Didi's POV
Hi! Andy Torres nga pala. Sabi ni Enzo 21 years ld na daw ako pero akala ko 17 years old ako. Nagkaamnesia daw ako at wala nga akong maalalang kahit ano sa college life ko. Kung anong nangyari sakin after kong gumraduate ng highschool, kung sino ang naging mga kaibigan ko, at kung sino yung special someone ko.
"Didi ko, gising na. We're here." Sabi ni Enzo habang inaalog ako. Ewan ko ba kung bakit 'Didi ko' ang tawag niya sakin. Hindi ko naman siya pinapagalitan. Boyfriend ko ba siya? Pero ang alam ko, magmmadre pa ako at sinabi ko sa sarili ko na magiging NBSB ako.
"Kanina pa ako gising. Hehe." Sabi ko at nagpeace sign. Kinurot naman niya yung ilong ko.
"Tumayo ka na nga dyan. Baka gusto mong magpaiwan dito?" tumayo naman ako agad gaya ng ibang mga pasahero. Kinuha ko yung bag sa itaas at sinuot yun. Nang medyo maluwag-luwag na yung hallway, lumabas na kami ni Enzo.
Si cousin Aleina nagpaiwan dun sa States. Hindi niya kase maiiwan yung trabaho niya dun pero nagpromise siya na susunod naman siya. Hindi ako makapaniwalang ayos na kami. Palagi kase kaming nag-aaway niyan. Ang inggitera tapos ang sumbongera.
Pero ngayon ang laki ng pinagbago niya. Ang bait niya na sakin at hindi na niya ako tinatarayan gaya nong mga bata pa kami.
"Enzo?" tawag ko sa kanya ng makalabas kami ng eroplano. Grabe, jetlag yata ako. Gusto ko ng humiga sa kama. Huhuhu. Sakit kaya sa puwet kapag nakaupo kalang ng 123456789 hours.
"Yes Didi ko?"sagot niya naman habang nakangiti. Packing tape. Ang gwapo ng kapreng to. Ang ganda pa ng ngiti. Hindi ko maiwasang pamulahan.
"Naging boyfriend ba kita?" derecho kong tanong. Mukhang nagulat naman siya. "A-Ah kase Didi ko ang tawag mo sakin tapos parang endearment yun diba?"
Napatawa siya bigla at inakbayan ako.
"Alam mo, gugustuhin ko mang maging boyfriend mo ako pero nung nalaman mong may gusto ako sa'yo, basted agad." Natatawa niyang sabi.
"Talaga? Bakit naman kita binasted noon? Gwapo ka naman. Matangkad. Cute. Maputi. Mabait pa. Type nga kita eh." Napansin kong nahiya siya sa pacomplement ko sa kanya at namula. Omg, ang kyuuuut.
"A-Ahahaha. Wag ka nga Didi ko? Nakakaflat naman yung sinabi mo."
"Hahaha pero seryoso! Type kita pero bakit nga ba binasted kita noon?" Hindi talaga ako titigil sa kakatanong dahil gusto kong malaman ang mga nangyari sakin noon.
"K-Kase sabi mo hindi ka pa handa."
"Ows."
"Talaga. Hindi ka naniniwala?"
"Wala akong sinabing hindi ako naniniwala. Sinabi ko lang ows. HAHAHA!" hindi na siya ulit nagsalita at nakalabas na kami ng airport. Grabe, namiss ko tong lugar na'to kahit parang feeling ko bumakasyon lang ako ng ilang oras. Three years din daw ako tumira dun sa States eh.
"Waaaaah! Bakit kulay yellow na yung taxi?!" napapatalon ako sa tuwa. Ngayon lang kase ako nakakita ng dilaw na taxi eh. Hihi. I mean, baka nakakita na ako ng ganon noon pero nakalimutan ko.
"Hahaha. Ang kyut mo. Pumasok ka na nga." Pumasok na ako dun sa loob at inilagay niya muna yung mga bagahe sa compartment tapos sumakay narin siya.
Napapatingin ako sa paligid habang tumatakbo yung taxi. Wow, maraming nagbago sa paningin ko! Ang tataas ng mga building at parang nanliliit ako sa taas nito. Deym.
"Malayo pa ba tayo?" atat kong tanong. Eh kase gusto ko ng makita ulit yung bahay namin. Miss na miss ko na kaya yun. May nagbago narin sa mga daan pero konti lang naman. Natatandaan ko pa yung way papunta sa bahay namin pero parang ibang direksyon yata ang tinatahak namin.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...