CHAPTER THIRTY-SIX

5K 102 1
                                    

Umupo muna kami dito sa buhangin at ang gentleman na si Dray ay naghubad pa ng shirt niya para maupuan ko. Para daw hindi magkabuhangin yung damit ko. Hihi. May nakita naman ako maliit na sanga galing sa puno siguro kaya dinampot ko yun at nagdrawing ng kung anu-ano sa buhangin.

"Ang galing mo pala sa Arts no." biglang komento ni Dray. Akala ko tulog na siya kase hindi na siya nagsasalita.

"Malamang. Fine Arts student ako. Alangan namang BussAd and kukunin kong course diba? Tss." Pagtataray ko kaya sinundot niya ako sa tagiliran ko. Napatawa naman ako.

"Idrawing mo nga ako. Dali."

"Sige. Hihi." Tapos nagdrawing ako ng dragon. Kumunot naman ang noo niya at tumawa ako ng malakas.

"Ganyan ba itsura ko? Tch. Parang ang layo naman. Magdrawing ka ulit." Para siyang bata sa mga kinikilos niya and I really find it cute. Kaya pinisil ko yung ilong niya at namula yun. Haha!

"May drawing na ako sa'yo no. Hindi ko lang pinapakita sa'yo." Tumango-tango naman siya at mukhang wala na siyang masasagot. Tahimik lang kaming dalawa at nakamasid sa dagat. Minsan napapasulyap pa ako sa kanya. Kenekeleg ne nemen eke.

"DRAY!! DIDI!!" napalingon ako sa tumatawag samin at nakita kong tumatakbo papunta samin si Enzo. Tumayo si Dray at inabutan niya ako ng kamay at pinatayo.

"Nagsisimula na kase. Hinahanap ka na nung host Dray." Hingal na hingal na sabi ni Enzo kaya bumalik na kami dun at nabuwisit na naman ako dahil kay Amu. Kumapit na naman at hindi man lang siya pinagalitan ni Dray. Saglit niya ako liningon at parang may sinabi siya gamit yung mga mata niya. Hindi ko lang gets.

Linapitan naman ako ni Beverly at tumayo kami sa bandang gilid at pinanood ang limang naggagwapohang lalaki sa stage. Walang iba kundi ang gang ni Dray haha! Nalate lang pala ng dating si Jeff ng dating. As usual, with his nakakatakot "kuno" look at si Luke naman wala paring pakialam sa paligid. Si Bry ay naghuhugis puso sa mga natatanaw niyang chix. Si Dray nakatingin lang...sakin ofcourse. Si Enzo nakatingin din sakin kaya lang medyo nailang ako. Ewan ko kung bakit.

"Since andito na silang lima, magpakilala muna kayo isa-isa!" masiglang sabi nung host at binigay yung mic kay Luke kase siya yung pinakamalapit sa host.

"Luke Montecartez."

"Brylle Buenavista babeyyy."

 "Jeffrey Delo Santos."

"Enzo Montenillo here!!!"

"Dray Kwon..tss."

Nagsimulang magtilian yung mga babae at mukhang namimili na sila kung sino yung bet nila. Kami ni bebs ay nananahimik lang. Yung pinsan kong alien ayun nasa unahan nakipagsiksikan. Si Andy naman ay parang VIP. May nakapaligid pa sa kanyang mga body guards para hindi masaktan sa mga nagwawalang babae.

"It's getting hot in here, isn't it?!" sigaw nung host at tinutok yung mic sa crowd at mas lalo lumakas ang tilian.

"Okay, now let's officially start the game! With the given time of five minutes, magpapasikat ang ating mga contestants while the audience shouts their bet. Kung sino ang may pinakamalaking bet after five minutes, iuuwi niya ang napili niyang lalake. The money will then be donated to our chosen charity house. Ayos ba?!!!"  sumagot ang mga tao ng yes at umingay na naman. But oh, I don't like that idea. Tumutok yung spotlight kay Luke at parang wala lang sa kanya.

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon