Hi readers :D Natutuwa talaga ako 'pag binabasa ko yung comments niyo hahaha yun nga lang hindi ako makakapagreply. huhu :( But, here it is. More on Beverly and Enzo moments muna tayo :)
CHAPTER THIRTEEN
"Oh,bakit nakasimangot ka dyan?" tanong saken ni Beverly. Andito kami ngayon sa cafeteria. Break time kase kaya kumain muna kami.
"Eh, nakakainis kase yung Dray na yun eh!!" nahampas ko pa talaga yung mesa sa inis. At sa sinabi ko, muntik nang maibuga ni Beverly yung iniinom niya.
"T-Teka, kelan pa kayo naging close?! Hoy, hindi ka na nagsheshare ah! Magtatampo na talaga ako sa'yo." Sabi niya at inirapan ko lang siya.
"Hindi ka makakapaniwala sa sitwasyon namin ngayon." Sabi ko nalang at kinain nayung pizza ko.
"Namin?! Hoooy! Wag mong sabihing, other woman ka ni Dray?!" tinakpan ko kaagad yung bibig ni Beverly. Napatingin pa yung ibang mga students dahil sa sinigaw niya. Baka kumalat pa yun kahit di naman totoo. -_-
"Sira! Anong other woman pinagsasabi mo? Hindi ako kabit no..." Oo, hindi ako kabit kase asawa niya ako. In papers -_-
"Psh, 'to naman. Di ka na mabiro. Ah, nga pala! Pupunta ako sa bahay niyo ngayon, okay? Namiss ko bigla si Anika eh at gusto ko talagang masilayan yung gwapo mong kapitbahay." Nabatukan ko siya. Kung anu-ano nalang pumapasok sa isip nito! Gwapong kapitbahay? Eh, puro chaka yung mga yun eh! Mga gwapong-gwapo sa sarili!
Pero, teka! Hindi na ako dun nakatira eh. At baka magtaka si bebs kung bakit wala na yung mga gamit ko sa kwarto. Mag-isip ka ng palusot, Andy!!
"Ahm, hindi pwede! May construction na ginagawa sa bahay namin! Baka ayaw mo ng ingay at dumi. A-Ahahaha, yun na nga..." palusot ko pero tiningnan lang ako ng maige ni bebs. Naku, 'pag ganyan siya makatingin, hindi talaga siya naniniwala sa sinabi ko.
"Totoo! May construction talaga sa bahay! Nasira kase yung ceiling namin!" pero hindi parin nagbabago yung ekspresyon ng mukha niya.
"Eh kung ayaw mong maniwala edi wag! Don't blame me kapag nahulugan ka ng mga hollowblocks." Tapos pinunasan ko na yung bibig ko at inayos yung damit ko. Tumayo na ako at sumunod naman si Beverly. Mukhang hindi parin siya convinced sa palusot ko.
Di bale na, iiwasan ko nalang siya. Nagpunta na ako sa next class ko at salamat naman kase maiiwasan ko natong bebs ko. Sa kabilang building siya eh.
Okay, makikinig muna ako ng lecture nitong prof namin. Ciao!
Beverly's POV
Tapos na lahat ng subjects ko for today at agad ko namang nilapitan si Enzo na nagliligpit ng mga gamit niya.
"Enzo, samahan mo ko!" sabi ko sa kanya at nang tapos na siya sa pagliligpit, hinigit ko na siya palabas.
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong niya habang hilang-hila ko parin siya.
"Parang may tinatago kase si Andy satin kaya we need to know it. My instinct tells me na may tinatago siya satin eh.." sagot ko at napadpad kami sa Fine Arts building. Okay, timing na timing lang kase kalalabas rin nila.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...