Dray's POV
"You're really out of your mind, GD! Matanda ka na naman at naiintindihan mo na ang sitwasyon ng kompanya natin ngayon! Kung hindi dahil sa pamilya ni Andy, baka sa kalsada na tayo pupulotin ngayon! You're such a disgrace to our family!" blahblahblah. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, mom.
"Tama na yan, honey. Kakausapin ko nalang si Erick concerning this. Wag mong pagsalitaan ang anak natin ng ganyan." Sabi ni dad. Napapailing nalang ako. Mas importante pa yung kompanya para sa kanya kesa sa nararamdaman ko. Alam ko namang mali yung ginawa ko pero alam ko ring tama ang pagsabi ko ng totoo. Ayokong ipaniwala sa lahat ng tao na mahal ko siya dahil hindi naman talaga.
"Ewan ko dyan sa anak mo! Ugh, yung wrinkles ko!!" tapos napapahawak pa siya sa ulo niya habang umaalis. Linapitan naman ako agad ni dad.
"Dray, you shouldn't have done that..." kalmado niyang sabi.
"Hindi ko kinaya dad... Don't worry. Aakuhin ko lahat ng parusa, wag lang idamay ni tita si Dee."
"Idamay? May sinabi ba siya sa'yo? Binantaan ka ba niya?" napatingin naman ako. "Damnit, pinagsabihan na kita noon Dray. Alam mo naman kung anu-ano nalang pumapasok dyan sa isip niya. Kung totoong pinoprotektahan mo si Dee mo na yan, dapat iniisip mo parin yung consequences sa mga gagawin mo kung ayaw mong mapahamak ang babaeng mahal mo..."
Napatungo nalang ako dahil narealize ko ngang katangahan ang ginawa ko kanina. Kinain ako ng inis ko. Kasalanan ko pa kung may mangyaring masama sa kanya pati sa pamilya niya.
Bumuntong hininga naman si dad tsaka niya ako tinakip sa balikat.
"I understand you, anak. Pero sana isipin mo rin ang mga kapalit ng mga yun... Better think wiser next time." Tapos umalis na siya. Naiwan ako dito sa office niya. Napapaisip narin ako. Ang tanga ko rin! Parang nilalagay ko sa panganib ang babaeng mahal ko.
Brylle' POV
Grabe, ang gulo kanina sa party. Mabuti nalang at naagapan agad. Nalaman narin namin kung ano talaga ang totoo dahil ikinwento na ni cupcake ang lahat. Napapaiyak pa nga siya tapos bigla nalang ngingiti. Pero sana hindi nalang siya napunta kay Dray para sakin nalang siya. Haha! Oo, gusto ko siya pero alam kong hindi niya ako paniniwalaan kase playboy ako at ang akala niya pinaglalaruan ko rin siya.
Hindi na nga ako nakikipaglandian sa ibang babae ngayon.Once a week na nga lang ako nakakapangchix. Last na yung outing namin ng barkada. Dahil siguro to kay cupcake. Kaso lang ang dami kong kalaban. Kabarkada ko pa. Ayoko namang mag-away away kami dahil sa babae kaya iniintay ko nalang kung kelan siya pakakawalan ng dalawa. Ako ang tagasalo niya.
"Kelan nagstart ang business mo?" Tanong niya sakin habang tinitingnan yung hinahalo kong ingredients.
"Matagal na, cupcake. Yung parents ko ang nagpatayo nito sakin ng magcollege ako. Libangan ko narin to kapag nababagot ako sa bar." Andito kaming dalawa sa kitchen sa shop ko. Pinilit ko siyang pumunta dito after nung party kase parang malungkot siya.
Alam kong pinapasaya siya ng cupcake kaya gagawan ko siya ng marami. Baka mainlove pa to sakin hahaha.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...