CHAPTER THIRTY-TWO

4.9K 104 7
                                    

Dray's POV

Tang*na! Ano bang ginagawa niya? Sinaktan ko lang siya, sumasama na siya sa Enzo na yun! Ang bilis makamove-on! Habang ako dito eh naghihirap! Sleepless nights ang binibigay niya sakin tapos bbuwisitin pa niya ako. Fck! Hindi naman talaga siya sigurado sa nararamdaman niya sakin, no? Eh kung makangiti sa harap ko eh parang walang nangyari! Ganon na ba talaga ako kabilis kalimutan?

Sa bagay, kasalanan ko rin naman to. Pinakawalan ko na siya. And here comes Enzo. Ang magaling kong kaibigan. Ayoko naman siya maging cause ng pagkasira ng pagkakaibigan namin but I just can't help but feel envy. Napapangiti niya si Dee habang pinapaiyak ko naman siya. I really hate myself for making her cry kahit wala naman talaga siyang kasalanan. Siguro tama din sakin to. Maybe she's learning to move-on.

AH, DAMN! Just thinking of it makes me wanna hurl! Ayoko siyang magmove-on dahil kung magmmove-on siya, it means kakalimutan na niya ako. Hindi ko matatanggap yun. Ayokong kalimutan niya ako. Pero hindi ko rin siya masisisi kung kakalimutan niya ako. Nasaktan ko siya. Kaya dapat lang na kalimutan niya ako pero....UGH! Mababaliw na ako kakaisip!!

Makapagcutting na nga! Tinawagan ko silang apat. Yes, pinasama ko si Enzo. Magrreason-out lang ako para maintindihan nila kung bakit ko ginawa yun. Baka sakaling matulongan nila ako para mawin back si Dee.

Yes, I want her back. I really want her back. Now that I realize na hindi ko pala kakayanin kapag nawala siya sa buhay ko.

Didi's POV

Maaga akong umuwi ng bahay dahil maraming pinapagawa yung prof naming may menopause. Kainis. Wala pa naman ako sa mood. Pinapa-paint kase kami ng limang artworks in just one night! Imagine-in niyo yun? Limang painting sa isang gabi? I mean, hindi naman sa mahirap magpaint. Easy na easy lang yun sakin pero kelangan daw may unique na meaning.

Hay. Buhay estudyante nga naman. Mabuti narin siguro to para maalis muna siya sa isip ko. Inilabas ko na yung mga canvas galing sa stock room pati yung mga paint at paint brush. Kaya ko 'to. Mag-isip lang ako ng kung anong nasa puso at isip ko.

Anong nasa puso at isip ko? Baka mukha pa ni Dray ang mapaint ko. Napapatingin naman ako sa sketch pad sa table ko. Binuksan ko yun at walang ibang laman kundi yung drawing ng mukha ni Dray na natutulog.

Grabe, parang kelan lang nung hindi pa kami masyadong nagkakasundo. Ni hindi ko nga siya kilala eh kahit siya ang anak ng may-ari ng school. I didn't find him attractive at first pero habang tumatagal, nakikita ko yung totoong siya. Lahat ng imperfections niya, yung paano niya napapabilis ang tibok ng puso ko, which is expert siya dun, at kung paano niya napapasaya ang araw ko kahit binibuwisit niya ako minsan sa mga biro niya. How I miss that. Pero wala na. Pinakawalan niya na ako. Siguro time narin para pakawalan ko siya and start welcoming others to enter my heart. Ang korni ko na, hala.

"Baby i love you ireoke malhajiman

Nae maeumeun waenji hanado jochi anha."

Napalingon sa narinig ko. Sino ba yung kumakanta? Bakit hindi ko maintindihan? Pero alam kong si Gdragon yung nagcompose ng song na yan. Pero, sino nga ba yung kumakanta? Imposible namang si papa kase hindi siya fan ng kpop. Lalo naman imposibleng si mama kase boses lalaki naman yung kumakanta.

Kumakanta parin yung lalake habang pinapakinggan ko lang siya. Familiar nga yung boses niya tapos ang sexy pakinggan.

Bigla naman siyang nagrap at aaminin ko, ang galing niyang magrap ha? Di kaya si Enzo tong kumakanta? Pero malalim naman ang boses ni Enzo tapos itong kumakanta ngayon parang may pagkamataas. Parang babae.

"Baby i just want you back i want you back i want you back

Baby i know it's too late it just too late it just too late."

Dun na ako kinabahan. Parang may meaning at laman yung mga katagang yun. Nagrap na naman siya at hindi ko maintindihan yung mga sinasabi niya. Yung naiintindihan ko lang ay yung part na english na parang para sakin talaga yun.

Sa wakas natapos narin siyang kumanta. Hindi ko nalang pinansin. Baka isang banda lang yun at nagpapasikat.

"Dee! Lumabas ka naman oh! Nag-effort pa akong i-memorize yung kantang yun! Pucha!"

Nabitawan ko yung hawak kong brush. S-Si Dray ba yun? So siya pala yung kumanta? All this time para sakin pala yung kinanta niya ni isang word wala akong maintindihan. Yung english part nga lang.

Agad akong sumilip sa window ko at andun silang lima. May hawak silang instruments at si Dray naman ay may hawak na mic. Nakatingin lang siya sakin. Na parang kinakausap niya ako sa mga tingin niya.

"Dee...Pinagsisihan ko na lahat. I realized hindi ko pala kayang mawala ka sa buhay ko. Please, forgive me. I want you back, baby. And fcking serious kaya bumaba ka na dyan at wag ka ng pachix dyan!"

Ewan ko lang pero napangiti ako ng malapad. Sweet nga pero may pagsusungit naman. Bahala na. I didn't know what came in to me pero bumaba ako at agad ko siyang yinakap ng makalabas ako ng bahay.

"Am I too late, baby?" sabi niya. Wait, baby?

"Baby? Anong trip mo?"

"I'll call you baby."

"Oh, so kumikpop ka na ngayon ah? Okay then. Call me baby~ Rawr." Pinisil naman niya yung pisngi ko. Pansin ko lang, ang laki ng eyebags niya. Pwede na ngang ipatimbang eh baka magkapera pa siya. Pero ang sweet. Hindi ko ineexpect to. Akala ko pakakawalan na niya talaga ako. Worthit naman pala yung pag-iyak ko ng ilang araw.

"Don't you even dare to let me go again." And then we kissed. Parang ilang taon kong hindi natikman tong labi niya. Huwag muna akong mag-isip. I need to savor every second with him. Dahil sa nangyari, mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. It's like I'm under his spell.

"I promise baby."

Enzo's POV

Grabe, kung hindi ko lang kaibigan tong si Dray, hindi na ko pumayag. Aba, pinagcutting kami tapos nagyayang magbar. Nagbagong buhay na nga kami matagal na tapos ayan na naman siya sa cutting-cutting na yan.

Akala naman maglalasing na naman siya dahil sa ginawa niyang kagaguhan at katangahan pero hindi. Sinabi niya lahat. Lahat ng pagbabantang ginawa ng mama ni Andy. Hindi pala biro ang demonyong yun. Halata naman sa mukha niya eh. Namana pa nga ng anak niya.

Kaya naiintindihan naman namin siya. Ginawa lang niya yun para sa safety ni Didi at ng family niya. Kung ako siguro sa posisyon niya ngayon, hindi ko rin pababayaang masaktan si Didi at ang pamilya niya. Mas mabuti pang maglet go kesa makitang nasasaktan physically ang babaeng mahal mo.

Okay, ang drama ko na. Takte! Nahawa yata ako kay Dray. And now they're back together. I thought it was my chance to prove to her na seryoso talaga ako sa kanya pero I guess I need to wait longer.

"Dray, paano na yung mama ni Andy? At si...Andy? Diba balik na lahat sa dati?" tanong ko sa kanya habang nilalagay namin sa malaking van yung mga instruments. Pagkatapos kase nilang mahalikan sa harapan ko, sa harapan namin, nagpaalam si Didi kase may gagawin pa daw siya at deadline bukas.

"We can date without letting them know." Seryosong sabi niya at inilagay na yung huling instrumento sa van.

"So parang other woman ang peg ni cupcake ngayon? Hahaha!"

"Gago ka Brylle! Hinding-hindi siya magiging other woman ko kase siya lang ang babae sa buhay ko! Tsaka kapag hindi mo titigilan yang pagtawag mo sa kanya ng cupcake, binabalaan na kita."

"Hahahaha ang korni mo na ngayon dude. Osige na nga! Titigilan na. Masyadong seloso eh. Kasalanan ko bang nagustuhan niya yung cupcakes ko?"

"Uy, uy! Nagustuhan din kaya niya yung binake kong cupcakes noon!" sabat ko. Yung dalawa naman ay pumasok na sa loob kaya pumasok narin kami pero hindi parin tumitigil sa pagdedebate. Masaya naman ako kahit papano. Dahil masaya na ngayon ang babaeng nagpapasaya sakin. Masaya na siya sa ibang lalake. Hay buhay nga naman.



****

SHORT UPDATE! ^^V Keep voting and sharing this to your friends. Loveyouall!!!

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon