CHAPTER THIRTY-FOUR

6.2K 105 4
                                    

thank you po sa pagsubaybay ^^ love you all. At sa wait lang po, magkakaroon din ng moment ang mga iba pang characters. Patience po hihihi.~


New character yay! Si Taeyeon ang portrayer niya. :)) Didi's hilaw cousin.


Didi's POV

Sakit ng ulo ko. Minulat ko yung mata ko at nasa kwarto na pala ako. Ang naalala ko lang ay nagselos ako at nagselos at nagselos tapos nainis ng husto at tsaka ako nakaramdam ng matindig pagkahilo at nahimatay ako. So, paano ako nakarating dito sa kwarto ko? Nag-teleport?


"Baby." Napalingon naman ako sa nagsalita.


"D-Dray? Ikaw nagdala sakin dito?" kunot-noo kong tanong kase medyo kumikirot pa yung ulo ko.


"Oo kaya ako muna ang boss mo ngayon! Ikaw kase eh! Nagddiet ka pa para bumalik ako sa'yo kahit ang payat mo na! Ayan tuloy konsensya ko pa kung bakit ka nagkakaganyan." Sabi pa niya. Tumayo siya at may kinuhang tray dun sa table at inilapag niya ito sa harap ko. Breakfast in bed? Haha. Teka, anong oras na? Feeling ko ilang taon akong tulog tapos hinalikan ako ni dray kaya ako nagising. Hihi.


"Ang sama mo talaga kahit kelan. Kasalanan mo rin no kase may pa stay away stay away ka pang nalalaman eh hindi mo rin pala ako matitiis. Kaasar ka." Reklamo ko at napatawa naman siya.


"Pinagsisihan ko na lahat, okay? HInding-hindi na ulit kita papakawalan. Natakot lang ako na baka..." napatingin naman ako sa kanya dahil hindi niya tinapos ang sasabihin niya.


"Na baka? Hoy share naman dali."


"Basta. Sakin nalang yun. Ayokong mag-alala ka at ang pamilya mo." Seryoso niyang sabi tapos hinalo-halo niya yung porridge na nasa tray.


"Bakit, Dray? Okay lang naman na sabihin mo eh. Wag mong isarili ang problema."


"I'll tell you soon pero wag muna ngayon..."


Ano kaya yun? Nakakatampo lang kase hindi niya sinasabi kung ano yang problema niyang yan. Pero sasabihin din naman daw niya kaya maghintay nalang siguro ako.


"Palagi mo lang tatandaan, Dee. Ginawa ko lang ang lahat ng yun para sa kapakanan mo. That's how I love you. Love is sacrifice nga diba? Kaya ipangako mo sakin na aalagaan mo yang sarili mo. Wag na tatanga-tanga. Dahil kung may mangyayari na namang masama sa pamilya mo at pati sa'yo, baka hindi na talaga tayo pwede para sa isa't-isa. I can't stand seeing my love in pain."


What does he mean? Para siyang nagpapaalam o ano. Pero hindi naman siguro siya mawawala ulit no? We just got back together at iiwan na naman niya ako? Naku, puputolin ko yang saging niya.


"Hoy, kung makapagsalita ka dyan parang mamamatay ka na ah..." pinilit kong magbiro kahit worried na talaga ako sa kanya. Curious na curious na talaga ako sa kung anuman yung problema niya.


"I'm not joking around, Dee. Hindi magugustuhan ng mama ni Andy kapag nalaman niyang dinedate kita. I don't want you to get hurt again. Kaya kung maaari, let's date without letting them know."

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon