chapter 32:

20 3 0
                                    

Pagdating namin sa bahay hindi pa kami pumapasok, ewan ko din nandito lang kami sa tapat ng bahay namin. Parang nakadikit na nga ang paa ko sa lupa, hindi ko rin magawang ihakbang ang paa ko. Kung iisipin niyo nakatayo lang kami ni third sa harap lang naman ng bahay namin. Malapit na din kasing magtakip silim at isa pa pinapanood namin yong araw ang ganda kasi parang orange ang kulay naiimagen ko na parang nabubuhay ako sa panahon ng kupong-kupong.

Nakakarelax panoorin lalo na may kasamang third, tahimik lang kaming dalawa. Pumikit siya kaya tinititigan ko ang kanyang mukha, grabe ganito ba talaga ka gwapo si third? Kahit nga nagsusungit siya gwapo pa rin siya. Ang swerte ko naman. Maswerte kasi nililigawan niya ako, kahit na ang alam nila ay kami na di ba? Mejo magulo nga para sa inyo pero sa amin, basta nagkakaintindihan kami hindi magulo yon. Ang Point dito ay nililigawan niya ako.

 "your gazing at me?" sabi niyang nakapikit pa rin

 "ofcourse not!"

 "I feel it." minulat na niya ang kanyang mata. Lakas din ng senses nito. Ilan ba mata niya?

 "huh hindi ano ka ba mafeeling ka lang."

 "okay."

 "tsk" tahimik nanaman kaming dalawa. Naalala ko yong dapat kung sabihin sa kanya kaya naghanap ako ng tyempo, para good vibes siyang makikinig.

 Inhale exhale muna para pag umurong ang dila ko may idadahilan nanaman ako. Kaya ko to!

 "third."

 "what."

Sasabihin ko pa rin ba? Paano ba to hindi ako sanay na magsabi sa kanya. Hay sige na nga sasabihin ko na.

 "uhm kasi kinausap kami ni kuya kanina sa mall, inalok kaming magmodel."

 "with whom?"

 "Si travis, naka Oo na rin kami kanina."

 "I won't allow you."

 "pero kasi---." hindi ko na nasabi sa kanya na may picture na napili.

 "wala ng pero pero I won't."

 "third kasi---"

 "i said no." Mahinahon pa rin niyang sinabi

 "Pataposin mo muna ko pwede ba? Kaya nga sinabi ko sayo para alam mo, isa pa mabuti ng sa akin mo malaman." paliwanag ko sa kanya hindi na siya nagsalita kaya tuloy-tuloy na akong nagsalita.

 "May picture na silang napili kasi noon nagpapicture kami doon matagal na din yon, tapos kanina naka-Oo na din ako. Next week lang kami maguusap isa pa wala ng photoshot na mangyayari may napili na sila." todo paliwanag ko sa kanya, ang higpit naman parang dinaig yata ni third si papa.

 "okie." sabi lang niya. Tapos nagpaalam na siya sa akin ang cold naman niya. Galit ba yon? Hay atleast nasabi ko sa kanya di ba?

 Pagkaalis ni third pumasok na ko sa bahay, nagpahinga muna ko at nag-bodywash. Paglabas ko sa CR napansin ko yong paper bag na binili ko kasama yong picture na nilagay kong inabot ni travis kanina nung sinusundan ko si third. Nakita kaya ni thrid? wala naman malisya dito. Nilagay ko sa drawer yong picture tapos kinuha ko na yong relo na binili ko para sa kanya. Saan ko naman itataago to? Alam ko na dito na lang din sa drawer.

Natapos na lahat ng pinapanood ko wala pa rin akong narerecieve na text galing kay third dati naman ganitong oras nagtetext na yon. Tatampo ba yon? Kainis naman.

Next day hapon na wala pa rin siya, hindi ako sanay si manang nga tinatanong ako kung nag-aaway ba kami. Sabi ko naman kay manang hindi kami nag-aaway hindi naman talaga di ba? Ang boring naman ng araw na to. Buti nalang dumating si jhen sa bahay.

 "hi couz long time no see kamusta naman dito nung wala ako?" tanong ni jhen, habang nasa kusina na kumukuha ng tubig.

 "ayon ganon pa rin sila mama at papa busy nakikita mo naman wala sila dito, tapos si migz naman ewan ko kung saan nagpupunta baka nasa practice nila." sabi ko

 "anong bago?" umupo siya sa tabi ko. Nasa sala kami ngayon

 "ha? ano bang klasing tanong yan? Walang bago" sabi ko pang patawa-tawa

 "nasabi mo na ba ang totoo?"

 "anong totoo naman couz?"

 "About you and third. Wala naman kayong relasyon right? Nagpapanggap lang kayo." uminom siya ng tubig.

 "hindi nga kami pero inaayos naming dalawa, nililigawan na niya ko couz." pagkasabi ko yon nasamid yata siya dahil bigla siyang naubo.

 "ayos ka lang couz?" tanong ko

 "kilan pa?" seryoso niyang tanong

 "nakalimutan ko na, matagal na rin nung pumayag akong magpanggap kami. Promise me cousin don't tell to dad please?" pakiusap ko sa kanya. Si jhen pa lang yata ang nakaka-alam ng totoo pero hindi ko sinasabi kay third.

 "bakit ka pumayag mahal mo na?"

 "ewan ko hindi ko pa alam, siguro parang. Basta..."

 "goodluck nalang." sabi niya tapos ngumiti sa akin kaya ngumiti din ako.

Pagkatapos namin mag-usap ni jhen umakyat siya sa kwarto niya para magpahinga, kukuha lang daw kasi siya ng ilang gagamitin halos lahat kasi ng gamit niya ay nasa bahay namin. Hindi na kami nakapagkwentohan ng matagal. Umakyat na ko sa kwarto dahil ako ay inaantok, humiga muna ako and presto nakatulog nga ako. Pagkagising ko ay sakto naman na tumutunog ang aking phone.

((Yiruma - River flows (music box ) - trip ko kasi yan.))

-----thirdy calling...-----

 "helo" ang tagal bago siya nagsalita

 "third galit ka ba, inis, tampo o kung ano man?" tanong ko agad sa kanya

 "nope. nasaan ka ba?"

 "nasa bahay lang ako kagigising ko lang, punta ka dito bilis." mehh ganon?? Ano ba itong nagyayari sa akin. Sasabihin ko pa sanang miss ko siya hindi ko na sinabi hihiya ako.

 "bukas na lang. Nagpunta na ko jan kanina, wala ka daw." ganon tinitiis na niya ko? Hindi ako miss? ano ba yan hindi pa nga totoong kami ganito na ko. Ano pa nga ba magagawa ko ganito nga ako.

 "sinong nag sabi?"

 "pinsan mo, i will fetch you tomorrow wag ka ng magpuyat. May sasabihin din ako sayo."

 "sige, tungkol saan ba yan? Ngayon mo na sabihin."

 "bukas na."

 "ngayon nalang." pilit ko sa kanya

 "bukas na my practice ang banda ngayon sige bye na."

 "bye"

Awtso inuna ang banda kesa sa akin. Sige pambigyan ngayon lang naman. Hayaan nalang.

Kinaumagahan maaga akong nagising sabi kasi ni third susundoin niya ko, ako naman nakalimutan kong itanong kung anong oras niya ako susundoin at kung saan kami pupunta. Maaga na din akong kumain at naligo sa katunayan nga ready na akong umalis exited ba? Hindi naman masyado. Hindi ko nga din maintindihan ang sarili ko kung bakit gustong-gusto kong sumama sa kanya, bored lang siguro o basta alam niyo na yan hindi ko na kailangan pang sabihin pa. Namuti na ang mga mata ko sa kakahintay first time tanghali na wala pang third, hindi naman siya nagtetext o tumatawag. Kainis naman bakit ba siya ganyan? Kung galit siya dapat sinasabi niya hindi yong ganito.

Umakyat ulit ako sa kwarto para tawagan siya kung matutuloy pa kami o hindi na.

-----Thirdy ...-----

"The subscriber cannot be reach please try again later."

Nakapatay phone niya. Baka may ginagawa pa yon pero imposible naman, baka nakalimutan niya? Ano ba yan ayoko ng mag isip ng kung anu-ano!

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon