Dray's POV
Lumangoy na ako sa kung saan. Nang kinapos na ako ng hangin, umahon na ako pero hindi parin ako lumalabas ng pool. Nagulat nalang ako ng may lumapit saking mga babae. Daig pa ang mga GRO sa mga suot nila at halos kita na yung mga pwet nila. Ang kapal pa ng make-up kahit mababasa din naman yan.
Pero may isa talaga akong namumukhaan. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita at kung sino siya.
"Hi Dray Kwon!" bati nung mga mukhang bakla. Ngumiti naman ako pabalik pero hindi parin inaalis ang tingin sa babaeng yun.
"So I guess you have forgotten me already, Kwonie?" at dun na nga bumalik yung mga alaala ko. Siya nga. Siya yung childhood friend ko. Hindi nga lang naglast yung friendship namin kase lumipad nako papuntang Korea.
"Sorry. Pero namumukhan talaga kita agad. Ano nga name mo?" sabi ko at napatawa naman sila. Napatawa narin ako. Hindi ko inakalang magkikita pa ulit kami at dito pa talaga sa resthouse ni Luke.
"Yvonne. But you call me Bone before. Kung natatandaan mo." Napatawa naman ako. May naalala nga akong Yvonne na pangalan. Napangiti naman ako.
"Yvonne, we'll leave you two for awhile. Para naman makapag-usap kayo. Ciao." Sabi nung mukhang coloringbook ang mukha.
"Thank you girls." Tapos umalis na nga yung mga kaibigan niya. Kalog parin kaya to hanggang ngayon? Ilang taon din kaming hindi nagkita. Wala din kaming commu noong nasa Korea na ako.
Nagulat nalang ako ng bigla niyang ako yinakap. Nagdadalawang isip naman ako kung anong gagawin ko. Baka kase iba yung maisip ni Dee tapos magseselos na naman yun. Pero sa huli yinakap ko parin siya. Wala namang masama diba? Childhood friend ko lang siya at walang malisya yung pagyakap ko rin sa kanya.
"I really missed you Kwonie." Sabi niya nang kumalas na siya sa yakap.
"Ako rin naman eh. Hindi ko nga inexpect na magkikita pa tayo ulit." Natatawa kong sabi. Tumango-tango naman siya. Naisip ko bigla si Dee.
"Ah, nga pala. I have someone I'd like you to meet." Nakangiti kong sabi at mukhang sumigla naman siya lalo.
"Girlfriend?" nakangising sabi niya. Umiling ako.
"Wife." Lumaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Nag-iba bigla yung ekspresyon ng mukha niya na parang nainis bigla.
"A-Ah, may asawa ka na pala.. Di ko alam yun ah!" tapos tumawa siya pero halatang pinilit lang. Ngumiti lang ako at hihilahin ko na sana siya papunta kay Dee nang hindi ko na siya makita dun sa inupuan niya.
Patay. Mukhang iba nga yung naisip niya samin ni Yvonne. Lumangoy nalang ako para mas mabilis at umahon na ako sa pool at linapitan si Enzo na naglalaro ng volleyball.
"Hey. Have you seen Andy?" tanong ko agad. Nagkatinginan naman sila ni Beverly.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...