Brylle's POV
Isinakay ko na si Didi sa front seat. Kung ano-ano na ang sinasabi. Baka sumuka pa to sa kotse ko. Bagong bili pa to."Didi? Nahihilo ka ba or something?" tanong ko sa kanya bago ko pinaandar ang kotse.
"Lasing nga akow diba? What do you ekshpek?" waaaa! Sana wag namang sumuka si cupcake. Huhu cleanfreak pa naman ako.
"Ahh, matulog ka na dyan. Hehe." Ang hirap sungitan tong si Didi. Ex crush ko to eh. Tas ang inosente pa ng mukha kaya di ko nalang siya susungitan.
"Baket?! Takot ka bang shumuka akow dito sa spaceship mo huh?!"
"Didi, ahm, medyo. Bago lang tong spaceship ko eh kaya ano... Wag kang sumuka please." Idinikit ko ang palad ko. Lumapit naman siya sakin. Pucha, inaakit ba ako nito? Ang hayop tumingin! Waaaa tukso!
"Brwaugh--" Naku! Ayan na susuka na siya! At sa harap ko pa!
"Waaaaa Didi lumayo kaaaa!"
"HAHAHA takot siya sa suka. Bakla ka fala ehhh." ang lakas ng boses niya. Tinawag pa akong bakla. Nagulat nalang ako nang bigla siyang sumandal sakin. Nakatulog na pala.
Dahan-dahan ko siyang ibinalik sa upuan niya at pinatakbo ko na yung kotse.
--"Bakit ba siya naglasing?! Bakit di mo pinigilan?!" galit na galit ngayon ang fiancee niya. Di parin ako makapaniwalang engaged na sila. Ang lupet ng love life ni Didi no? Nung una, naging Mrs. Kwon in papers, tapos ngayon engaged kay Enzo.
"Eh, lasing na siya nang naabutan ko siya sa bar. Malungkot daw siya dahil n-nawala alaala niya." pagsisinungaling ko.
"Aish. Babaeng to talaga. Sige Bry, salamat." tinakip niya ako sa balikat. Nagpaalam na ako sa mama at papa ni Didi.
"Ge, uwi na ako."
Chineck ko muna yung oras bago lumabas. 9:30 palang. Magbbar na nga lang din ako. Maghahanap ng love life.
Lumabas na ko ng bahay nila. May nakasalubong naman akong amercana. Ay, mali. Koreanang amercana?
"Brylle?" hala, kilala niya ako? baka naging chix ko to noon, di ko lang maalala.
"Ah, haha hi." sabi ko nalang.Namumukhaan ko naman talaga siya. But Im uncertain.
"Don't you recognize me?" Maarte niyang sabi. Pareho sila nung cousin ni Didi. Kasing arte niya..
Teka-
"Are you...perhaps...Didi's cousin?" tanong ko sakanya. Tumawa naman siya nang mahina.
"And my name is?"
Ano nga ulit pangalan niya? Eileen? Aileen?
I scratch my head. Ang sama ko, bakit ko nakalimutan pangalan niya? Nagkaamnesia rin kaya ako? ._.
"Fine. I guess nakalimutan mo nga pangalan ko. I'm Aleina." Inilahad niya ang kamay niya saken. Ayun, Aleina pala. Naalala ko na. Tss.
"Hehe sorry nakalimutan ko pangalan mo. It's been what...two years?" pag-iiba ko ng topic.
"Yeah. And you're still the same Brylle I know." She flashed an innocent smile that made me skip a beat. Takte! Bat ako nagkakaganito? Hindi ko naman siya gusto ah! Dati pa!
"Eh ikaw nga ang laki ng pinagbago mo." Hindi ko alam kung ano sumapi sakin at napatingin ako sa ano niya. Sa malalaki niyang b--bs. Lumaki eh. Waaaa, ang manyak ko fuq!
"Gaya ng ano ko?" tinuro niya bigla yung ano niya. Napalunok ako.
"H-Ha? Hindi ah!" lumapit siya ng ilang hakbang eh ako naman napapaatras.
"Wanna feel it? Wanna touch it?"
(/0\)
Anong ginagawa ng babaeng to?! Oo! Gustong-gusto kong hawakan este ilayo yang susu niya!
"Stop it, Aleina."
"Naaa, I wont. Eh kanina nga kung makatingin ka, parang inaano mo na to sa isip mo eh. So now I'm giving you the chance." naglipbite pa! watdahel! How can she be so sexy?!
"Aleina, mali ka ng iniisip. Wag ka ngang assuming dyan. Porket tiningnan ko yang ano mo, gusto ko nang hawakan? Btch please. So if you would excuse me, may pupuntahan pa ako." aalis na sana ako nang hawakan niya yung braso ko.
"What?!" kunwari naiinis ako.
"I'm sorry. Ikaw pa pinagtrippan ko. Hehe."
"Ewan sayo." napapailing nalang ako. Binitawan na niya ako. Tuloyan na akong naglakad palayo.
"Bye, Brylle! Hope to see you again!" She joyfully bid goodbye. Ewan ko lang pero napapangiti rin ako.
Aleina's POV
Hindi ko talaga ineexpect na makikita ko ulit siya. After two years, nakita ko muli ang gwapo niyang mukha.Yun nga lang hindi niya naalala pangalan ko. Bahala na nga. Atleast, namukhaan niya parin ako. Pinaghandaan ko kase talaga tong pag-uwi ko para sa kanya. Para kay Brylle.
To be honest, gusto ko siya. The time I left Philippines, may nangyari samin. Well, we were drunk that time at mukhang hindi naman niya maalala yung nangyari. Akala ko nga lulubayan na niya ako pagkatapos nun.
Pero never akong nagsisi sa nangyari. I never thought na magkakagusto ako sa kanya. Eh noon kase, crush na crush ko si Dray eh.
Speaking of Dray, nagkita na kaya sila ni Andy? Omg. Magandang eksena to. Baka magkakaroon ng rekindling lost memories and love. Hihi.
Dahan-dahan akonh pumasok ng bahay at naabutan ko sina tita at tito na nagkakape.
"Aleina?!" sabay pa sila. Ngumiti lang si Enzo sakin. Nagbago na rin tong si Enzo. Naging matured na. Nginitian ko rin siya.
"Missed me?" I ran towards them at niyakap sila pareho.
"Oo naman. Napaaga yata pag-uwi mo?" sabi ni tita.
"Eh kase bored na bored na ako dun sa condo ko. Ah, si Andy po nasaan?" masigla kong tanong.
"Ayun. Tulog. Naglasing eh." napapailing pa si tita. Bakit naman kaya naglasing yun?
"Sige. I'll check on her nalang." agad akong tumakbo patungong room niya. Iniwan ko muna mga bagahe ko sa ibaba. Hindi naman tatakbo yun.
*knock,knock*
"Papasok ako ah?" sabi ko. Malay mo hindi na siya tulog. Mapagkamalan pa akong magnanakaw.
Pumasok na ako. Ang dilim naman. Di ba uso ilaw sa kwarto niya?
I turned on the lights first at nilapitan siya.
Pinagmasdan ko nalang yung pagtulog niya. Grabe ang pinagdaanan ng babaeng to. Akala ko nga hindi siya makakaligtas sa aksidenteng yun."Dray..." nabigla ako sa sinabi niya. Nananaginip ba siya? Bakit niya binanggit si Dray? Bumalik na ba alaala niya?
"Aleina."
"Juskolord!" damn you, Enzo. Nagulat talaga ako dun."Hoy ang OA mo. Gulat na gulat ka ano?"
"I'm not OA!"
"Shh tumahimik ka nga. Baka magising si Didi." sinamaan ko siya nang tingin. Ang OA din niya pagdating kay Andy.
"We're engaged." biglang sabi niya.
"Huh? Nino?" tanong ko naman. Wala naman siyamg ibang babaeng gusto. Si Andy lang. Don't tell me...
"Omg, really?!" tinakpan niya agad bibig ko. Waaa! Ang laki ng kamay niya huhu.
"Pakihinaan ng boses, please? And yes, kay Didi nga. Actually, parents namin nagplano nito. Ang saya no?" tinaas-baba pa niya yung kilay niya.
"Anong masaya?! Paano kung bumalik alaala niya at maalala niya si Dray? Ikaw na naman ang kawawa!"
"Shh, hinaan mo nga boses mo! Nakakaano ka na ha!" pasigaw na pabulong niyang sabi.
"Tsk. Basta for me, it's a bad bad bad idea."
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...