Didi's POV
Ang saya ko ngayon. As-in super saya talaga. Natanggap na namin kase yung exam results tapos ako yung highest. Mas malaki pa nga yung nakuha ko kesa sa top 1 sa DL eh. So, sabi nung prof ko, tataas daw yung grade ko ngayon at lalo na yung rank ko. Yieeee,magpaparty na ako! Since wala na akong subjects sa sched ko at kanina pa tapos ang class ni bebs, yayaya-in ko siyang magmall.
Kinuha ko na yung phone ko at tinawagan si bebs. Wala pang dalawang ring, sinagot niya agad.
"Bebs, may good ne-"
[Your friend is not here, btch.]
*toot toot toot*
OH NO! Hindi si Beverly yung sumagot! Boses lalaki pero alam kong hindi yun ang kuya ni bebs kase bakla yun! At mag-isa lang kaya si bebs sa condo niya at hindi naman dumadalaw yung bakla niyang kuya dun kaya imposible talaga! Pucha!
"AAAHHHHHHHHH PATAY KA SAKEN KUNG SINO KA MAN!!" Sigaw ko dun sa phone ko kahit wala na akong kausap sa kabilang linya. Napatingin yung ibang tao saken pero hindi ko pinansin.Hindi na naman ako takot sa kanilang sinasabi kase andyan si Dray para saken.
Dinial ko agad ang number ni Enzo habang naglalakad ako ng mabilis. Bakit nga ba si Enzo yung tinawagan ko? Eh kase alam kong may gusto si bebs kay Enzo. Halata naman eh.
"Pick up the phone, Enzo!" naiinis kong sabi. Hindi pa kase sinasagot yung tawag ko kaya binaba ko nalang. Shet,nagpapanic ako! Paano kung rapist yung sumagot sa tawag? Paano nalang kung mabuntis si bebs?! Noooo! Hindi pwede!
Pumara na ako ng taxi at habang papasok ako sa loob, dinial ko narin yung number ni Dray. Pero tang na juice! Wala ring sumasagot! Kainis! Eh si Brylle kaya? Tinawagan ko siya at salamat sa Diyos, sinagot niya. Siya lang talaga ang maaasahan ko. -_-
"Brylle! Alam mo ba kung nasaan si Beverly?"
[Uh, nope. Kasama ko kase ngayon sina Dray. Nasa bar kami. Why? Did something happen?]
"Ilan kayo dyan??"
[Isa lang yung kulang samin eh. So apat kaming nandito sa bar.]
"WAAAHH! Pakisabi kay Dray patay siya saken mamaya hindi niya sinasagot ang tawag ko!"
[HAHAHA! Dray, sabi ni Andy patay ka daw mamaya sa kanya! Wew! Siguradong sira ang kama niyo ma-ARAY! HAHAHAHA nagbibiro lang naman ako!]
[Dee, I'm sorry hindi ko nasagot kase masyadong maingay dito sa bar. And don't worry hindi naman ako maghahanap ng iba dito. Ikaw lang ang pinakamagandang babae para saken.]
>////< Parang lahat ng inis ko nawala dahil lang sa sinabi niya. Alam kong nakangisi na yun dahil alam niyang kinikilig na naman ako.
"S-Siguraduhin mo lang! Kundi maghahanap din ako ng ibang lalake!"
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomansaMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...