CHAPTER 52.2

4.7K 84 2
                                    

Didi's POV
"C'mon bebs! Magbonding naman tayong lahat! Ang tagal na nating hindi nagkasama eh." pangungulit ko kay Beverly. We're currently here at Infinitea wasting some time. Holiday kase kaya walang pasok sa work si bev.

"Hmm true. Maybe we can visit Luke's resort. It's been years since the last time we've gone there."

"Maganda ba dun?" I asked excitingly at inilapit ang mukha ko sa kanya.

"Yeah. Mas maganda na siya ngayon at marami naring mga recreational activities dun."

"Waaaah! Like what?"

"Horseback riding, inflated balloon stuff, tapos marami pang iba. Ang excited mo ano? Para kang bata." Natatawa niyang sabi. Ano bang masama dun? Excited lang naman ako eh.

"Dali. Tawagan mo na si Luke mo. Hihi." pangungulit ko sa kanya. Waaa! Gusto ko talagang masubokan yung mga sinabi ni bebs.

"Alright." She said in defeat.

Nakaabang lang ako sa kanya habang nagddial yung phone.

"Hey, baby. Nakakain ka na ba?..HOY, SINO YUN HA? BAKIT BOSES BABAE?! A-Ah. Hahaha ganon ba? Okay here's the thing. Gusto sana naming pumunta sa resort niyo. You know, to have some rest. Kung okay lang naman sayo."

Napakaselosa talaga ng babaeng to. Haha! Tumingin si bebs sakin tapos kumindat at nag thumbs up. Omg! does that mean pumayag si Luke? Yesyesyes!

"Yay, thank you babyyy ko. Call me when everything's ready okay? Bibili din kami ni Andy ng food. Tawagan mo narin yung iba. I love youuu!"

Aweee nakakainggit sila pakinggan. Sana may ka "I love you" din ako. Bigla ko tuloy naalala si Greg. Mahal ko pa kaya siya ngayon? Eh siya, mahal pa kaya niya ako ngayon? Pero sabi niya, mahal pa daw niya yung asawa niya kaya malinaw ang lahat na hindi na nga ako yung mahal niya. Psh.

"Uy bebs. Let's go. Nakatulala ka dyan." I went back to my senses nang hinila ako ni Beverly palabas ng Infinitea. Hahaha nagrhyme pa ah.

"Anong iniisip mo?"tanong niya bigla. Umiling ako tsaka ngumiti.

"Hihi wala. Excited lang ako para mamaya." sabi ko at hinila ko na siya sa grocery store at namili ng mga kakailanganin namin para sa outing mamaya.

Beverly's POV
"Bakit mo tinawagan si Dray? Hindi ka ba nag-iisip, Luke?" Napakalakas din ng trip nitong si Luke eh. Pati si Dray tinawagan.

"Wala namang masama dun ah. At ang sama rin naman kung tayo lang pupunta dun. Kaibigan parin naman natin siya."

Napatahimik ako. Tama nga siya pero hindi rin tama ang ginawa niya sa bestfriend ko noon.

"No. If you care for Andy, then you shouldn't have invited him." He raised an eyebrow at me.

"I'm doing this because I care for the both of them. At kitang-kita naman sa mga mata ni Dray na mahal na mahal pa niya si Andy. Tsaka nagsisi na siya diba? I don't see anything wrong with it. You're being selfish, Beverly." He said then suddenly walked out. I tried calling him but he acted as if he was deaf.

At ano daw? Selfish ako? Ginagawa ko to dahil ayokong maranasan ulit ni Andy yung nangyari sa kanya noon tapos sasabihan pa niya ako ng ganon? Aish! Nakakabwesit!

--

Tinawagan ko si Andy para ipaalam sa kanya na hindi na ako makakasama. Ayokong makita yung Luke na yun. Nakakasira ng araw.

"Bebs! May sasabihin ako."

[Naku! Later na. Andito na yung sundo natin! Bakit wala ka pa dito?]

"Yun nga eh. Hindi ako makakasama sa inyo."

[Ha? Bakit?! Bebs namaaan.]

"Basta. Babyeee! Enjoy okay?"
Pinatay ko agad yung tawag at napabuntong hininga. Good luck nalang mamaya sa inyo ni Dray. May feeling ako na magkakaalaman na kayo.

Dray's POV

Andito na ako sa labas ng bahay ni Dee, naghihintay. Ininvite kase ako ni Luke kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong makasama si Dee. Ilang minuto ay dumating narin yung van nina Luke at lumabas na si Dee kasama yung pinsan niyang hilaw.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Dapat lang sumama ako! Paano kung mangyari ulit yung nangyari noon dun sa resort? Mabuti na't andun ako para mabantayan siya.

Umandar na yung van at nakasunod naman ako sa kanila. I can't wait to be with her again.
--

Sa Batanggas...(3:45 pm)

Lumabas na silang lahat ng van at pansin kong may kulang. Wala si Beverly tsaka si Enzo. Hmm ano kayang nangyari. Pero dahil hindi ako chismoso, IDGAF.

Ipinasok ko narin yung kotse ko at naghanap ng parking spot. Maraming mga sasakyan pero nakahanap naman ako ng pwesto. Umasenso na talaga tong si Luke.

I went out off my car at sinalubong naman ako ng mga amerkanang hilaw. May iniinum pa silang buko juice. Ano kayang kelangan nito.

"Yes?"

"Are you Filipino? Gosh, you're so handsome. Wanna hang out with us?" kumapit yung isa sakin na nakatwo-piece at idinikit yung malulusog niyang bundok sa kin.

"I'm sorry but I'm with my friends." sagot ko. Lumapit naman yung isang napakachix na babae. Bigla niyang hinimas yung ano ko. Tch. Alam ko na ang habol ng mga to.

I got her hand off and gave her a deadly stare. "And I'm sorry 'cos only one girl can make me hard." I gave her smirk and walked away. Totoo naman talaga yun. Wala ngang epekto yung pagdikit niya sakin ng ano niya eh. Pero kung si Dee na ang gumawa sakin non, baka sasabog ako agad.

Pumunta muna ako ng lobby para magcheck in ng room. Ayokong makisali sa kanila eh. Feel ko may galit parin sila sakin hanggang ngayon. Feel ko lang naman. But atleast ininvite parin ako ni Luke. Masaya na ako dun.

Pagkatapos kong magcheck in ay ipinasok ko yung mga gamit ko sa room at humiga sa kama.

"Hayyy."

Ipinikit ko yung mata ko. Maganda to. Nakakapagrelax ako kahit konti. Ang sakit pa ng mga kamay ko kakadrive.

Inilabas ko yung kwintas ko. Ito nalang ang tanging bagay na nagkokonekta saming dalawa eh. Pero hindi ko na nakitang suot yun ni Dee. Sana man lang hindi niya tinapon o sinangla.

"Dray?" dinig ko mula sa labas. Binuksan ko naman agad.

"Oh, Luke." nginitian ko siya.

"Dito lang sa tapat mo yung room namin, ah? At wag kang mahiyang makisalo samin. You're still our friend." Tinanguan ko lang siya at ngumiti. Umalis narin naman siya agad. Mukhang magsisimula na sila. Makapagbihis na nga rin.
--

Saan na ba sila? Ang hirap pa namang hanapin ang mga yun. Kung saan-saan pumupunta.

Ah bahala na. Dun na muna ako sa dagat. Mas tahimik at para narin makapagreminisce ako ng masasayang alaala.

Hmm. Bakit kaya walang masyadong pumupunta dito? Ang ganda kaya tapos ang linis ng tubig dagat. Tanging yung mga nagjjetski at nagssurfing lang andito.

Umupo na ako sa pinakakomportableng spot at kumuha ng mga pictures gamit yung phone ko. Walang magawa eh. Pang-instagram nalang din. Haha.

Napatingin naman ako sa may malayo. May pamilyar na babae akong nakita at sigurado akong si Dee yun. May hinahanap yata siya?

Gusto ko sanang lapitan siya pero nagdadalawang isip pa ako. Baka iwasan niya ako o ano. Pero wala rin naman siyang rason para iwasan nya ako diba? All she knows is that I'm Greg. The old friend she met in a park. So I guess there's no reason for me to get scared.

Tumayo na ako at pinagpagan yung shorts ko. Ito na lalapitan ko na siya.




We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon