Didi's POV
Pumasok na ako sa loob. Nakita kong dalawa yung kotse sa parking lot at ang isa ay kay Dray. So umuwi nga siya. Ni hindi man lang siya naghintay. Pero ang tanong...Pumunta ba talaga siya?
Okay, chill ka lang Andy. Think positive. Binuksan ko yung pinto ng mismong mansyon pero imbes na magthink positive ako, unti-unting pumapatak ang luha ko.
Ano tong nakikita ko? Bakit...Bakit sila naghahalikan?! Nakakandong pa si Andy kay Dray at ang sagwa nilang tingnan!
Ugh!! So kaya pala hindi siya sumipot dun kase busy siya sa pakikipaglandian kay Andy?? Ni hindi man lang niya naisip na may naghihintay pa sa kanya dun at umaasang sisipot yung lalaking mahal niya na ngayon ay nakikipaghalikan sa isang unggoy?!
"Oh, I see..." mahina kong sabi at mukhang narinig nila ako at napalingon sa dako ko. Tiningnan ako ni Dray pero walang emosyon ang mukha niya. Parang galit at nasasaktan ako sa mga tingin niyang yun.
"Mukhang na-istorbo ko kayo. S-Sige, ipagpatuloy niyo. B-Baka nabitin kayo..." sinamaan ko ng tingin si Dray pero nakaupo parin siya at nakatayo na si Andy. Walanghiya kang unggoy ka! Dapat sa simula hindi ko na siya pinuntahan! Sinungaling siya! Mga walangya!
Tumalikod ako habang pinipigilan ko yung mga luha ko. Baka kung dito ko pa mailabas, magmumukha lang akong kawawa. I'm expecting na mag-eexplain si Dray at sasabihin niyang wala siyang masamang ginagawa pero wala. Wala siyang ginawa.
Tiningnan ko ulit silang dalawa habang nangingilid yung luha ko. Bahala na, gusto kong ilabas lahat ng galit ko!!!
"Ang sama-sama ninyo!! Lalo na ikaw, Dray! Hindi mo ba alam na halos tatlong oras akong naghintay sa'yo dun?!! Umasa akong dadating ka!!! Nagsara nalang yung restau pero hindi ka sumipot! Ni hindi ka nagtext para man lang nalaman kong umuwi ka na at hindi mo na ako hinintay!! Pero ano, ito pang makikita ko?!!! Walang hiya ka!! Walang hiya kayo!!" sigaw ko at hindi ko na nga napigilang umiyak.
"Talaga lang?" napalingon ako sa kanya. Tumayo siya sa harap ko with his eyes full of anger. Ni hindi ko alam kung bakit ganyan siya makatingin!
"You think ako lang ang may ginawang masama dito?! Come to think of it, Andy!!" napapailing pa siya habang napapahawak sa ulo niya. Andy na naman...Hindi Dee. "Nagawa mong makipagtalik sa ibang lalake dahil nagsawa at ayaw mo na saken?!! Dahil nabusy lang ako ng ilang araw, sinukuan mo na ako agad?!! Ano sa tingin mo, sinong ang mas walang hiya sa atin ha?!!"
Napaatras ako sa mga sinabi niya. Wala akong alam. Wala akong naiintindihan. Bakit sinasabi yun? Hindi ako nakikipagtalik sa ibang lalake! Kahit sa kanya hindi ko kaya ibigay ang sarili, sa iba pa kaya?! Then I thought of Andy. Siya lang naman ang huli kong kasama bago ako nawalan ng malay.
Tiningnan ko siya at nagshrug lang siya.
$#^*%#@#$&(**&^^%(^$#@@&!!!!! Lahat na ng mura gusto kong isigaw!
"O, bakit hindi ka makapagsalita dyan?! Dahil gulat ka at nalaman ko kung anong mga pinaggagawa mo?!! Mali pala ako ng akala sa'yo!! You're just like the other girls I met! You're a btch! Dapat noon palang, hindi na ako nahulog sa'yo!!"
*SLAP
Sobrang sakit...Sobrang sakit ng mga binitawan niyang salita. Ako daw, btch? Mas lalo akong umiyak. Wala na akong pakialam kung may nanunuod na unggoy. Ang mahalaga, maniwala si Dray sakin na wala akong ginagawang masama.
"Hindi ko alam na ganyan ka palang klaseng tao, Dray!!! Wala akong minahal na iba kundi ikaw lang!! Kahit alam kong may nagmamahal din saking iba pero ikaw parin ang pinili ko! Ano bang sinabi ng Andy na yan sa'yo at nagkakaganyan ka?!! You don't trust me?! If you truly love, then hindi ka maniniwala sa mga sinabi ng ba—"
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...