CHAPTER 55

6.1K 89 0
                                    

Didi's POV
I went to the farthest place in the resort. Hindi ko na nga maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung galit ba ako o masaya. Halo-halo na lahat. Nang mapagod ako, pumunta ako sa may dagat at tinampisaw yung mga paa ko.

Bakit nga ba ako nagalit? Bakit ako tumakbo palayo? Bakit parang nagalit ako kay Greg bigla sa hindi ko malamang dahilan?

Nang nalaman ko na siya si Dray, gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya ang namumuo kong damdamin para sa kanya pero nangingibabaw ang galit sa loob ko eh.

"Aaaaaahhhhhh! Ayoko na!" napasigaw nalang ako at umiyak. Bakit nga ba ako umiiyak? Hindi ko rin alam. Bigla nalang itong pumatak nang magsimulang sumakit ang ulo ko. Ang weird naman. Parang ang dami kong bagay na naiisip ngayon.

Si Dray na hinihila ako sa gitna ng quadrangle, Si Dray na sinisigawan ako, si Dray na pinagtangkaan akong i-rape pero pinaglalaruan lang pala ako, si Dray na hinahabol ako at nilalagyan ng icing yung isa't-isa, si Dray na nagligtas sakin dun sa stockroom, si Dray na nagturo sakin kung paano magmahal, si Dray na andyan palagi sa tabi ko, at si Dray na minahal ako at minahal ko rin ng sobra.

Naalala ko na. Sa dami ng pumapasok ngayon sa isip ko ay hindi ko na kayang banggitin ang lahat. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, naramdaman ko ang sakit noong hindi niya ako pinagkatiwalaan, ang pinagdaanan ko sa Amerika, at ang pagtaksil niya sakin. Ngunit, bakit pinipilit kong hindi magalit sa kanya? Dahil ba nalaman kong nagsisisi na siya? Na ginawa niya ang lahat para sundan ako pero wala siyang magawa? Na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya parin ako ng sobra?

Pinunasan ko ang aking luha at inayos yung buhok ko.

Babalik na sana ako sa pinagtambayan namin kanina pero may biglang humila sakin mula sa likod.

"Andy..."

"Enzo? L-Let me go." binawi ko ang aking kamay at napansin kong may pumatak sa kanyang pisngi.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Enzo, siya ang lalaking nandyan sa tabi ko sa mga panahong sobra akong nasaktan. Napakabuti niyang kaibigan sakin at sinundan pa talaga niya ako sa Amerika dahil nag-aalala siya sakin. Napakaselfless niya. At ayaw ko siyang masaktan dahil sa mapagmakasarili ko.

"You're not leaving me, are you?" Tumawa siya ng mahina.

"Enzo... There's no reason for me to leave but... I remembered everything now."

"Please I don't want you to leave me. Ikakasal pa tayo diba? Tapos bubuo pa tayo ng pamilya...Please, Didi ko. I've done everything for you. All these years, ikaw ang naging mundo ko at ikaw lang. I love you so damn much, Didi. Just please don't leave me even though you got your memory back."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Takot akong masaktan siya eh. Sa lahat ng sinakripisyo niya para sakin, parang di ko kaya. Pero paano si Dray? Paano yung mga masasayang araw namin na magkasama? Si Dray ang mahal ko pero ayokong masaktan si Enzo.

"Shh. Don't cry. Hindi kita iiwan. Dito lang ako." bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.

"Matututunan mo rin akong mahalin, Andy. And I will never get tired to wait for that day to come."

--

One week has passed at hindi ko na nakikita si Dray. I guess hindi nga talaga kami para sa isa't-isa. I must start opening my heart to someone else.

"Anak?" narinig kong may kumatok.

"Pasok po." sagot ko. Pumasok si mama na may malumanay na ngiti. I stood up and welcomed her with a hug.

"Mamimiss kita, Andy."

"I'll miss you too, ma. Wag na malungkot. Makakasama mo naman ako sa araw ng kasal ko eh." kumalas kami sa yakap at may kinuha si mama sa bulsa niya.

"Ano yan, ma?" inilahad niya ang kanyang kamay sakin at tinanggap ko naman yun.

"Gusto ko sanang ibalik yan sa'yo. Kung sakaling magbago ang isip mo."

Ibinuka ko ang aking kamay at nakita ko ang isang kwintas. Napatingin ako kay mama.

"Enzo gave that to me. He told me to keep it but then naisip kong ibalik sa'yo. Andy, anak..." tinakip niya ako sa balikat. "Sundin mo lang kung ano ang nasa loob ng puso mo. At kung saan ka sasaya, masaya narin kami ng papa mo."

Hindi ko napigilang yakapin ulit si mama. Napaluha tuloy ako. All this time nakay mama lang pala. Akala ko nawala na talaga ng tuloyan.

"Thank you, ma."

"You're welcome, anak."

Napalingon kami pareho nang may kumatok. Si Enzo pala.

"Let's go, Didi?" nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako at hinalikan si mama sa huling pagkakataon.

Bumaba na kami sa sala kung saan naghihintay sina papa at Anika.

"Bye, ate. Mamimiss ka namin."

"I'll miss you too, baby." I gave her a hug and kissed her cheek.

"Pa, ihahatid mo pa ako sa altar ah."

"Oo naman. Haha! Umalis na nga kayo baka malate pa kayo sa flight niyo."

"Aba, pinagtatabuyan na tayo Enzo oh. Hahaha! Sige. Aleina, tara na." tawag ko sa pinsan ko na kumakain pa ng mangga sa kusina.

"Omg, wait up!" dali-dali siyang umalis ng kusina at nagpaalam kina mama at papa.

"See you soon!"

Tuloyan na nga kaming lumabas ng bahay. We placed our luggage in the compartment at sumakay na ako sa kotse.

Hinahawakan ko parin yung kwintas hanggang ngayon. And honestly, I think... I'm about to change my mind.

Dray's POV

Andito ako ngayon sa bar. Pero hindi ako naglalasing ah! Well nililibang ko lang ang sarili ko. Isang linggo na ang dumaan at wala na akong nakikitang Andy. Ni anino niya wala. Hay. Andun dapat ako sa opisina nagtatrabaho eh. Peri pati mga employee ko napagbubuhosan ko ng galit ko.

"HOY GREGORY DRAY KWON!"

Napalingon ako sa likod at nakita ko si Jeff. Nakasuit pa siya at parang galing siya ng marathon sa gulo ng suot niya.

"Yo Jeffrey mah man!"

"Wag mo kong ma Jeffrey mah man dyan. Bilisan mo kung ayaw mong iwanan ka na ng tuloyan ng minamahal mo kasama si Enzo papuntang Amerika! May gana ka pang maglasing!"

"Hoy hindi ako naglasing! Ulol! At tsaka, wag mo nga kong pagtrippan! Kitang problemado yung tao eh!"

"SUSUGOD BA AKO DITO GALING SA ISANG NAPAKAIMPORTANTENG MEETING KUNG PINAGTITRIPPAN LANG KITA?!"

"Dude, are you fcking serious?"

"I AM FCKING SERIOUS KAYA WAG KANG TUTUNGANGA DYAN! BILIS!"

FCKING SHT! Nakakapagmura na ako sa isip ko at agad na kumaripas ng takbo. Mabuti nalang yung motorcycle ang gamit ko ngayon. Pinaandar ko yun agad at pinalipad patungong aiport.

Wait for me, Dee. Maaabutan kita and I will never ever let you go again.

Nang marating ko yung airport, hindi ko na ipinark yung motor ko at dumerecho ako sa loob. Nagulat nga yung mga security guards sa biglaan kong pagpasok.

"Where the hell are you?!" sa dinadinaming tao dito sa airport, imposibleng makita ko siya.

"All flight to United States of America has taken its leave. Thank you and have a good day."

I was too late. Hindi na ako umabot. Damn. Wala na talaga siya. I guess Enzo won the game. In the end, ako parin pala ang talunan.

Napaupo nalang ako at umiyak. Wala na akong pakialam sa mga tao. Ang gusto ko lang ay lamunin na sana ako ng lupa. Wala narin namang saysay ang pagkabuhay ko sa mundong to.

For the second time, I lost her. Damn it!


We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon