CHAPTER 43

5.3K 107 9
                                    

3 years later...


Enzo Montenillo's POV

Maraming nangyari sa loob ng tatlong taong pamamalagi ko dito sa States kasama si Didi. Nagdrop out ako at sinundan ko siya dito. Naging roommate ko siya kasama si Aleina and mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Inaamin kong hindi naging maganda ang pinagdaanan ni Didi years ago. One year na kaming graduate sa college and naging succesful naman si Didi sa course niya. Nagkaroon siya ng exhibit ng mga artworks niya despite her depression dahil sa first heartbreak niya. But andyan lang ako palagi sa tabi ni Didi, never akong nawala sa tabi niya. Sa babaeng mahal ko.

She wasn't able to move-on immediately kahit dinadala na siya ng pinsan niya sa mga clubs at dinadamay pa niya sa mga blind dates na yan para naman malimutan na niya si Dray.

Speaking of Dray, nabalitaan kong maganda na ang takbo ng kompanya nila. Siya na ngayon ang nagtake-over sa posisyon ng dad niya. Siya ang pinakamalaking shareholder even in his young age. I can say that he's a succesful man too. Sinubukan niyang sundan si Didi dito sa States pero hindi ko siya pinayagan. Baka mas lalo lang madepress si Didi kaya bumalik nalang siya.

Ako? Isa nalang akong taxi driver. Mahirap nga at kelangan ko pang gumising ng maaga tapos halos umagahin ako kakahanap ng mga pasehero. Ang hirap nga talaga ng buhay. Ang hirap maging gwapong taxi driver.

Pero syempre joke lang yun.

I'm already the CEO of our company sa Pilipinas at sa branch namin dito. Umuuwi ako dun once a month para mamonitor yung takbo ng kompanya ng pamilya namin. Nagmature narin ako pero let's say that hindi pa totally mature.

Andyan parin ang pagkakwela ko and still, I'm inlove with the same girl. Cheezy no? Pero that's the truth. Napatunayan ko naman yun dahil sinundan ko pa talaga siya dito. Pero sad to say, kahit nasaktan siya ni Dray, mahal niya parin ito.

Hahaha! I'm fine. Sanay narin naman ako. Ganyan kase yan. Kapag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Hindi ko lang pinapakitang nasasaktan din ako dahil paano ko nalang mapapagaan ang loob niya kung pati ako malungkot din?

Bumibisita din si Beverly dito at minsan nagkakaawkward moment kami. But I don't mind. Si Didi ang gusto ko, bakit pa ako maaapekto sa presensya niya? Binibisita ko naman yung mga kaibigan ko dun kapag umuuwi ako sa pinas. May sarili narin silang buhay at naging busy narin sa kani-kanilang kompanya. Ang hirap maging tagapagmana no.

Marami talagang nagbago. Maraming nangyari. Maraming hindi inaasahang pangyayari tulad ngayon.

"The patient's head was badly affected during the accident. She may experience memory lost but we couldn't point out which part of her life was gone in her memories. But most likely, she'll forget the memories that happened to her 4 years ago. Don't worry...The abilities and skills are still there. But as of now, she's still in coma. Let's just wait for her to wake up so we could undergo some tests."

Kausap ko ngayon ang doctor. Tama nga kayo ng basa. There's a possibility na magkaka-amnesia siya dahil sa aksidenteng nangyari kahapon. Sinumpong na naman siya sa mga bad memories na nangyari sa kanya noon. Kapag sinusumpong siya, iiyak nalang siya bigla tapos magwawala kapag hindi naagapan agad.

Bigla niya kaseng tinanggal yung necklace na binigay ata ni Dray tapos tinapon niya sa gitna ng kalsada. Pero dahil nagbago bigla yung isip niya at kinuha niya ulit yung necklace pero huli na ng dumating ako. Nabundol na siya ng malaking truck at ito na nga siya ngayon.

Pinatingin na namin siya sa psychiatrist noon pero depressed lang daw siya and all she need is guidance. Masyado siyang nasaktan noon to the point na sinasaktan narin niya ang sarili niya. Minsan naiisip kong sana magkaamnesia nalang siya para makalimutan na niya yung mga sakit na binigay ni Dray sa kanya at para makapagmove-on narin siya kahit malilimutan niya ako. Kaming lahat.

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon