Didi's POV
Ngayon na kami uuwi pabalik sa manila. Isang araw din kaming absent at mukhang makakaskip pa ako ng ilang class ngayon. 6AM palang gising na ako at inaayos ko na yung mga gamit ko. Ayun, si Dray bagsak pa sa kama.
"Yeah, kapag mas marami tayong vacant time, babalik naman tayo ulit dito." Dinig ko mula sa labas kaya idinikit ko yung tenga ko sa pinto.
"Sige Luka ah? Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko. Bye." Boses yun ni Beverly ah. Ano kayang nangyari sa kanya ng gabing yun. Galit kaya siya sakin? Hindi pa kase kami nakakapag-usap. Di bale na, hindi naman ganyang klase ng tao si bebs kaya forsure hindi siya magagalit sakin.
Wala na akong narinig na boses kaya bumalik na ulit ako sa ginagawa ko.
"Eavesdropping huh?" napalingon naman ako agad sa nagsalita at nakita kong gising na si Dray at nakasandal sa headboard.
"Hindi no! Psh." Hindi na siyas umagot kaya hindi ko nalang pinansin. Nagulat nalang ako nang may yumakap sakin mula sa likod. Hinalikan niya ako sa leeg dahilan ng pag-init ng mukha ko.
"Dee...Dito muna tayo. One day extension lang tapos uuwi narin tayo." Sabi niya habang binabaon niya yung mukha niya sa leeg ko.
"Huy, may party ka pang dapat puntahan bukas! Wag kang ano dyan." Tinulak ko siya pero mahina lang para lumayo siya sakin. Eh sa nakikiliti ako sa ginagawa niya eh. Tapos wala pakong ligo.
"Oh, shit! I almost forgot about that..." napabitaw siya sakin at parang nainis bigla. Tumunog naman yung phone niya at agad niya itong kinuha mula sa kama.
"Yes, pa." sabi niya dun sa kausap niya sa linya.
"Andito pa kami sa Batanggas. Why?....No,no. Babalik narin kami dyan later. Okay, I get it. I'll text you when we get back. Bye." Tapos linagay na niya yung phone sa bulsa niya.
Humarap na siya ulit sakin at mukhang worried siya kaya hinawakan ko yung mukha niya.
"Anong sabi ng papa mo?" tanong ko.
"Tinanong lang naman niya kung nasaan tayo kase wala daw tao nung bumisita siya dun. Tapos pinapaready narin ako para sa anniversary party nina tito Erick." Paliwanag niya. Tumango-tango lang ako.
"Dee, sasama ka ba o hindi? Eh kase...Ayokong masaktan ka kapag nakita mong nagpapanggap ako sa maraming tao na mahal ko yung babaeng yun eh ikaw naman talaga ang mahal ko." Sabi pa niya at hinalikan ang kamay kong nasa mukha niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pero may halong lungkot din. Hindi ko talaga maiiwasang hindi mag-isip ng mga negative. Pero pinasok ko tong gulong to. Nahulog ako sa kanya at wala akong pinagsisisihan.
"Sasama ako no! Baka mambabae ka pa dun sa party!!" napatawa naman siya.
"Paano mo naman nalaman?"
"GREGORYYYY!!!!" Tapos tumawa na naman ng malakas.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...