Hapon na ako nakarating sa bahay hinatid ako nila jared. Tanghali na din kasi nagising ang karamihan sa amin, tapos doon pa kami nag lunch hindi naman kami makatanggi kay tita kasi dumating sila sa resort kasama si tito. Pero nauna na si travis sa amin kailangan daw kasi niyang magreview dahil mapapaaga siyang mag take ng final exam. Isa pa inaayos din niya yong papers niya, kaya hindi siya nakasabay sa amin. Parang ngayon ko nafeel ang pagod kahapon, binagsak ko ang katawan ko sa higaan ko.
"iha andito si third hinihintay ka sa labas"
"baba na po ako."
Bago ako bumaba ay nagpalit muna ako ng damit. Pagbaba ko ay nasa garden si third kasama si earl napangiti ako sa kanilang dalawa. Naglalaro yata si earl habang pinapanood ni third na tumatakbo-takbo yong bata hinahabol yata yong butterfly.
"uh lapad ng ngiti mo." palapit silang dalawa sa akin. Pero si earl takot yata sa akin hindi na niya ako kilala?
"hi" umupo ako para mapantayan si earl pero nagtago sa likod ni third sinisilip ako. Nalungkot ako kasi hindi na niya ako kilala.
"hayaan mo muna mamaya, makakalaro mo din siya matagal ka din kasi niyang hindi nakita." paliwanag niya sa akin kaya. Tumayo na ako ang cute ni earl tumaba siya magandang pangigilan promise.
"iha anong gusto niyong meryenda?"
"kahit ano nalang po manang kayo na ang bahala."
"labas nalang tayo?" yaya ni third sa akin
"tito... tito..." tinuro ni earl yong laruan ni migz yong robot hindi ko alam ang pangalan ng robot.
"no baby hindi sa atin yan, be good to tita camille ipapahiram niya sayo mamaya." Tumayo naman ako para kunin yong robot hindi naman kalakihan tama lang hindi rin mabigat. Lumapit ako kay earl pero lumapit siya kay third tapos nagpakarga nakayakap siya kay third nahihiya siguro sa akin.
"you like this?" pinakita ko sa kanya. Nakayakap pa rin siya kay third
"tita camille will let you play that toy if you will kiss her." sabi ni third kay earl
"ikaw talaga kung anu-ano pa yong sinasabi mo sa bata."
"ano ka ba, ganyan lang ang mga bata. Relax ka lang okay?" kinuha ni third yong laruan sa akin at inabot niya kay earl, tapos nginitian ko yong bata pagkababa niya. Pero hindi niya ako kiniss
"galing kami dito kahapon wala ka daw."
"kasama ko sila gwen kahapon, nagbonding lang kami doon na kami natulog sa resort nila colline."
" kaya pala." natahimik na kaming dalawa habang pinapanood si earl na naglalaro halos matanggalan ng ulo yong robot na hawak ni earl lagi kasi niyang nabibitawan.
"bakit nasayo si earl?" tanong ko sa kanya
"may seminar kasi si ate judie, kaya ako nalang nagvolunteer. Wala daw kasi yong yaya niya."
"ilang araw daw silang wala?"
"mamaya uuwi na din sila, kawawa naman itong batang to kung isasama pa niya sa work baka hindi rin makaconcentrate si ate judie"
"di kahapon pa kayo magkasama ni earl? Tapos tumawag ka pa sa akin late na ng gabi."
"yup..antok pa ako." nag-inat siya at nag yawn. Kawawa naman itong batang to. Believe ako kay ate judie nakakaya niya ang maging single parent.
"gusto mong matulog muna, ako muna kay earl."
"sure ka? baka umiyak yan?" tanong niya sa akin
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...