Pagdating namin sa hotel sinabi ni third sa akin ang mga dapat gawin tapos yong mga hindi dapat. Pagdating namin sa hotel biglang natigilan si third kaya tumigil din ako. May tinignan siya sa labas kaya sinundan ko naman siya, may nakita akong isang lalaki na parang familiar ang mukha hinalikan niya yong isang babae na hindi ko kilala yong lalaki ay parang may edad na. Tinakpan naman ni third ang mga mata ko tapos kinaladkad na ako papasok sa hotel. Galit pa rin ba siya? Kaya hanggang sa makarating kami ay hindi kami nagusap. Back to normal nanaman si third, walang imik at hindi makausap. Pagpasok namin sa room na nireserve ng mama ni third ay nakita ko si mama at papa.
"Ano ang ginawa nila dito akala ko ba si mama mo lang ang ememeet natin?" binulog ko kay third
"hindi ko rin alam, wala akong alam dito" bulong din niya sa akin
"come in hija huwag na kayong mahiya, sorry son if i did not informed you. Siya na ba yong girlfriend mo?" sinalubong kami ng mama ni third at niyakap niya ako tapos nagbeso kami. Tumayo naman si mama at nagbeso din kami pati na din kay papa. Pinagtabi kami sa upuan ni third. kaming dalawa ay hindi nagsasalita.
"Ang ganda ng anak niyo Mel mana sayo" tuwang tuwa na sinabi kay mama. Si mama naman ngumiti din
"thankyou po tita" sabi ko, hindi ko kasi alam ang sasabihin
"hija huwag mo na akong tawagin na tita, mama anna nalang ang itawag mo sa akin. Masayang masaya ako dahil may babae na akong anak" sabi niya. Si third naman ay nakita ko na ngumiti sa sinabi ng mama niya.
"im sorry if i am late" sabi naman ng lalaki na kararating lang. Nilapitan ni tita anna yong lalaki
"it's fine Ed, tamang tama lang ang pagdating mo" sabi ng mama ni third. Tapos hinalikan niya.
Papa ni third pala yong kadarating lang, once ko lang sila nakita nung dinner sa bahay pero teka parang familiar sila, parang siya yong nakita ko kaninang hinalikan ng babae kaya ba natigilan si third? Tinignan ko naman si third parang wala siyang pakialam sa nangyayari. Baka nagkakamali lang ako.
Nagorder na sila ng pagkain ako naman nagexcuse muna na magCcr. Paglabas ko na nagCr ay nakita ko si third sa labas ng pinto.
"bakit ka nanjan tara pasok na tayo" sabi ko sa kanya hindi siya nagsalita. Napansin ko na kanina pa siya tahimik, may problema kaya siya? tumabi ako sa kanya at this time hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat siguro sa akin kaya ngumit ako sa kanya.
"Sabay na tayo" sabi ko sa kanya.
"pagkatapos natin kumain umalis na tayo" sabi niya sa akin
Pagpasok namin ay naabutan namin sila na nagtatawanan, kami nalang pala ang hinihintay. Ang bilis ng order namin. Parang hindi nila kami kasama kasi, puro business ang pinaguusapan nila. Bakit pa nila kami sinama dito? Habang kumakain sila business pa rin ang nasa isip nila grabe naman. Kaming dalawa ni third ay nakikinig lang sa business na hindi ko maintindihan, hindi nalang sana kami pumunta.
Natapos na akong kumain pati si third, sila ay hindi pa rin natatapos na kumain. Sinipa ni third ang paa ko, buti lang hindi masakit at hindi nila napansin. Sinabi niya aalis na kami, hindi na maipinta ang mukha niya sa inis na rin siguro. Sinipa ko din siya, sinipa niya ulit ako.
"ikaw na kasi ang magsabi" bulong ko sa kanya. Kaya tumayo na siya at sinabi niya na aalis na kami. Hindi pa sila nakakasagot ay hinila na niya ako palabas. Ako naman nagsorry sa biglang paghila sa akin ni third. Buti nalang hindi ako ng suot ng high hells kung hindi patay sa aking ang halimaw na ito.
"ano bang problema mo" tanong ko habang kinakaladkad niya ako.
"ang pangit kasi ng ambiance sa loob" sabi niya tapos binitawan niya ako.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...