CHAPTER EIGHT

10.6K 221 8
                                    

CHAPTER EIGHT

Dray's POV

Kararating lang namin sa mansyon. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang dumapa sa malambot kong kama. Ahhh.

"Hoy, Dray! Wag mo nang uulitin yung ginawa mo kanina sa bahay ah? Baka anong isipin ng mga magulang ko. Haynako. Ang beberde pa naman non." Sabi niya bigla.

"Hayaan mo silang mag-isip." I smirked at her and she just rolled her eyes on me. Parang rollercoaster yung mga mata niya tssss.

"Uhm, saan ko ba to ilalagay??" tanong naman niya.

Narealize ko lang, masaya palang makasama yung pamilya niya. Welcome na welcome ako sa bahay nila. Nainggit tuloy ako dito kay Dee. Ang saya ng pamilya niya kahit wala silang masyadong luho. Ang sarap pa magluto ng mama niya.

"Sa kwarto natin, saan pa ba? Tch." Nakita ko siyang sumimangot. Kapag magkasama kami, palagi nalang siyang nakasimangot. Parang pinaglihi sa sama ng loob eh!

"Ang daming kwarto dito tapos magsasama pa tayo sa isang kwarto? Psh. Maghahanap ako ng ibang kwarto!"

-_-

Hinablot ko yung maleta niya tsaka nauna sa kwarto namin. Dami pang satsat eh! Besides, nagkatabi na kami once ah. Ang daming arte nito! Siya pa ang tatanggi. Ang swerte nga niya dahil nakasama niya ang isang katulad ko sa iisang kwarto! Hmp.

"Dray Kwon! Ibalik mo yan!" hindi ba nasisira esophagus niya sa kakasigaw? Tch.

Pumasok na siya sa kwarto at kinuha yung maleta niya. Aba, pakipot pa to! Gusto din naman niya ako makatabi eh! Sus.

"Andy, dapat ka ng masanay, okay?! I'm your husband and you need to fulfill your duty as my wife. So, stay with me. Understand?"

Ewan ko lang kung anong sumapi saken para tawagin siyang 'wife' Kusa nalang itong lumalabas sa bibig ko at gusto ko mang pigilan, ayaw ng bibig ko. I love calling her 'wife'

"Excuse me lang, Dray? Para magkalinawan tayo dito, hindi mo ako asawa! Ilang beses ko ba sasabihin yun sa'yo? Para akong sirang plaka dito eh!" sigaw na naman niya. May dalaw na naman.

"Come I'll fix you. Para hindi ka na sirang plaka."

She looked at me as if she's going to kill me. I was just trying to let her smile, y'know? Palagi nalang kase siyang nakasimangot. I saw her smile once nung nasa bahay niya kami at mabilis namang naglaho yun nang nakita niya ako. Ang laki talaga ng galit niya saken no? Tch.

"Look, I'm just trying to let you smile. Why don't smile once in awhile? Para kasing tuwing kasama mo ako, ang init-init ng dugo mo. May mga tingin ka pang nakakapatay ng sperm cells—este nakakapatay ng tao. Tch. Pero kung ayaw mo, edi wag. Lalo kang papanget niyan."

Bakit ba ako nagiging madaldal when it comes to her? Bihira lang naman akong magsalita noon eh. Baka narin siguro sa pride ko. Ayoko kayang magpatalo sa isang babae no!

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon