CHAPTER 41

4.4K 116 6
                                    

Enzo's POV

Umaga palang tinawagan ko na silang lahat para pumunta dito sa condo ko. Maliban kay Dray. Gago yun. This time, hindi ko na siya bibigyan ng chance para makuha ulit si Didi. Minsan na niyang iniwan at sinaktan si Didi pero pinalagpas ko yun dahil alam kong nahihirapan siya. Pero ngayon? Hindi na.

Pagsisisihan niya ang lahat. Nasa huli ang pagsisisi diba? Tch.

May nagbuzzer naman bigla at malamang sina Brylle na yun. Binuksan ko yung pinto at sila nga. Pumasok sila agad at feel at home lang. Hindi man lang binati yung may-ari ng unit na'to.

"Pre, hindi ka ba marunong maglinis? Ang kalat naman dito." Maarteng sabi ni Brylle. Binatuhan ko siya ng unan pero nasalo naman niya.

"Wag kang ano dyan. Umayos nga kayo. May pag-uusapan pa tayong lahat." Seryoso kong sabi. So not me. Minsan lang ako magseryoso kaya sulitin na ninyo. Hehe.

Umayos na nga silang lahat at umupo kami dito sa may carpet.

"Alam niyo naman sigurong hindi magagawa ni Didi yun kay Dray,no?" panimula ko. Tumango-tango yung iba pero hindi nagsasalita.

"Oo nga naman. Iba si Andy sa mga nakilala ko." Pag-sang ayon ni Jeff.

"Hindi ako naniniwala sa simpleng picture lang. Malay mo, baka sinet-up lang siya." Sabi naman ni Brylle.

"Boom tumpak! Yun din ang naisip ko. Nakita ko kaseng nag-uusap yung dalawang Andy kahapon dun sa Caste Verde ng Hudson Blue. Naisipan kong pagmasdan sila kase kaduda-duda yung mga pinaggagawa ni Andy."

"Oh, tapos?" atat na sabi ni Brylle.

"Yun nga, kumain sila at bigla nalang nawalan ng malay si Didi. May dumating na foreigner tapos binuhat niya si Didi at lumabas dun sa kabilang pinto kaya di ko na silang nakita." Pagpapatuloy ko.

"Foreigner? Diba foreigner din ang katabi ni Andy dun sa picture?" ani Jeff.

"Ah, oo nga pala. Kinuhanan ko rin sila ng picture para ipakita sa gago nating kaibigan." Inilabas ko yung phone ko at nagbrowse ng photos. Ipinakita ko sa kanila yung pic na nag-uusap silang dalawa.

"Wow, ang ganda ng quality ng cam mo, pre." Binatukan ko naman si Brylle. Seryoso na nga ang lahat, nagloloko pa.

"Kasing ganda mo. Magseryoso ka na nga. Tss."

"Hoy, gwapo ako oy!"

"Whatever. Oh, eto pa. Yung binuhat siya ng foreigner." Pinakita ko naman yung isa pang pic. Hinablot naman bigla ni Luke yung phone ko tsaka niya kinuha yung phone niya. Parang may pinagkokompara siya.

"They're the same person. So it means, set-up ang lahat. Walang kasalanan si Didi at pakana lahat ng to ng Andy na yun. Tch, desperate btch." Pagcconclude niya. Ibinalik niya yung phone ka at hindi na ulit nagsalita.

"Huh?! Paano na yan?! Akala ni Dray may nangyari talaga sa kanilang dalawa!" nagpapanic na sabi ni Brylle.

"It's his fault. Naniwala siya agad." Sabi ko at bigla namang nagring yung phone ko. Tumatawag si Didi ko!

"Si Didi!" sigaw ko at tumayo saka ko sinagot yung tawag niya. Nakatutok lang silang lahat sakin habang iniintay yung sasabihin ko.

"Didi ko! Kamusta?! Kumain ka na ba?! Wag na wag kang magpapagutom ha?! Baka mabaliw ka pa. Mahirap na!" bungad ko agad sa kanya. I heard her sigh sa kabilang linya. Dun na ako kinabahan ulit.

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon