CHAPTER THIRTY

5.2K 93 4
                                    

Didi's POV

 Kanina ko pa hinihintay si Dray dito sa mansyon kase umalis siya pagkatapos kami ihatid dito. Tulog parin si Anika hanggang ngayon at nagiging hysterical na naman si mama kaya kinalma ko siya.

"Ma, don't worry. For sure tutulongan tayo ni Dray...Just...Just think positive, okay?" tumango-tango naman si mama. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung sinabi niya sa tapat ng nasusunog naming bahay. Na kasalanan daw niya lahat. Pati yung pagffreeze ng credit cards at bank accounts namin. So siya ang may gawa non? Imposible naman yata kase mabuti siyang tao. Isang demonyo lang ang makakagawa ng ganong bagay kahit pamilya ko na walang ginawa ay dinamay pa.

"Pa, magpahinga muna kayo sa kwarto. Marami po sa taas kaya mamili nalang ho kayo." Sabi ko sa kanila.

"Salamat anak." Sabi ni papa at kinarga na niya si Anika at umakyat na sila ni mama sa taas. Napalingon naman ako sa labas ng may narinig akong kotse. Siguradong si Dray na yun. Nag-ayos pa ako ng sarili kase haggard na haggard talaga ako. Ikaw ba naman, tumayo sa harap ng malaking sunog? Para kang nasa impyerno, pramis.

Bumukas naman yung malaking pinto at hindi nga ako nagkamali. Si Dray nga. Pero malungkot yung mukha niya at parang malalim ang iniisip. Wala ring emosyon ng tiningnan niya ako. Parang ang ginaw niya makatingin. HIndi ko makita ang pagmamahal. Saan ba siya galing at nagkakaganyan na siya?

"Dray, sina mama pinagpahinga ko muna sila sa kwarto..." sabi ko ng magkaharap na kami. Hindi parin siya nagsasalita at nakatingin lang siya sakin na para bang hindi niya kilala ang nasa harap niya ngayon. Giniginaw ako sa mga tingin niya.

"D-Dray...May p-problema ba—"

"Let's end this."

Napanga-nga naman ako sa sinabi niya. Parang kanina lang ang sweet namin tapos ngayon gusto na niyang tapusin ang meron samin? Hindi...Hindi pwede. Baka mali lang yung pagkarinig ko!

"H-Hoy, wag kang magbibiro Dray ha?" natatawa kong sabi. Kahit hindi naman talaga ako natutuwa.

"Do I look like I'm joking around? I'm fcking serious! Itigil na natin to... A-Ayoko na."

" B-Bakit?! Bakit ang bilis mo namang sumuko? A-Anong nagawa ko? May n-nagawa ba akong m-mali, Dray? Please, w-wag mong sabihin yan.." naramdaman ko nalang ang luhang pumatak sa pisngi ko. Feeling ko binagsakan ako ng maraming hollow blocks. Parang gustok ong mabenge nalang para hindi ko marinig ang mga masasakit na salitang binibitawan niya.

"Wala kang ginawa... Pero ako meron. Just..please, stay away from me from now on..."

At dun na nga ako bumagsak ng tuloyan sa sahig habang umiiyak. Hindi ko maintindihan. Wala naman kaming naging problema  ah...Bakit nagkaganon? Bakit bigla nalang niyang sasabihing ayaw na niya? Ang sakit marinig na pinapalayo ka lalo na kung galing sa taong mahal mo.

"I don't understand, Dray..." mangiyak-ngiyak kong sabi. Halos hindi ko na makita ang paligid dahil sa luha ko. Wala nga talagang forever. Dapat nakinig nalang ako kay mama at kay Beverly. Dapat pinigilan ko tong kalandian ko at hindi ko nalang sana hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya.

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon