CHAPTER SEVEN

10.9K 199 4
                                    

CHAPTER SEVEN

"She's Andy. My wife."

O_____O

At anong pumasok sa isip nito? Sinapian na naman kaya? Napapadalas na ang pagsapi ng mga sira-ulo sa kanya. Kelangan na itong maagapan habang maaga pa. He needs medication. I mean, rehabilitation.

"Jinjja? Akala ko si—" [Really?]

"I'm not in the mood to do some Q & A, Seth. Bumalik ka na dun. Tch." Ang sungit talaga. Ang hilig niyang pumutol ng mga sasabihin ng ibang tao. Naku, nakakapikon pa naman 'pag ganon. Yung hindi ka patatapusin sa sasabihin mo.

"Hoy! Anong "my wife" ka dyan?!" singhal ko sa kanya nang wala na yung Seth.

"Tss. You're my wife, okay?!"

Blah blahh blahh blahhh blaahhh. Hindi naman siya ang maaapektuhan nito eh. Kundi ako! Kapag sinabi niyang wife niya ako, ano nalang sasabihin ng ibang tao? Ang buong akala kase nila, yung Andy Torres na sikat at maganda ang asawa niya. Aish. Buhay nga naman.

"Watch me play." Tapos umalis na siya sa harap ko.

Ilang beses ko na silang nakitang naglalaro. At magagaling talaga sila. Nakailang panalo narin sila sa iba't-ibang competitions sa larangan ng basketball.

Umupo ako dun sa may bleachers malapit sa tinatayuan ni Dray. Tiningnan ko siya and I caught him watching me. Or, nagmamalikmata lang ba ako? Psh. Umiwas ako ng tingin at naglaro nalang ng Clash of Clans sa phone ko. Naaadik ako dito sa larong to, amputek!

-

Nang magsawa ako sa kalalaro, pinanuod ko nalang silang magpractice. Isang oras narin ang lumipas at dumidilim narin. Kelangan ko pang umuwi dahil kukunin ko pa yung mga gamit ko sa bahay. Dun na DAW kase ako titira sa mansyon.

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako kay Dray the whole time. He's almost perfect. Ubod ng gwapo, matangkad, matangos ilong, at ang ganda pa ng ngipin. Mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti. Pero nakakatakot naman kapag nakasimangot. Mas bagay nga sa kanya ang palaging nakangiti eh. Hay, kung hindi nga lang ganyan ugali niyan, matagal ko na siyang nagustuhan.

Napailing ako at naisipang bilhan siya ng tubig. Pawis na pawis kaya ayun. Mukhang uhaw narin siya. Sasamahan ko nalang din ng snacks. Baka gutom nayun.

Pumunta ako ng 7eleven. (May 7eleven kasing nakatayo dito sa KA) Pero hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko. Hindi ko kase alam ang gusto niya! Kumuha ako ng mineral water sa ref. Kung tubig, wala namang lasa yun. At baka ayaw niya ng tubig lang. Ibinalik ko yun sa loob tsaka kinuha yung gatorade. Perfect! Pang sports ang inumin nato. Nakita ko din nung isang araw, may lamang gatorade yung ref niya sa mansyon. Pero hindi ko alam anong kulay gusto niya. Aish. Iba-ba kase yung kulay ng nasa ref niya eh!

Napakamot nalang ako ng ulo. Ah, bahala na! Kinuha ko na yung tubig tsaka yung red at blue na gatorade. Kumuha narin ako ng makakain niya. Pagkatapos kong bayaran yun, bumalik na ako ng gym.

Bumalik ako dun sa inuupuan ko kanina pero di ko na nakita yung mga nagppractice. Tapos na siguro. Psh, gumastos pa ako! Nakakainis talaga ang dragon nayun! Siya pa ang nagdala saken dito, siya pa ang may ganang mang-iwan! Purbido!

"Puputulan ko talaga ng dila yun. Aish!" napasabunot ako sa sarili at tumalikod na para umalis pero may nabunggo akong matigas na poste.

Teka, paano magkakaposte dito sa bleachers? Napaangat ang ulo ko at nakita ko si Dray. Psh. Siya lang pala. Mabuti't may konsensya pa siya.

"Wife, where have you been?! Tch."

O__O

Wife?! Pfft.

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon