Enzo's POV
Days passed at hindi parin gumigising si Didi. Napapanic na tuloy ako dito. Kinakain ko na yung nails ko at pabalik-balik akong palakad-lakad dito sa ICU.
Paano nalang kung hindi siya magising? Paano nalang ang future namin? Paano nalang yung sinasabi nilang forever na yan? Huhuhu.
"Didi ko gumising ka na. Hindi ka pa kumakain baka pumayat ka na naman dyan. Hoy, gising na. Baka gusto mong halikan muna kita para magising ka?" sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako masasagot. Para akong tangang kinakausap ang isang taong in coma. Pero advise kasi ng doctor na kausapin daw siya kase naririnig parin daw niya kami. Yun nga lang,hindi siya makagising.
Sana ako nalang ang nandyan sa kama. Ang lambot pa naman. Gusto ko ng matulog. Nag-aabang kase ako baka magising siya tapos tulog ako. Gusto kong malaman kung naaalala parin niya ako.
"Enzo! Andito na sila tita!" napatunghay ako sa pagbukas ng pinto at tumambad sakin ang mag-asawa at may isa pang batang babae na sobrang cute. Sarap kurotin.
"Enzo, hijo! So glad to see you again." Mangiyak-ngiyak na sabi ng mama ni Didi.
"Ako rin po." Ngumiti siya but then nakita niya si Didi sa kama kaya agad niya itong linapitan at hinawakan sa kamay. Umiiyak na siya gaya nung papa ni Didi.
"Mama, bakit nandyan si Ate?" tanong ng bata. Alam kong may sister siya pero never ko pa siyang nakita. Ngayon lang.
"Nagpapahinga lang si ate okay? W-Wag kang mag-alala."
"Pero bakit kapag ako nagpapahinga hindi kayo umiiyak?" boom! Haha. Ayos ka little Didi. She look so innocent yet so clever. Hindi na siya pinansin ng mama niya at patuloy parin sa pag-iyak. Lumapit yung papa niya saken at kinabahan naman ako. Ang sungit niyang makatingin
"Sa wakas nakita narin kita." Nakangiti niyang bati. Hoo! Akala ko talaga ayaw niya saken.
"Hehe." Nagbow ako sa kanya kase wala akong maisip na sagot.
"Halatang pinupuyat mo ang sarili mo kakabantay sa anak namin."
"Ah, opo. Iniintay ko pong magising siya. Napakaimportante niya po saken, eh." Nahihiya kong sabi. Syempre hindi pa kami close ng papa niya.
"Salamat, hijo. Palagi kang nandyan para sa anak namin. Sana matuto niyang mahalin ang isang tulad mo." Tinakip niya ako sa balikat at bumalik na dun sa asawa niya. Napangiti ako ng malapad. Boto saken yung mga magulang niya. Pero ang tanong, sa kapatid kaya boto rin ako?
Tingnan mo oh, ang sama ng tingin sakin.
"Hi little Didi." Sabi ko habang kinakawayan siya.
"Kuya, kita ko kulangot mo mula dito." Napatakip ako agad sa ilong ko. Grabe, bata bato? Ang liit niya kase tapos alam niyo na, pinaglihi ako sa kapre kaya napapaangat ang ulo niya kapag nasa harap niya ako.
"Wala naman akong kulangot oy. Hahaha."
"Tss. Whatever. If you're my Ate's new boyfriend, well sorry nalang kuya kapre. Mas gusto ko si Kuya Dray for her." Tapos linabasan niya ako ng dila niya. Aba, batang yun. Ang sungit. At ano daw? New boyfriend? Sana. Haha.
"Ano ka ba, Anika. Be nice to tito Enzo. Siya ang nag-alaga kay Ate Andy for a very long time." Sabi nung mama niya pero hindi yata siya nakikinig. Humiga siya dun sa sofa at ipinatong ang ulo sa lap ni Aleina.
"Sir, tita-"
"Tito nalang, Enzo."
"Ah hehe tito. Ahm, sige po. Bibili lang ako ng pagkain. Gutom narin kase yung mga alaga ko." Paalam ko sa kanila. Tumango sila at lumabas ng kwarto. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig kong sumigaw si tita.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...