Malapit na June 8 guyssss. Huhuhuhu. Masaya ako dahil may nagbabasa ng story ko kahit papano. Pagpalain sana kayo ng diyos. O, sa mga may pasok na, condolence hahahahaha ^^V
——
Pumasok na kami ni bebs sa loob nitong bagong tayong restaurant sa tapat ng Kwon Academy. Bagong bukas palang ito ngayon kaya may malaking bulaklak na nakalagay sa labas. Akala ko nga may patay kase may ganon din namang nilalagay kapag may lamay. Sana bangkay ko nalang.
"Bebs, andito lahat ng paborito mo oh!" turo ni bebs sa menu nang makaupo na kami. Ang dami ding mga tao. Halos lahat galing sa K.A. Siguradong magccutting yan pagkatapos kumain.
"Aanhin mo naman lahat ng yan kung wala nga akong gana..." sabi ko at inirapan naman niya ako. Sesermonan na naman ako nito. 'Kalimutan mo nalang siya' 'Gago siya wag ka na ulit magpapaloko dun.' Blahblahblahhh. Memorize ko na ata yung mga sasabihin niya. Umaasa parin naman akong babalik siya sakin. Alam kong may dahilan siya. Sinabi niyang hindi niyang mahal niya ako. Yun nalang ang panghahawakan ko kahit iniwan niya ako.
"Ayan ka na naman. Balak mo bang patayin yang sarili mo? Hindi naman sa ayoko kay Dray para sa'yo ah..Pero may Enzo at Brylle na naghihintay sa'yo oh. I mean, marami pa namang lalaki sa mundo, bebs."
Nagbuntong-hiningna lang ako at tiningnan ko na nga yung menu. Nakakagutom naman. Kakain na nga lang ako ng madami. Dumating yung waiter at tinanong yung orders namin. Syempre, libre niya. Wala akong pera ngayon.
Ilang minuto ang dumaan at nasa harapan na namin ang mga orders kaya agad kong isinubo ang malaking fried chicken sa bibig ko. Napanganga naman si Beverly pero napatawa nalang din sa huli.
"Mukhang hindi mo kinaya yung..." bigla na naman siyang ngumanga. Hindi na nga niya natapos yung isasabi niya dahil parang may nakita siya. Lilingon na sana ako kung saan siya nakatingin.
"OY, OY! Wag kang lilingon, bebs!"
"Ewan ko sa'yo." Sabi ko nalang at kumain ulit. Ano ba kasing meron sa likod? Nacurious tuloy ako. Gusto kong sumilip kahit konti lang. Baka may artista tapos pinipigilan lang niya ako dahil gusto niya siya lang makakakita. Awtsu.
Mabilis akong lumingon at pipigilan na sana ako ni Beverly pero huli na siya. Nakita ko na ang dapat sanang hindi ko nakita. Kaya pala ang higpit ng pagkakahawak niya sa tinidor niya habang nakatingin sa likod ko. Kaya niya pala ako iniwan kase narealize niyang mahal niya rin yung unggoy na yun? Mukha pa silang masaya! Grabe, sana hindi nalang ako lumingon. Ayan tuloy, nadagdagan yung sakit.
"Sabi sa'yo wag lilingon eh. Tigas kase ng ulo mo."
Humarap na ako ulit sa pagkain pero hindi ko na yun kinain. Nawala na yung gana ko. Tumayo na ako at napatingin naman si bebs sakin.
"Hoy, di ka pa tapos kumain! Pabayaan mo na yang dalawang yan! Kumain ka oy!" hindi ko siya pinansin at kinuha ko na yung pouch ko.
"Babayaran nalang kita kapag nakaluwag ako." Sabi ko at tuloyan ng umalis dun sa resto. Ang malas at nakita ko siya..at kasama pa niya yung ASAWA niya. Siguro ayos na yung problema kaya niya ako iniwan. Akala ko pa mandin kahit balik na sa dati ang lahat hindi niya ako iiwan. Pinaasa niya ako. Naging kampante pa ako dahil akala ko talaga hindi niya ako iiwan. Well, totoo ngang nakakapatay ang maling akala. *sigh
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
Storie d'amoreMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...