mama mo?"

"yup. why?"

"doon nila nalaman." sabi ko

"ano pang sinabi mo?"

"wala na basta ang alam lang nila arrange yong marriage natin. Uwi na tayo, mainit na kasi."

"tara na." hinawakan niya ang kamay ko sabay na kaming naglakad.

Dumaan muna kami sa bahay niya para pakainin si meran. Sa garden lang ako my mini garden kasi din dito.

"bae, gutom ka?"

"nakakagulat ka naman..hindi ako gutom, ikaw ba gutom ka?"

"nope." tumabi siya sa akin.

"yong tungkol kanina na sinabi ko ayaw mo ba?"

"ang alin naman?" hindi ko kasi alam ang sinabi niya

"sinabi ko na boyfriend mo ko, you already forgot?"

"oo nga boyfriend kita pero hindi totoo. bakit yon?" natahimik siya sa sinabi ko. Nung sinabi ko yon parang nagiba ang mood ko, hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit. Gusto ko na ba siya? Gusto ko na bang maging totoo kami sa isa't isa?

"camille hindi ka ba naniniwala?"

"saan naman?" hindi ko kasi alam ang pinopoint niya

"when i said i like you."

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon