CHAPTER 53

4.7K 82 0
                                    

Kaso may sumingit. Pucha! Panira talaga tong kapatid ni Luke! Malapit na sana ako eh! Dumating pa siya. Aish.

Kung binilisan ko nalang sana yung paglalakad ko edi sana naunahan ko siya. Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Bumalik ako sa pwesto ko at nahiga nalang. At dahil sa maginaw na hangin dala ng dagat, dinalaw ako ng antok at tuloyan na ngang nakatulog.

--
"Dray! Hoy gising!"

"What the--" Napabangon ako agad nang pagtadyakan ako nitong si Brylle. Sa lahat ng pwede niyang gawin para gisingin ako, ito pa talaga ginawa niya. Aba!

"Hoy anong tingin mo sakin, ha?! Lakas ng trip mong mangtadyak no?!" sigaw ko sa kanya at bumangon.

"D-Dray. Si Didi nawawala."

Lumaki yung mga tenga ko. Parang di ko narinig nang maayos.

"Sino?"

"Si Didi nawawala!! Benge ka ba?!"

O_o

"F-CKING SH-T!" kumaripas agad ako ng takbo at sinundan naman ako ni Brylle. Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya pala hindi ako nakatulog nang maayos. Kase maaaring nasa panganib si Dee.

Nakita ko silang lahat na nagkukumpulan. May mga search and rescue team narin ang nagsidatingan.

"Luke!" lumingon silang lahat sakin. Yung iba ay nagtataka at nagulat.

"Dray?!" -Jhaira

"Oh my gosh! Anong ginagawa mo dito?!" -Hilaw na pinsan ni Dee.

"Brad!" -Jeff.

Lumapit sina Jeff at Luke sakin at parepareho yung mga ekspresyon nila sa mukha.

"Nasaan si Dee?! Bakit niyo ba siya pinabayaan??" Hindi ko na ulit makakaya kung may mangyari na namang masama sa babaeng mahal ko.

"Calm down, Dray. Hinahanap na ng rescue team si Andy. Wala kang dapat ipag-alala." sabi ni Luke.

"Damn! So maghihintay lang tayo dito at walang gagawin?Paano kung huli na ang lahat?! Paano kung may nangyari ngang masama kay Andy?!" tumahimik silang lahat. I can't just stand here and wait. Hahanapin ko siya. Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nahahanap.

"I'll go find her by myself then." I ran everywhere. This scene felt so familiar. Palubog narin yung araw at parang alam ko na ang lugar na dapat kong puntahan. Nagbabakasakali lang naman ako baka nandyun siya.

Pumasok ako dun sa gazebo na hingal na hingal.

"Dee?! Dee, andyan ka ba?!" sigaw ko pero walang sumasagot. Nakita ko naman yung pinto na nakasara. Idinikit ko muna yung tenga ko sa pinto. Wala namang maingay. Nakalock din pero there's no harm in trying kaya umatras ako ng ilang metro at tumakbo tsaka ko sinipa yung pinto.

Ayun sira na naman.

"G-Greg?"

"Dee!" agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Akala ko napano na siya. Bakit ba siya pumunta dito? Ano bang pumasok sa isipan niya't ginawa niya to?!

"Ano bang trip mo at nagpunta ka dito ha?! Alam mo bang nag-alala ako nang husto sayo?!"

"Nag-alala ka?"

Kumalas ako sa yakap at tiningnan nang maigi yung katawan niya.

"May galos ka ba? Kompleto pa ba yang katawan mo? May naglock ba sayo dito?" sunod sunod kong tanong sa kanya. Then I heard her chuckle.

"Ang OA mo. Sina Jhaira at Aleina yung naglock sakin dito. Sabi nila, dito lang daw ako kase may liligtas sakin. And I didn't expect it would be you."

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon