CHAPTER TWENTY-ONE

7.1K 113 3
                                    

Didi's POV


Kasalukuyan silang nagkukulitan dito sa mansyon nila Luke pero tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Ang yaman din pala ng loko-lokong yun. Niyaya kase ako ni bebs na sumama. Nagdalawang-isip pa ako kase hindi naman kami close ni Luke.Pero sa huli, isinabit ako ni Enzo sa balikat niya at ipinasok sa kotse.That's why I'm here.-_-


"Bebs, ang tahimik mo dyan."


"Ah, kase nahihiya ako. Hindi naman kami close ng Luke na yan." Palusot ko. Sa totoo lang, simula nong pag-uusap ni Dray at ng papa niya kahapon, hindi na ako mapakali. Feel ko rin iniiwasan ako ni Dray kase hindi siya sumama samin ngayon at kapag kinakausap ko naman siya, tipid lang yung sagot niya. Lutang ako palagi at minsan nga napagkakamalan akong baliw nitong si Beverly eh siya pa nga ang mukhang baliw saming dalawa eh.


"Guys, pumayag na sina dad." Biglang sumulpot si Luke na may ngiti sa kanyang labi. Ang gwapo din naman pala niya kapag nakangiti pero di hamak na mas gwapo si Dray.


"Yayyy!!! Pupunta tayong resthouse!!Pupunta tayong resthouse!!! Whooooo!!" biglang pagsigaw ni Enzo at tumalon-talon sa couch. Parang bata lang? Haha. Tinapunan naman siya ng cap ng bottled water ni Brylle kaya napatigil siya sa pagtatalon.


"Saan ba yang resthouse niyo, Luke? Marami bang chikababes dun?" binatukan naman ni Enzo si Brylle na babae nalang ang mukangbibig palagi.


"Marami-rami din naman pero wala akong pakialam."seryosong sabi ni Luke at naupo sa tabi ni Beverly.


"Eh si Dray sasama ba?" biglang sabat ni Jerry. Napatingin naman ako sa kanya. Sasama kaya si Dray?Malamang sasama yun kase kasama yung buong barkada. Pero iniiwasan nga niya ako diba? Bakit naman siya sasama samin kung nandun din ako? Psh.


"Ewan ko dun. Tanungin mo kaya siya Didi ko. Since mag-asawa naman kayo." Sabi ni Enzo na nasa tabi ko lang. Hindi ko pa nga pala natatanong sa kanya about samin ni Dray. Pero nasagot na agad ang tanong ko. Alam na niya pero ang tanong ngayon, alam ba niyang hindi talaga ako ang asawa ni Dray?


Si Dray kase eh, sinabi pa niya kay Brylle noong nagkita sila ulit. Kaya ayun, sinabi din ni Brylle sa mga kaibigan niya. Pucha -_-


"H-Hindi ko rin alam eh. Di ko pa siya nakakausap."


"ANO?! HINDI KA NIYA KINAKAUSAP?! NAG-AWAY BA KAYO?!" masyado tong OA si Brylle. Naalala ko pa yung sinabi ni Dray na OA daw ako. Tapos Only Andy pala yung meaning. Ayos naman kami kahapon ah. Ang lambing pa nga niya sakin tapos ngayon iiwasan niya ko.


"OA mo talaga forever, Brylle." Natatawa kong sagot kahit hindi naman talaga ako natatawa. "Hindi kami nag-away. Busy lang talaga siya." Lie. Eh wala nga yung ginagawa eh! Busy daw? Baka busy sa pakikipaglandian sa ibang babae!


"Wow, ano kayang feeling na maging asawa ka?" sabi pa ni Brylle habang nakahawak sa chin niya. Hinampas naman siya ni Enzo at tumawa lang si Brylle.


"Basta tandaan mo lang, cupcake. Kapag sinaktan ka ng Dray na yun, wag kang magdadalawang-isip na pumunta sakin. Ako ang sasalo sa'yo."  Inakbayan niya pa ako at hindi ko maiwasang mailang. Alam ko namang playboy siya kaya hindi dapat ako maniwala dito. Hilig niyang maglaro -_-

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon