CHAPTER 52

4.6K 93 13
                                    

Didi's POV
Ambuset naman ng mga taong nag-iingay ngayon. Tsh. Nagising tuloy ako. Ganda na sana ng panaginip ko. Kasama ko na naman si Dray sa dream ko pero blurry parin. Huhu.

"Anong masaya?! Paano kung bumalik alaala niya at maalala niya si Dray? Ikaw na naman ang kawawa!"

"Shh, hinaan mo nga boses mo! Nakakaano ka na ha!" pasigaw na pabulong niyang sabi.

"Tsk. Basta  for me, it's a bad bad bad idea."

"Oo na. Pero opinion mo lang yan at wala ka nang magagawa."

"I know you know how hard Andy has gone through, right? Paano kung bumalik ang alaala niya tapos ang akala niya mahal ka niya, eh masasaktan at malilito na naman siya."

Ano bang pinag-uusapan nila? Ano ba talaga si Dray sa buhay ko noon? Gusto ko na talaga malaman.

"You know what, matulog ka muna. Ang layo ng nilakbay mo." narinig ko yung pagsara ng pinto. So Im guessing, si Aleina nalang andito? Akala ko next month pa sha uuwi. After some seconds, narinig ko ulit ang pagsara ng pinto. Inimulat ko yung isa kong mata para masilip kung andyan pa siya.

"May tinatago yata sila sakin." sabi ko sa sarili ko. Bumangon ako at inayos ang buhok ko. Grabe, sakit parin ng ulo ko hanggang ngayon. Dapat di na ako uminom. Hehe gusto ko kaseng malaman kung anong feeling ng malasing. Nagsisisi na ako ngayon promise.

Lumabas ako ng kwarto ko kase hindi narin naman ulit ako makakatulog.

Dumerecho ako ng balcony. Ang payapa naman dito at ang sarap ng hangin. Ang ganda pa ng mga bituin.

Napatalon ako sa gulat nang may biglang yumakap sakin mula sa likod.

"I thought you're asleep." His husky voice tickled my ears. Pucha. Ba't uminit dito?

Humarap ako sa kanya pero magkadikit parin ang katawan namin. Ang tangkad pa naman niya at nagmumukha akong dwarf ni Snow White.

"Eh, nagising ako sa sakit ng ulo ko eh." pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, nalilito na talaga ako tungkol sa sarili ko. Sa nakaraan ko. Kung ano ba talaga ako noon. Nalilito ako kung sino ba ang dapat kong gustuhin. Feel ko kase, nagkakagusto na ako kay Enzo. Pero nung nakilala ko si Greg, iba eh. Parang komportable talaga ako sa kanya kahit saglit lang kami nagkasama.

Ayoko naman siyang saktan dahil lang sa isang lalaking nakilala ko sa park.

Well, I know him before pero nakalimutan ko nga lang. Kaya ang hirap.

Tumalikod ulit ako kase ang awkard masyado ng posisyon namin kanina.

"Enzo?"

"Mmm?"

"May nakilala ako kanina." sabi ko. Hindi naman siya agad nakasagot kaya nilingon siya.

"Sabi ko, may nakilala ako kanina." baka kase di niya narinig.

"Ahh. Sino naman Didi ko?"

"Actually, siya yung sumuntok sayo sa mall." biglang lumuwag ang yakap niya at mukhang gulat na gulat siya.

"Are you okay?" takang tanong ko. Eh nakakapagtataka kase yung kinikilos niya. Parang batang nakabasag ng vase tapos ayaw aminin.

"Y-Yeah I'm fine." niyakap niya ulit ako. "Anong sabi niya?"

"Hmm, wala naman. Nagkwentuhan lang kami. Nalaman ko nga na may mahal siyang babae pero ayaw niya sabihin. Tapos sumakay kami ng ferris wheel at biglang nagfireworks. Sobrang perfect talaga ng moment at--"

"And you really have the guts to tell me that infront of your fiancé?" bigla niya akong binitawan. Napasobra ba ang pagkkwento ko? May nasabi ba kong masama?

"E-Enzo, I didn't mean to--"

"Diba sabi ko sa'yo lumayo ka sa taong yun?!" He was getting scary. Napaatras ako nang konti dahil di ko inakalang sisigawan niya ako. Nakakabadtrip! Err!

Iniyukom ko ang kamao ko. "Bakit ba?! Why do you want me to stay away from him? Hindi ka ba masaya na bumubuo ulit ako ng mga alaala?! Alam kong sinabi mong layuan ko siya pero he's a nice guy! Why are you so against him when in fact you--"

"Dahil siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente! Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap mo! Siya ang lalaking minahal mo nang sobra pero sinaktan ka lang! Masaya ka na?!"

Nanigas ako. Ang tagal magsink-in sa utak ko ang sinasabi niya. Si Greg? Mahal ko siya? Eh sino ba yung Dray? Maaaring iisa lang ba sila?

"A-Ano?" wala na akong masabi. Parang naubos lahat ng salita ko.

"Ugh! I wasn't supposed to say this. F*ck!" He scratched his head in annoyance and walked out. Nanatili ako sa kinatatayuan ko.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko.

Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya. Dahil siya pala ang minahal ko noon. And I think I'm learning to love him again now.

--

Bitin? Bwahahahaha. May part 2 pa naman. Maghintay lang kayo at salamat talaga sa suporta. Malapit nang magtapos ang kwento ni Didi at Dray.

Book 2?

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon