Pagdating namin sa Baguio nagcheck in na kami sa hotel malamig kasi sa labas tapos umulan pa. Kasama ko sa room si miggy, agad akong humiga sa kama dahil sa ilang oras din ng byahe parang nakakapagod talaga...
Nagising nalang ako gabi na pala, tapos wala si migz baka gumala yon mag isa. Hindi naman kasi kami magkasundo sa gusto namin kaya hindi kami masyadong nagbabonding, pero close naman kami. Sabi niya sa akin may nililigawan na daw siya tapos nandito din sila sa Baguio ang saya naman ng kapatid ko. Hanip lumalove life na dinaig pa ako. Lalabas na nga lang ako, naligo muna ako half body lang may heater naman kaya hindi masyadong malamig ang tubig pero pag walang heater parang ice ang tubig dito grabe.
Paglabas ko sa hotel siyempre marami pa rin tao, saan kaya ako pupunta? Hindi na lang ako aalis magpapadeliver nalang ako sa room ng makakain. Wala kasi akong kasama. Pagpasok ko sa room, tumawag na agad ako para mamakain. After 15mins my kumatok sa door, wow ang bilis naman ng order ko Astig.
Pinatay ko muna yong TV tapos nagmamadali akong naglakad sa pinto.
"hai couzin na miss kita long time no see." sabay yakap sa akin ni ate alexie, pinsan ko panganay ng dalawang taon sa akin. kaya napayakap din ako sa kanya.
"ate alexie, paano niyo nalaman na nandito kami?"
"Nanggaling kasi si tita sa bahay kaya nalaman ko nandito kayo, buti nalang nandito ka. May dala akong pizza." tinaas niya yong dala niya.
"Tamang tama kakaorder ko lang ng pagkain, wait lang papadagdagan ko nalang ng isa."
Pagkatapos ay hinanda na ni ate alexie yong pizza, after 20mins ay dumating na din yong order namin.
"Kamusta naman kayo ng boyfriend mo bakit hindi siya kasama?"tanong ni ate
Ayos din si ate lex kung makatanong, saan naman niya nakuha ang balita na may boyfriend ako?
"wala kaya ate, wala akong boyfriend." paglilinaw ko sa kanya at ngumiti
"nahiya ka pa sa akin sabi ni aly may boyfriend ka na daw gumawa pa nga ng eksena sa kasal ni kuya elcid. Sayang hindi ako nakapunta. Ang sweet niya." halatang kinikilig si ate sa pagkakasabi niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at kinagat ko na yong pizza.
"wala po talaga promise joke joke lang yon hehe." wala naman talaga kasi kaya sinabi ko na.
"sos sige na nga, kung wala kang boyfriend may cute na guy jan sa kabilang room." sabi pa ni ate sa akin. Sa tingin pa lang niya alam ko ng ang gusto niyang sabihin.
"sakit lang sa ulo yan ate." sabi ko naman.
"naku sige sabi mo e."
Nanood lang kami ni ate ng movie tapos nagkwentohan din.
Next day magkasama kami ni ate sa SM bumili ng regalo at ihahanda sa chirstmas bukas na kasi yon. Kaya buong araw ay naghanda na kami ng iluluto para bukas. Gabi na ako nakauwi kasi naglakad-lakad pa kami sa burnham tapos malapit lang yong hotel pagdating ko ay naabutan ko naman si migz na tulog, nagbody wash lang ako tapos natulog na ko.
Yeppy umagang-umaga pa lang ang dami ng bumati sa akin.
YOOOOOOHHHHH MERRY CHRISTMAS TO ALL!!
_GM_
Pero may isang tao pa na hindi bumabati sa akin.
My kumatok sa pinto, pag bukas ko ay si mama at papa.
Binati ko sila ng merry christmas at nagkiss sa kanila. Nagpaalam sila na may pupuntahan sila tapos sa bahay nila ate alexie na daw kami magcecelebrate ng christmas. Excited na ako para mamaya. Pag-alis nila ay tumawag ako sa baba para magpadeliver ng pagkain. Tapos binalot ko na yon gift ko para sa kanila na binili ko kahapon. Kumain na ako at naligo. Paglabas ko sa CR kumakain na din si migz.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...