Dray's POV
Simula nung kinausap ako ni dad, iniiwasan ko na si Dee. Kahit mahirap. Kahit ayoko. Pero alam ko namang hindi ko siya matitiis. Katulad nalang kanina, yung barkada ko pumuntang mansyon ni Luke tapos kasama pa siya. Eh, baka sinamantala na nung dalawang yun ang pagkawala ko!
Susunod na sana ako non nang bigla tumawag yung mom ni Andy. Pinapapunta ako sa isang restaurant na alam kong pangsosyal lang. Wala narin naman akong nagawa kase nga may utang na loob kami sa pamilya nila. Unti-unti nang bumabangon yung Kwon Enterprises and one wrong move, kayang-kaya nilang pabagsakin ang kompanya namin.
Pinuntahan ko naman agad yung place at nadatnan ko siyang nakatalikod mula sa dako ko kaya nilapitan ko na siya. Makikilala mo naman siya agad kase palaging may nakalagay na maliit na sumbrero sa buhok niya na akala niyang nagpapabata sa kanya.
"Tita." Tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya sa likod niya kung saan ako nakatayo.
"Oh, good. Nandito ka na. Please, take a seat." Umupo naman ako sa tapat niya. Hindi ko talaga gusto ag aura niya. Masyadong ma-witch yung tingin tapos parang may balak na masama.
"Nabanggit na ba sa'yo ng dad mo about sa party?" tumango lang dahil wala talaga ako sa mood makipag-usap.
"I see. Then, better prepare yourself dahil ipapakilala kita sa mga friends and relatives namin as Andy's husband." Ngumiti siya pero alam kong fake yun. Tumango lang ulit ako at mukhang nainis naman siya sa pagtango ko. Ikaw ba naman ang kumausap sa taong tango lang isasagot sa'yo.
"Look, Dray. Dederechohin na kita. Kung sinuman niyang nagugustuhan mo ngayon, I'm warning you. Alam mo naman kung gaano mo nasaktan ang anak ko. And I don't want to see her like that again. I know mahal niyo ang isa't-isa at medyo nagkaproblema lang kayo ngayon. So, gagawin kong mas mabilis yung pag-ayos ng problemang ginawa mo para makalayo ka na sa babaeng nagngangalang Andy Torres din." Sabi pa niya. Seryoso lang yung mukha niya. At ano daw? Nagmamahalan? Tch. Sino bang niloloko niya? Pero wala akong balak na layuan si Dee. Nangako ako eh.
"Kasi sa oras na may ginawa ka na namang makakasakit sa anak ko, hindi lang ang kompanya niyo ang pababagsakin ko. Pati yang pamilya ng babaeng gusto. I'll ruin their lives. You don't know what I am capable of, Dray. Kaya binabalaan na kita hanggang maaga pa." kinabahan naman ako dun sa sinabi niya.Witch talaga siya. Isama mo pa yung make-up niyang kulang nalang maging charcoal yung mukha niya sa sobrang itim ng eyeshadow.
"Tita, w-wala naman po akong balak saktan si Andy. Pero-"
"Wow, it's good na nandito ka na,Dray! Ang tagal mong dumating." Napalingon ako sa babaeng sumulpot nalang sa tabi ko. Si Andy. As usal, nakaayos ang buhok, maraming accesories sa katawan at tila rarampa sa isang fashion show sa suot niyang cocktail dress. Ibang-iba kay Dee. Simple lang pero maganda parin.
"So, since the two of you are already here, kumain muna tayo then afterwards, magpapasukat na kayo ng susuotin niyo sa party." Sabi niya habang nakatingin sa menu. Kelangang magpasukat pa talaga eh party lang naman yun. Walang ginagawa kundi makipagplastikan tapos pagchichismisan din pala ang isa't-isa.
"Mom, marami naman po akong dresses sa mansyon. Yun nalang susuotin ko." Sabi ni Andy. Napatingin naman yung mom niya sa kanya at napailing.
"No. You need to be the prettiest lady in that party. Ofcourse, next to me." Tapos tumawa kahit wala naman talagang nakakatawa. Tumigil na siya sa kakatawa ng marealize niyang hindi kami tumatawa saka siya tumingin sakin.
"Oh, isama mo narin si Andy number two. I want to meet her. Para narin malaman ko kung mas maganda ba siya sa anak ko."
Kainis. Mapupuntahin niya lang si Dee sa party para malaman kung sinong mas maganda? Halata naman ang sagot at Dee talaga ang mas maganda sa kanilang dalawa. Lamang na lamang yung kagandahan niya kay Andy kahit hindi siya nagmemake-up.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
Roman d'amourMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...