"Huwaaaaaaaaaaa! Ang ganda naman dito, Dray!" sabi ko sa kanya. Sobrang ganda talaga ng dagat kapag sunset. Mas lalong gumaganda kapag kasama mo ang lalaking mahal mo.
"I will take you here for a countless of times. I wanted to show you how beautiful you are to me, Dee."
Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Tiningnan ko naman siya pero bakit malabo yata? Di ko gaanong makita yung mukha niya.
=3=
"May ibibigay ako sa'yo." Pumunta siya sa likod tapos may isinuot sa aking kwintas. Hinawakan ko yun. Ang cute naman. May heart tapos parang may butas sa gitna. Bubuksan ko sana yun kaso ayaw.
"Ayaw bumukas..." sabi ko.
"Don't worry. Nasa akin ang susi para mabuksan yan." He suddenly hugged me from the back. And I can feel my cheeks turning crimson red.Perfect na perfect na sana yung moment pero...
"Didi!! Didi!! Wag mo kong iwan!!" Enzo? Anong ginagawa niya dito?
Napatingin ako kay Dray na unti-unting lumalaho sa paningin ko.
"I love you, Dee...Bye."
"Dray huwag!!!" napabangon ako. Sheesh. Panaginip lang pala.
"Didi? Ikaw bayan? Naku, akala ko di ka na gigising kaya akala ko tuloy wala ka nang buhay! Pero teka, n-napanaginipan mo ba yung D-Dray?" si Enzo parang natataranta na kinakabahan na ewan. Haha! Ewan ko nga rin eh kung bakit ko napanaginipan yun.
"'To naman. Di naman ako mamamatay ng ganon-ganon lang. At hindi ko rin alam kung bakit eh..." mahaba kong sagot sa kanya.
"Ah, okay... Tara na? Uuwi na tayo." ngumiti siya pero halatang pilit. Tumango naman ako pero parang may nasesense akong pag-aalala sa kanya. Andun na sina mama at papa sa kotse pati si Anika. Ipinasok naman niya yung bag sa compartment.
Pinagbuksan niya muna ako at todo alalay sa akin. Napakagentle man talaga.
Pero, bakit hindi siya ang kausapan ko sa panaginip ko? Sino ba talaga si Dray? May kinalaman ba siya sa nakaraan ko at nakalimutan ko lang?
Pagkarating namin sa bahay, dumerecho agad ako sa art room. Dun ko nakita yung portrait ng isang lalaki noon eh.
Pero nung hinanap ko, hindi ko na nakita. Malinis narin yung kwarto at puro paintings nalang na nakasabit sa bubong ang natira.
Makapunta na nga lang ng park.
Bumaba na ako nang patakbo at naabutan ko sina mama na nag-aayos. Tinutulongan sila ni Enzo.
"O anak saan ka pupunta?" tanong ni mama.
"Sa park po sana. Maglilibot lang."
"Magpasama ka kay Enzo. Baka mapano ka pa sa daan." sabi naman ni papa.
"Ahm, wag na. I'm fine by myself at tsaka nakakahiya na kay Enzo. Dinala ko naman gamot ko kung sakaling mangyari ulit yun." Nagtitigan muna silang tatlo."Sure ka ba, Didi? I can drive you going there." pagpupumilit ni Enzo. Ang kulit.Sabing kaya ko na sarili ko eh. Aish.
"Wag na. May work ka pa ah. Dun ka muna. Hindi naman ako mamamatay kapag hindi mo ko nabantayan." patawa kong sabi at umalis na nga kahit wala pa silang sinasagot. Ayoko nang pahabain yung usapan eh.
Pumara agad ako ng taxi at tumungong park. Excited naako. May ferris wheel kase akong nakita dun.
"Bayad po kuya." sabi ko nang nasa harap na yung taxi sa park. Tinanggap naman niya tapos lumabas na ako. Di pa masyadong marami yung tao ngayon kaya makakarelax talaga ako.
Kitang-kita mula dito yung ferris wheel. Siguro mas magandang sakyan yun kapag gabi. Pero ang liwanag pa eh. (╥_╥)
Bahala na nga. Magpapagabi nalang ako dito. Hehe. Pumunta muna akong Cr kase naiihi ako bigla.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...