Enzo's POV
Wala na siya. She's gone. Hindi ko na makikita ang Didi ko. Ilang araw narin ang lumipas at namimiss ko na siya.
Pero di dapat ako malungkot. Dapat nga masaya ako ngayon eh! Nakabili na ako ng ticket papuntang US. Hahanapin ko siya kahit pumuti man ang buhok ko. Hindi ako titigil kung hindi ko siya makikita dun.
But now, papatunayan ko munang walang kasalanan si Didi. Na set-up siya at ang dapat magdusa dito ay ang isang Andy na may lahing demonyo gaya ng mama niya. Tinawagan ko si Jeff para sabihan yung bantay ng mga cctv sa Hudson Blue na iprepare lahat ng recordings last Saturday.
Relative kase ni Jeff yung may-ari kaya mas mapapadali kapag siya ang makiusap.
Jeffcalling...
Agad kong sinagot yung tawag niya.
"Ano na, dude?"
[Payag sila. Pumunta ka na dito.]
"Gege."
Agad akong umalis at nagmotor bike nalang ako para mas mabilis. Wala pang ilang minuto, nakarating na ako sa HB. Salamat at hindi ako naabutan ng traffic. Bumaba na ako at ipinark yung motor tsaka ko tinawagan si Jeff.
"Nasaan ka?"
[Sa Caste Verde. Bilis ah? Haha.]
"Gago. Sige, punta na ako dyan."
Kumaripas ako ng takbo papunta dun sa sinasabi niyang restaurant. Itinaas niya yung kamay niya para makita ko siya agad. Umupo na ako sa tapat niya.
"Tara na. Nagbbreak time pa yung nagbabantay kaya pinayagan ako." Tumango lang ako at tumungo na kami dun sa room kung saan makikita lahat ng nakikita ng cctv cams. May nakita kaming lalaking nagkakape at binati naman namin siya.
"Sir Jeff. Maupo ho kayo." Sabi nito at umupo naman kami dalawa sa harap nung maraming screens. Lahat ata ng sulok nitong hotel merong cctv.
"Pwede ko bang makita lahat ng recordings last Saturday?" tanong ko.
"Oh, nasave ko na po dito sa flashdrive. Sinabihan kase ako ni Sir Luke." Sagot naman niya. May binigay siya saking isang maliit na flashdrive at inilabas niya yung laptop niya.
"You can check it out." Cool niyang sabi kaya inilagay ko yung flashdrive sa port niya. Aabutin kami ng isang araw bago matapos tong video na'to. Kung iisipin, anong oras ba pumunta si Didi dito? 11 pm nung nangyari yung ala-dramang eksena nila Dray. Tapos 8pm naman nung nagtext si Dray samin.
"Iforward mo nga sa 4pm." Sabi ko sa pacool na lalaking to at sinunod naman niya ako.
"Ayun! Pumasok si Andy sa loob Caste Verde." Turo ni Jeff sa screen at napatingin nga ako dun. Tiningnan naman namin yung kuha galing sa loob ng restau na yun at nakita naming may kinakausap siyang foreigner. Umalis yung foreigner at naupo na siya dun sa pabilog na table.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...