Didi's POV
Naiinis ako! Wala ba talaga siyang balak umuwi dito sa mansyon?! Bakit bigla siyang nagalit nung sumama ako kay Enzo?? Eh may usapan kaming tatlo ni Beverly na lalabas kami kase manglilibre daw si Enzo. Tapos magagalit siya? Sineryoso pala niya ang sinabi niya saken? Na bawal akong lumapit kay Enzo
Alam kong pinagbawalan niya akong lumapit kay Enzo pero hindi niya kontrolado ang buhay ko at kung sino ang gusto kong makasama! Grabe, parang mauubos na tong buhok ko kakasabunot.
Tapos ngayon, hindi siya uuwi? Ano, gantihan lang? Ganon? Kase hindi ako umuwi nung isang gabi tapos gaganti siya? -_- Ang sakit na ng ulo ko. Wag ko na nga lang yun isipin! Masisira lang ang araw ko.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nagulat naman ako sa nakita ko. Look who's here. Tsk!
"Dee..." tawag niya saken pero inirapan ko lang siya at pumunta sa loob ng kitchen. Hinarangan niya ako pero hindi ako nagpapigil at tinulak ko pa siya. Amoy alak pa nga tapos ang gulo ng suot at ng buhok niya.
"Kausapin mo nga ako!" inis niya sabi pero hindi ko parin siya pinapansin. Nang makakuha na ako ng cupcake na binili ko kahapon dun sa isang pastry shop, umalis na ako ng kitchen at sinundan naman niya ako.
Umupo ako dun sa couch at nakatayo lang siya sa harap ko. Hindi ko parin siya pinapansin kahit natatawa na talaga ako sa itsura niya. Alam niyo yung parang aso na sunod ng sunod pero hindi pinapansin ng amo niya? Pfft-
"Hindi ka ba talaga magsasalita?! Ikaw pa ang may ganang magalit eh ikaw tong ma-" I cut him off. "Umupo ka na nga lang imbes magdaldal ka na naman dyan ng kung anu-ano!"
Umupo naman siya. Sa sobrang lapit namin, naamoy ko na yung alak sa hininga niya. Omg, I really hate the smell of alcohols. Nakakasuka kaya yun! Kaya umusog ako ng konti para di na ako masuka.
"Bakit ka ba umuusog?!"
"Ang baho ng hininga mo! Mahiya ka naman!" natatawa kong sabi at kumain ng cupcake. Mukhang nahiya naman siya sa sinabi ko at umalis. Oh, saan naman siya pupunta? Di bale na nga, ipinatong ko na yung legs ko sa couch at kinain na yung cupcake ng dahan-dahan.
Ganito talaga ako kumain. Ayokong maubos agad yung kinakain ko kaya dinahan-dahan ko. Ilang minuto ay bumalik na si Dray at tumabi na naman saken. Anong problema nito? Tipsy ba to?
"Oh, nagtooth-brush na ako! Ang arte mo!"
Bigla naman akong napatawa sa isip ko. Yun lang pala ang dahilan ng pag walk-out niya? Para magtoothbrush. Haha! Grabe, nakakatawa siya. Inisin ko kaya to.
"Paamoy nga!"
"Ayoko nga!"
"Edi mabaho parin yan! Ayaw mong ipaamoy eh! Ewwww. Kadiri ka!"
"What the fck, Dee?! Hindi mo ba alam na kahapon pa ako nababadtrip sa'yo tapos ngayon na naman?!"
"Oh, chill ka la-" and our lips met. I can smell his breath at mabango na to ngayon. Inaasar ko lang naman siya. Hindi ko alam na manghahalik siya bigla. Tinulak ko siya kaya napatigil sa paghalik sakin.
"Oo na, oo na! Mabango nga! Psh." Naiinis kong sabi at nakita ko naman siyang ngumiti ng nakakaloko. Omg, kinakabahan na naman ako. Bakit ang lapit namin? Waaaa! Ang awkward pa ng posisyon namin.
Naisipan kong kumuha ng konting icing sa cupcake tapos pinahid ko sa ilong niya. Nagulat naman siya dun at sinamaan ako ng tingin. I stuck my tongue out like a kid at inulit yung ginawa ko sa kanya. Sa pisngi ko na naman ipinahid this time.
"Ah, ganon pala ha?!" sigaw niya at ngumiti. Omg, mukhang hindi maganda ang mangyayari. Feeling ko manglalagkit kami nito! Manglalagkit dahil sa icing! At heto na nga siya, pinapahiran narin ako ng icing sa mukha. Syempre, hindi ako nagpatalo.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...