CHAPTER TWENTY-SIX

5.9K 94 4
                                    

Sinundan ko si Enzo dito sa ilalim ng puno. Madilim na yung paligid at tanging ilaw lang galing sa apoy yung nagbibigay ng liwanag. Linapitan ko na siya at tumabi sa kanya.


"Yo." sabi pa niya.


"Hoy, may pa- yoyo ka pa dyan. Mag-explain ka na nga!"


"Ih tinanong mo eh! Ang manhid mo nga at hindi mo agad napansing may gusto ako sa'yo tapos tanong ka pa ng tanong kung sino si lucky girl eh ikaw naman yun at wala ka talagang common sense kaya nga Didi ko ang tawag ko sa'yo kase may gusto ako sa'yo pero parang wala lang yun sa'yo at akala mo nagbibiro lang ako pero akala mo lang yun, akala mo lang!"


-,-


Ang haba ng speech ha? Walang hinga-hinga? Pero ang manhid ko nga. Ngayon ko lang narealize yun hehe. Eh sa akala ko talaga si Beverly ang gusto niya at pinaglalaruan lang niya ako. Hindi naman siya mukhang seryoso eh kaya akala ko lang naglalaro siya. -_-


"Hey,hey. Dahan-dahan lang." ngumoso naman siya at yinakao yung tuhod niya.


"Eh ano kase...Akala ko biro mo lang lahat ng yun. Akala ko talaga si Beverly yung gusto mo...Sorry na uy! Wag kang magmokmok dyan!"


"Dinadaan ko nalang lahat sa biro kase alam kong wala na akong pag-asa sa'yo. May Dray ka na at mukhang may something na kayo. Pero Didi ko, hayaan mo nalang akong magkagusto sa'yo. Hindi naman ako mang-aagaw ng shota pero kung sasaktan ka ng Dray na yun, aba!! Aagawin kita agad-agad!!!"


Napatawa naman ako sa sinabi niya. With matching suntok sa air kase yung ginawa niya tapos ang cute pa niya tingnan. Parang bata.


"Enzo....You're a great guy pero..."


Nawala naman yung masigla niyang aura at napalitan ng lungkot. Magsasalita na sana ulit ako nang bigla siyang tumayo at nakangiti na siya ulit. Parang wala lang nangyari. Inabutan niya ako ng kamay at tinanggap ko naman yun at pinatayo niya ako.


"I don't care kung wala kang nararamdaman para sakin Didi ko! Basta tandaan mo 'to, kapag pinaiyak ka ng Dray na yun, wag kang magdadalawang isip na lapitan ako dahil andito lang ako para sa'yo. Always." nagulat nalang ako ng kinuha niya yung kamay ko at hinalikan yun. Napablush tuloy ako. Ang sweet niya pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.


Hindi ko naman gustong masaktan si Enzo dahil lang sakin kase he deserves someone better.


"Didi ko? May nasabi ba akong mali? Bakit naiyak?" sabi niya habang tinitingnan yung mukha ko. Napapahid naman ako sa mga mata ko at ngumiti.


"A-Ah, wala. Natuwa lang ako sa sinabi mo."


"Aba, dapat lang! Hindi ko nga inaasahang aamin ako sa'yo pero since tinanong mo, sinabi ko na para hindi na ako maunahan ng iba." nakangiti niyang sabi at tsaka siya tumawa. Napangiti narin ako.


"Enzo, I hope we could still remain like before. Yung walang ilangan, okay?"


We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon