"Bebs, dapat talbugan mo yang Andy na yan sa party! Shopping tayo dali!!!"hinila na naman ako nitong si Beverly. Andito kami sa mall kasama si Jhaira. Suspended kase ang class kahit hindi na naman umuulan. Syempre, nagpapaparty na yung mga tamad pumasok. Pagkarating kase nung sundo namin, umalis na kami agad. 10 am na kaming nakabalik at ito namang si Jhaira, nagyayang magmall. Di man lang napagod sa biyahe.
"Wait, sinong Andy? Tatalbugan mo sarili mo?" tanong ni Jhaira.
"Long story, sis. Makikilala mo rin siya. For sure invited ka naman sa party na yun diba?" sagot naman ni bebs.
"Ah ofcourse! Maganda ba yang Andy na yan?"napapailing naman si bebs.
"Maganda nga pero halata namang pinagawa. Idol ko nga siya noon pero ang panget ng attitude. Naku, nakakagigil talaga siya."
"Halata nga. Tingnan mo yang paper bag, sira na yung handle." sabi ko at tinuro yung sira niyang paper bag.
"Oh my gosh! Ang lakas ko ba masyado?" natawa nalang ako at naglakad-lakad na kami.
"You know what, simula na natin ang makeover mo, sis. May 2 hourse pa tayo para pagandahan ka." suggest ni Jhaira at sumang-ayon naman si bebs.
Hinila na nila ako sa kung saan-saan. Binilhan din nila ako ng damit na isang floral dress na above the knee tapos see through yung likod. May maliit din na belt na isinuot sakin. Binilhan narin nila ako ng heels na sobrang taas. Syempre, pera nila. Sila yung pumili eh. Pinahot oil narin nila yung hair ko at kinulayan ng brown. Matagal kase yung rebond kaya hot oil nalang. Tapos dinala ako ni Jhaira sa suki niyang hair and make up salon na parang presyo na ng bahay namin ang bayad. Gahd, kapag mayayaman talaga.
Ilang oras din nila akong pinagandahan. Ang dami nilang alam sa kaartehan tapos ako sunod lang ng sunod.
"We're done!" sabi ni Jhaira pagkalabas namin nung salon. Pumapalakpak naman si bebs.
"Ang ganda mo bebs!!! Siguradong luluwa ang mga mata nilang lahat kapag nakita ka nila!" baliw tong si Beverly. Sumigaw ba naman tapos ang dami pang taong nakatingin.
"Oh, I bought this for you noong pinapahot-oil pa yang hair mo." sabi ni Jhaira at may inabot sakin na isang paperbag na kulay gold.
"Naku, Jhai. Ang laki na ng nagastos mo eh party lang naman yun." sabi ko pero umiling lang siya at kinuha yung kamay ko.
"Kunin mo na. Hindi ko naman credit card ang gamit ko ngayon eh. Kay kuya Luke bwahahahahaha!" nabatukan ko siya ng mahina. Akalain mo yun? Ipinagshopping niya ako tapos kay Luke pala yung credit card na gamit?
"Hahahaha! Don't worry, sis! Sa sobrang daming credit cards ni kuya, nakakalimutan na niya ang iba. Buksan mo na. Hihi." wala narin naman ako nagawa. Binuksan ko na at nakita ko ang isang maliit na pouch bag. Kulay gold at may diamonds pang kasama. Yung handle niya ay nakahugis yung daliri para mas madali mong mabitbit. Sobrang ganda. Huhu. Ang mahal siguro nito.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...