Andy's POV
"Hey, gabi na. You better go home..." sabi ko sa kanya na may halong pagtataray. Gabi na kase and andito parin siya sa condo ko. Ewan ko lang kung anong sumapi sa kanya at pumunta pa siya dito pero gusto ko naman na nandito siya."Isang shot pa nga!" utos niya saken at itinaas ang hawak niyang shot glass. Bakit ba kase naglalasing to? Ayaw pang umuwi eh may alak naman siya sa mansyon niya.
"Dray, tama na nga yan! Lasing ka na!"
Yeah, si Dray ang kasama ko ngayon sa condo ko. May condo unit naman talaga ako pero bihira lang akong pumunta dito but now, dito na ako titira. I want to be independent and it's nearer from K.A.
Nagulat nga ako kung paano nalaman ni Dray kung saan ako nakatira eh.
"Ano bang meron sa Enzo na yun?! Ha?! Bakit ba kahit sinabihan na kitang wag siyang lapitan, lumapit ka parin sa kanya haaa?!~" lasing na nga siya. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Never naman akong lumapit kay Enzo kasi naweweirduhan ako dun.
"What are you talking about?" sabi ko habang inalalayan siyang makatayo. Tumingin lang siya saken na para bang kinakabisado niya ang mukha ko. Okay, parang may tama na talaga siya.
"Nakalimutan mo na ba,D-Dee? H-Ha? Nakalimutan mo na b-bang may...muntik nang nangyari saten? –hik! Lahat ng yun, sineryoso ko- hik! Aha-ha-ha-ha...Nababaliw na ata ako eh..."
I don't know what he's talking about and who the hell is Dee?? At may muntik nangyari? Ugh, kung wala lang sana akong plano, matagal ko na tong sinampal. I need to act na wala na akong feelings sa kanya diba?
"Hey,Dray!!Wake-up!" bigla nalang kasi siyang napasandal sa may dibdib ko at mukhang tulog na. Ang bigat pa naman niya. Wala na akong choice kundi ihiga siya sa bed ko. Grabe, muntik na akong mabaliw dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Magpigil ka Andy!
Hinubad ko na yung sapatos niya at iniwan ko na siya dun at pumuntang CR para magshower. After kong magshower, nagbihis na ako ng sleepwear at tumabi na kay Dray. Wag nga kayong mag-isip ng masama! Condo ko to at lalong kama ko ang hinihigaan niya. Alangan namang sa sahig ako matulog eh ang laki pa ng space sa kama. Psh.
Makatulog na nga.
[Next Day]
Dray's POV
Ang sakit ng ulo ko, sagad-sagad! At amoy alak pa ako. Bakit nga ba ako nag-inom kagabi? Ah, oo. Dahil sa Dee na yun! Ang tigas ng ulo! Sinabihan ko na nga siyang huwag sumama sa mokong yun, sumama parin. Grabe siya! Papatayin yata niya ako sa selos eh-Teka, selos?
Napaisip nga ako. Bakit nga ba ako nagseselos? Isa lang naman ang dahilan kung nagseselos ka....
Wtf,no way! Hindi ko siya gusto! I won't fall for that woman dahil ayoko ng masaktan ulit pero sa ginawa ko kagabi parang nagpapatunay narin yun na gusto ko na nga si bruha. Gusto ko na nga ba siya?
"You're awake." Bungad saken ng isang maarteng boses. Napatingin naman ako sa paligid at ngayon ko lang narealize na wala pala ako sa mansyon. "I cooked breakfast. Kumain ka na." so nakatulog pala ako sa condo ni Andy. Patay, baka may nasabi ako sa kanya ng kung anu-ano.
"Sorry. Inabala pa kita.I better get going..."sabi ko at bumangon na sa kama kahit ang sakit ng ulo ko. Hangover sucks.
"No,no. Hindi ka nakaabala,Dray.Infact, naenjoy ko talaga ang gabi ko kasama ka." Sabi niya at hinawakan ang pisngi ko. Okay, what does she mean? May nangyari samin??
"Did something happen between us?!" nagpapanic kong tanong. Napangiti naman siya at binawi na ang kamay niya.
"You really don't remember?"
Fvck! So,may nangyari nga?! Well, lasing ako non at hindi ko alam ang mga pinaggagawa ko. Pero paano kung nagbunga yun?! I mean, wala namang masama kung magbunga yun kasi nga kasal kami pero parang ayokong magkaroon ng anak sa kanya.
"Look, Andy. Kung ano mang nangyari satin kagabi, please...Kalimutan mo na yun. I was drunk and I don't know what I was doing and please do-" bigla nalang siyang tumawa ng malakas kaya napatigil ako.
"What are you laughing at?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
"Do you really think that dirty, Dray? Ahahahahaha! Hindi naman YUN ang sinasabi ko. Walang nangyari, okay? Kaya wag kang paranoid. We just drank together but luckily, nanalo ako kase nauna kang bumagsak.Hahaha! Oh my god,Dray!"
-__-
"SANA SINABI MO AGAD!! Damn it." Wtf, nakakahiya! Dapat kase sinabi niya agad na walang nangyari. Ayan tuloy. Tch. Napahiya pa ako. Siguradong ipagkakalat niya sa mga kaibigan niyang maaarte.
"Hahaha! Didn't I tell you I'll stop my feelings for you? If I was still madly inlove with you baka pinagsamantalahang na kita."
She laughed at napatawa narin ako. Mas komportable akong ganito siya kesa yung siya ang naghahabol.
"Uhm, I better get going." Sabi ko na parang nahihiya. Sumimangot naman siya at nagpout. Okay, ang cute niya pero di hamak na mas cute si Dee sa kanya kahit galit ako sa bruhang yun.
"Hindi mo ba ako sasamahan magbreakfast? Friday naman ngayon and your first class is still at 9." Parang batang nagtatampo. Gutom narin naman ako kaya sasabayan ko nalang siyang kumain. Ang lungkot kayang kumain mag-isa.
"Alam mo talaga ang schedule ko,huh? Fine,fine." She chuckled and went to her little kitchen. Sinundan ko naman siya at naupo na dun sa chair. Nagsaing na siya ng kanin at inilagay sa mesa. Tapos umupo siya sa tapat ko.
"Eat up. Then you can go." Nakangiti niyang sabi at kumain na nga ako.
"So, you mentioned a name last night-" napatigil ako sa pagkain ng hotdog at tumingin sa kanya. "-I guess you like her?" patuloy pa niya.
"Was she the reason why you drunk yourself last night? Wow, ang swerte naman niya." And she smiled. Napangiti nalang din ako dahil sa totoo, naguguluhan narin ako sa nararamdaman ko para kay Dee.
"Hindi mo man lang ba sasagutin yung tanong ko? It's fine. Sabi ko nga, hindi na kita pakikialaman." At tumahimik na nga siya. Wala samin ang nagsalita kaya kumain nalang din ako. Nang matapos ako, hinugasan ko na yung pinagkainan ko at nagpaalam sa kanya.
"Come by some time, okay?" nakangiti niyang sabi habang kumakaway. Lumabas na ako at tumango. Sinara na niya yung pinto at umalis na nga ako ng building ng condo niya.
—
Nasa tapat na ako ng mansyon nang magring yung phone ko kaya tiningnan ko agad.
Brylle calling...
Oh, si Brylle. I forgot to tell you guys na may grupo ako nung nasa Korea pa ako nakatira. Lima kaming magkakaibigan. Kasama na si Enzo dun. Nauna nga lang na bumalik si Enzo dito sa Pilipinas at sumunod ako sa kanya at naiwan yung tatlo sa Korea.
Agad kong sinagot yung tawag at narinig ko na naman ang boses ng isang maarteng lalake. Daig pa ang mga babae sa daming arte sa katawan.
"Hello?"
[Dray! Dude! Hulaan mo kung nasaan kami!]
"Uh, Korea? Tinatanong pa ba yun?"
[Beeezt! Nasa Pilipinas na kami, pakyo!]
O_o
Nasa Pilipinas na sila? Di man lang sila nagsabi. Pero masaya naman ako dahil makakasama ko na yung tatlong yun.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...