Chapter 56: A date: baby's day out

17 2 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa tawag ni third, tumawag lang daw siya baka hindi ko nabasa na may date kami ngayon sira talaga siya. Ngayon lang yata kami magdadate ulit kilan ba yong huling lumabas kami hindi ko na maalala. Baka naman hindi pa talaga kami nag-dadate na dalawa, wala naman kasweetan sa katawan si third. Kahit naman hindi kami magdate basta kasama ko siya masaya ako, hindi lang halata baka isipin pa niya patay na patay ako sa kanya.

Pagkatapos ko na maligo nagbihis na ako at nag-ayos lang ako ng kaunti, tapos bumaba na ako para kumain ng breakfast. Kasabay ko si mama at migz na kumain si papa kasi maagang umalis.

 "iha may tawag ka si celine" sabay abot ni manang ang telepono sa akin

 "celine bakit napatawag ka?"

 "nix bestfriend. may gagawin ka ba ngayon?" Naiiyak siya na ewan.

 "oo may lakad kami ni third ngayon. bakit ba?"

 "si tita kasi yong epal na kupal na lalaking yon gusto nilang magdate kami."

 "date lang pala, walang problema doon. Sama nalang kayo sa amin ni third."

 "best naman. Ayoko nga makipagdate sa mahangin na lalaking yon kapal face pa, sige gurl tawagan ko nalang si colline para makatakas kay tita."

 "okay, next time nalang ako babawi sayo girl. bye"

 Bumalik na ako sa pagkain kawawa naman si celine. Isama nalang kaya namin ni third?

 "third nandito ka na pala, pasok ka kumakain pa ang anak ko. Ang cute naman ng batang yan. Nickie bilisan mo nandito na si third." sabi ni mama

 "opo ma" tapos naman na ako kumain. Pagkatapos nagbrush na ako.

 Naabutan ko silang nagkukwentuhan kasama ni third si earl. Pagkatapos ay nagpaalam na kami kay mama na umalis na. Sa sasakyan kanlung ko si earl buti  gusto na niya ako.

 "saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

 "sa mall nalang muna."

 "teka lang third isama kaya natin si celine, yong kaibigan mo kasi tinatakasan ni celine"

 "bakit naman?"

 "hindi ko alam ang nangyayari, pero tumawag siya kanina sa akin bago ka dumating."

 "ah sige tawagan mo na para may kasama tayo kay earl."

 "talaga?"

 "yup." sabi niya. Buti nalang hindi malikot si earl, hindi ko lang maabot yong bag ko nasa likod kasi ng sasakyan.

 "third hindi ko maabot yong bag ko, pwede paabot?" sabay ngiti ko sa kanya.

 "ito nalang ang gamitin mo may number ako sa kanya, hanapin mo nalang." sabay abot ng phone niya.

 Tinawagan ko na agad si celine, pero hindi naman niya sinasagot. Hanggang sa pangalawang besis ay hindi niya sinagot.

 "hindi naman niya sinasagot."

 "text mo nalang baka busy siya." ganon na nga ang ginawa ko.

 Nakarating kami sa mall ng hindi ko namamalayan. Bitbit ni third ang gamit ni earl ako naman hawak ko siya sa kamay baka madapa si earl, naglakad lang kami hanggang makarating sa childrens area. Habang naghihintay kami kung dadating si celine naglakad-lakad kami nakita ni earl yong carousel at hinila niya ako palapit tapos tinuro niya yong carousel.

 "third gusto yata ni earl na sumakay sa merry-go-round?"

 "baby you wanna ride to that Carousel?" hindi sumagot si earl pero hinihila niya si third papasok magcarousel.

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon