CHAPTER 47

4.7K 92 2
                                    

Beverly's POV

3 years. You guys wanna know what happened to me sa tatlong taon na yun? Okay lang naman kung ayaw niyo pero sasabihin ko parin dahil sabi kase ni author magkwento ako kaya niya ako binigyan ng POV.

Nagmamanage na ako ng maliit na business ng mga damit. Bigla kase ako nagkainteres sa fashion and chongks. Haha. And I'm proud to say na marami na itong branches dito sa Pilipinas.

Magaling kase yung nagtuturo sakin kung paano ipalago yun.

"Hey, beautiful." Biglang may humawak sa waist ko at napangiti naman ako ng malapad.

"Hey, handsome. Wala kang work?" tanong ko sa kanya. Andito kase ako ngayon sa main branch ng boutique ko. I wanted to keep in touch with my customers para malaman ko kung ano ang styles na gusto nila.

"Um, meron. Actually, may meeting kami ngayon at nagpaalam lang akong magCCR ako. I just wanted to see you." Kilig much hihi.

"Naughty boss. Osya, bumalik ka na dun dahil nakita mo na ako." Sagot ko kay Luke. Yep, no other than Luke Montecartez. Kami na ba? Hmmm, hindi pa. Ang hard-to-get ko ba? Pero sasagutin ko rin naman siya. Ilang years nya akong niligawan at everyday niya akong pinapasaya at pinapakilig. Matyaga siya eh. Never akong nagpaligaw sa iba. Alam niyang gusto ko rin siya at kinukulit niya ako lagi kung kelan ko siya sasagutin. Mas gusto ko kase yung nililigawan pa niya ako para everyday kilig. Eh kung naging kami na, hindi na niya ako liligawan.

"Five minutes." Yinakap pa niya ako ng mahigpit mula sa likod. Baka pulang-pula na ako ngayon. I can feel his yknow.His pet. Ah, ang berde ko.

"Sisssyyyy!!!" napakalas agad si Luke nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Jhaira. Ang ingay parin kahit college student na.

"Jhai, balak mo ba kaming bingihin?" napapiling nalang yung kuya niya.

"Maybe? Maybe not. Ahhhh! Sissy! May good news ako!" inalog-alog niya ako at agad naman siyang pinigilan ni Luke.

"Stop that. Baka mahilo siya."

"Tsh. Protective lang? Kayo na ba?" inambaan siya ng suntok ni Luke at napatawa naman ako ng mahina sa naging reaksyon ni Luke.

"Oh, ano nga yung good news mo?" tanong ko dito.

"She's back!"

"Who's back?" we asked in unison. Hindi siya sumagot at parang hinihintay lang yung pagsink-in sa utak namin kung sino yung tinutukoy niya.

"You mean..." –Luke

"Kung sino man yang nasa isip nyo ngayon ay tama kayo! She's really back! I saw her kanina sa mall but malayo na sila nung kasama niyang matangkad na lalaki."

"Then that must be Enzo. Nakabalik na pala sila." Sabi ko. Hindi ko mapigilang hindi ma-excite na makita ulit si bebs. Hindi ko naman siya ganon namiss kase nga bumibisita ako dun. Magkaibigan kami since highschool kaya normal lang na sobrang naattach na ako sa kanya. But speaking of Enzo, may isa talaga akong tanong sa sarili ko noon pa. Kung may gusto pa ba ako sa kanya now that I have Luke..

"I heard nga na may nangyari daw kay Andy dun sa States. Na-ospital din siya. Pero narinig ko lang naman. Alam mo na, marami akong connections."

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon