CHAPTER FIFTEEN

7.4K 159 7
                                    

Enzo's POV

Di parin ako makaget-over sa moment namin ni Didi kahapon. Akalain mo yun? Sa unit ko pa talaga siya nakatulog? After niya kase akong ipagluto ng porridge, hinintay niya akong matapos kase sinabihan ko siyang ako nalang ang kakain mag-isa. Akala ko pa naman pipilitin niya akong subuan ako pero hindi eh.

Bahala na, atleast...Sa isang gabi nakasama ko si Didi...Si Lucky girl. Nakakatawa nga at wala siyang kaalam-alam na siya pala si lucky girl na ikinwento ko. Gusto pa nga niyang makilala eh.

At dahil magaling ang nurse ko kagabi, magaling na ako ngayon. Yay! Nasa mood talaga akong pumasok kase sabay kaming papasok ni Didi ko.

"Tara na?" sabi niya nang lumabas siya ng unit ko. Inakbayan ko siya at sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Aalisin mo ba yang braso mo o babaliin ko yan?" banta niya. Alam ko namang hindi niya kayang gawin yun kaya hindi ko talaga inaalis. Hahahaha!

"Hayaan mo nalang ako, Didi ko. Baka magkasakit na naman ako kapag balian mo ako ng braso. Hmmm, pero magandang idea din yun kase kung magkakasakit ulit ako, meaning aalagaan mo na naman a- ARAYY KO PO!!!"

>O<

Bakit ang brutal niya?? Parang nababali na yung buto ko! Shit, saan niya nakuha lahat ng lakas na yan?!

"Magbehave ka Enzo, ha?! Hindi ka talaga magugustuhan ni lucky girl kapag ganyan ka." Tumigil naman ako sa kakaakbay niya nang sinabi niya yun. Napangiti nalang ako. Wala talaga siyang alam. Ang cute nga kase suot niya yung tshirt ko noong 10 years old pa ako.

Nagkasya talaga sa kanya. Sa kasamaang palad, nasukaan ko yung damit niya kagabi kaya ayun. Laundry day naman ngayon so pwedeng mag-civilian attire. Sorry nalang sa'yo Didi ko.

-

"Omg, narinig niyo na ba yung sabi-sabi girls?"

"Oo! Yung about kay Enzo at ng Andy Torres na yun? Shemay! Ang cute kaya nila tingnan!"

"Anong cute? Sira ka na ba Dionisia?! Dapat satin lang si Enzo no!"

Wait, ano bang meron at naririnig ko yung pangalan ko sa nadadaanan namin? Tumingin ako kay Didi tapos nakatingin lang siya sa sahig. Ano ba talagang nangyayari at pati pangalan ni Didi nasama?

"DEE!!" Napatigil kaming dalawa dahil sa malakas napagsigaw galing sa kung sino. Agad namang napalingon si Didi sa likod at lumaki yung mata niya. Tiningnan ko narin at nakita ko si Dray. Galit na galit yung mukha tapos parang mangangain na ng tao kapag hindi pa napigilan.

"GD!" sabi ko at ngumiti sa kanya pero hindi niya ako nilingon at dere-derecho lang siya sa paghigit kay Didi palayo. Huli na ako para pigilan sila. Wala naman akong magagawa eh.

Kahit anong gawin ko, lamang parin si Dray saken.

Didi's POV

"Dray,ano ba?!!" sinisigawan ko na siya habang hinihila niya ako papunta sa isang tagong lugar. Walang tao at bihira lang ang mga taong dumadaan dito. Ano na naman bang nangyayari sa dragon na'to? Hindi ba niya alam na may klase pa ako? Baka malate ako at mawala na ako sa DL!

Tumigil kami sa harap ng kotse niya at nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa. He kissed me. Kahit ayaw ko, para akong nalulunod sa mga halik niya.  Pero parang ayoko rin maghalikan sa kanya kasi nga hinalikan din niya yung Andy na yun. May germs na. Ew kaya.

"Ano ba!!?" sigaw ko nang makawala na ako sa mga halik niya. Galit na galit parin yung mukha niya at ewan ko lang kung bakit.

"Bakit hindi ka na umuwi kagabi ha??! Saan ka natulog?!! Sinong kasama mo?!Oh, I think alam ko na. Kasama mo yung magaling kong kaibigan na si Enzo. Tama ba ako?! Ha?!"

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon