Keep voting and sharing this to your friends readers ^^
—
Mabilis lumipas ang araw at final sem na. Hindi rin natuloy yung date namin ni Dray sana. Kase nabusy siya sa kompanya nila. Tinitrain na daw kase siya kahit 2nd year palang siya. Medyo hindi narin kami nagkakasama at madalang nalang niya akong masusundo sa bahay.
Simula nong tawag galing sa anon person ay hindi na kase ako masyadong nagpaparamdam. Nakaramdam ako ng takot na baka totoohanin niya yung sinabi niya. Kung sinuman yun.
At ngayong sem yung exhibit namin sa Baguio. Syempre, excited. Busy narin kase final sem na at malapit na kaming mag 3rd year. Sana maging succesful naman yung pagpunta naming Baguio ni Jeff. 3 days daw kase kami dun.
"Bebs!!!! Bebs!!!!" napatunghay ako sa lakas ng sigaw ni Beverly. Ang dami ko kasing kinukwento sa inyo kaya nakalimutang kong isabi kung nasaan kami ngayon. Nasa mall nagpapalamig. Ang init kaya sa labas. Tutal vacant naman naming dalawa.
"Hoy mahiya ka naman. Ang daming tao sumisigaw ka dyan." Sabi ko habang napapailing. Umalis kase siya saglit kase may tumawag. Ayaw niyang malaman kung sinog tumawag. Tss.
"Hindi ko napigilan eh. Hehe. Pero bebs! Dapat umalis na tayo! Si Dray!! Pupuntang Singapore!!"
Muntik kong maibuga ang iniinom kong shake. Ano? Si Dray aalis? Bakit hindi niya sinabi?? Anong gagawin niya dun? Hanggang kelan siya dun??
"Hoy! Ano pang tinutunganga mo dyan?! Bilisan mo baka hindi mo na siya maabutan!" I snapped back at agad naman kaming lumabas ng mall at pumara kaming taxi papuntang airport. Nakakainis. Bakit hindi man lang niya ako sinabihan para sana prepared ako kahit konti.
Paano kung forever na siya dun? Okay, masyadong OA naman yung forever. Wala ngang forever diba? Pero may forever samin ni Dray kaya dapat bilisan nitong lolong driver ang pagdrive! Kainis! Baka patulan ko patong si lolo ang bagal magpatakbo! May prosisyon ba??
"Ah, lolo pakibilisan po. May hinahabol kase kaming baliw. Dodoblehin ko po yung pamasahe." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya at nagpabilis nga ng takbo. Kaya naman pala niya eh. Binabagal pa niya para lumaki yung babayaran namin. Tss.
Mabilis kaming nakarating ng airport at tinawagan naman ni bebs si Luke yata. Tapos hinila na niya ako sa kung saan hanggang sa may natanaw akong limang lalakeng nakatayo sa hindi kalayuan kaya sumugod na ako.
"Didi!" masiglang sigaw ni Enzo pero hindi ko siya pinansin. Sorry Enzo wrong timing ka kase. Dapat mamaya ka na sumaya dyan. May aalis tapos ang lapad parin ng ngiti.
"Dee...Why are you here?"
"Bakit hindi mo sinabi sakin?! Bakit? Bakit?" pinaghahampas ko siya sa braso pero nahawakan naman niya yung dalawa kong kamay.
"Wag ka ngang ano dyan. Ilang araw lang naman ako mawawala. May aasikasuhin lang ako sa SG kase may branch din ang kompanya namin dun. Don't worry. I'll be back at magddate na talaga tayo, okay?" he held my hands at hinalikan sa ulo. Lang. Sana sa lips man lang kase aalis siya. Ay hihi.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...