CHAPTER 38

4.4K 86 2
                                    

Jeff's POV

Pumasok na dun si Andy sa shop at may bigla namang tumawag. Syempre, nag-expect talaga ako na kay Jhaira galing pero hindi. Isang unregistered number pa. Pucha. Pinaasa ako! Pero sinagot ko parin at kasabay ng pagtawa nung nasa kabilang linya ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

[Kumusta ka na, kaibigan?] sabi nung nasa linya. Hindi ako makapagsalita. Bakit bumalik pa sila? Akala ko ba tapos na ang lahat at wala na kaming dapat ipag-alala pa?

"Bakit ka ba napatawag?" walang-gana kong sabi. Tumawa na naman sya.

[Para ipaalam sayo na andito rin kami sa Baguio. Kaya magmasid-masid ka na sa paligid, bata. Hindi mo alam, baka andyan lang kami sa likod mo.]

"F*ck off!! Hindi pa ba kayo nakuntento?! Ang laki na ng binayad namin sa inyo, ano pa bang gusto niyo?!!"

[Relax, Jeffrey. Hindi pera ang kelangan namin...]

"Hoy anong ib—F*CK!! Binabaan ako!!" napasabunot ako sa ulo ko at kumaripas ng takbo para kunin yung baril ko sa luggage. Kung tinatanong niyo kung paano nakapasok yung baril sa airport, aba magaling yata akong magtago. I always find ways.

Nang makuha ko yung baril, inilagay ko yun sa loob ng jacket ko at bumalik dun sa pinag-iwanan ko kay Andy. Pero hindi ko na siya makita. Kahit sa loob nung shop wala din siya! Dun na ako kinabahan. Paano kung akala ng mga ugok na yun na girlfriend ko si Andy tapos siya na naman yung gusto nilang kunin?

No way! Patay ako kay Dray nito! Napapamura na ako habang tumatakbo. Hinanap ko si Andy malapit dun sa shop dahil hindi naman lalayo yun.

Walang masyadong tao dito sa napadparan ko. Ilang segundo pa ay may narinig na akong mga sigaw. Dahan-dahan akong naglakad papalapit dun sa may sulok at nakita ko si Andy. Sinisigawan niya si Maximus. Sht, hindi ba niya alam kung sinong kinakalaban niya? Pambihira, di man lang natakot.

Susugod na sana ako pero napaisip ako na baka hindi ko ma-timing ang pagbawi kay Andy kaya naghintay muna ako saglit hanggang sa may dumating na van. Bumukas yung slide door at akmang ipapasok na nila si Andy pero binaril ko na yung pinakamalapit na myembro dito sa kinatatayuan ko.

Sa ulo ko tinamaan at ayun, sabog.

"Sinong nandyan!!???"

Hindi parin ako nagpapakita sa kanila at tumago sa madilim na sulok saka ko binaril yung isa pa. Natumba ulit ito dun na ako nagpakita.

"Pakawalan niyo siya kung ayaw niyong mabawasan ang mga duwag mong tauhan, Maximus." Sabi ko habang nakatutok yung baril ko sa kanya. Halatang gulat na gulat si Andy pero mamaya ko nalang i-eexplain kung naitakas ko na siya dito sa gongong nato. Mga mukhang perang gorilla.

"You were fast, kid."

"Wag mo kong ma-english english dyan." Tumawa siya at lumapit sakin habang iniikot niya yung hawak niyang bakal.

"Ano bang gusto niyo?!! Pakawalan niyo siya dahil wala siyang alam dito!!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig.

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon