Didi's POV
Tapos na yung tatlong araw namin dito sa Baguio at masaya ako dahil makakaalis na ako sa lugar na'to. Sobrang natakot kaya ako nung unang araw namin dito. And then nalaman ko yung nakaraan ni Jeff. Hindi naman ako natakot sa kanya kase alam kong hindi niya ako sasaktan. Iniligtas pa nga niya ako diba?
Sa tatlong araw namin dun, palaging tumatawag si Dray sakin at nakabalik na pala siya sa Maynila. Kada-minuto tinatanong niya kung anong ginagawa ko, kung ayos lang daw ba ako, at kung kelan kami uuwi. Hindi ko sinabi yung insidenteng nangyari dahil ayokong mag-alala siya.
At syempre, excited akong umuwi dahil magddate daw kami. Yun nga lang, hindi niya ako masusundo sa airport because busy na naman. Kahit student palang siya, busy na busy na siya sa kompanya nila. What more if graduate na kami right?
Nagland na yung eroplano at tinext ko agad si Dray na andito na kami. Medyo matagal-tagal siyang nakareply hanggang sa nakasakay na kami ng taxi. Hindi parin siya nagrereply. Palagi naman niya dala ang phone niya. At kahit busy ay humahanap parin siya ng way para makapagtext sakin. Bakit ngayon..
Aish, baka lowbatt lang. Dinrop ako nila Mdm at Jeff sa bahay at umalis na sila. Mabuti nalang at may na-earn akong pera mula sa exhibit. Manlilibre ako hihi. Sinalubong agad ako ni Anika nang makapasok ako.
"Ate!! Pasalubong?"
"Pasalubong agad hinihingi mo. Hindi mo ba ako namiss?"
"Syempre hindi!"
=_=
"Hay naku. Ewan sa'yo. Bibilhan nalang kita ng bagong Barbie. Magpapahinga muna ako."
"Yayyyy!!!" tumalon-talon siya at bumalik dun sa sofa at nanuod ulit ng TV. Nasaan kaya yung pinsan kong hilaw? Baka nagmall na naman yun. Saturday kase at wala yung ibang gagawin kundi maglakwatsa. Maghanap ng hot guys at magclub. She's a California girl daw kase. Hindi ko rin nakita yung kotse nila mama sa labas kaya for sure home alone si Anika.
Pasalampak akong nahiga sa kama ko at biglang nagbeep yung phone ko kaya kinuha ko to mula sa bag.
From: Dray
Magkita tayo sa Moon Jam Restau. 7pm. Love you, baby.
Lahat ng pagod ko ay tila nawala. Syempre nagreply ako agad ng iloveyou too. May kiss emoticon pa. Nagshower nalang muna ako at nagbihis ng pambahay.
Tumunog na naman ulit yung phone ko at may tumatawag na unregistered number. Bakit napapadalas yata ang pagtawag ng mga unregistered number sakin? But still sinagot ko naman.
"Sino to?"
[Hey, it's Andy.]
"Bakit ka tumawag?"
[Gusto ko sanang makipagmeet sa'yo. I want to clear things. See you later sa Hudson Blues.]
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...