"This is great! You're now a dean's lister, Andy! Congratulations." Masayang sabi ni chancellor saken. Nakipaghand-shake naman ako sa kanya. Grabe lang. Hindi ko inaasahang magiging DL ako. Akalain mo yun? Hindi naman ako masyadong nag-eeffort ngayong sem tapos napasama pa ako sa DL. Dapat di nalang siguro ako mag-effort palagi. Haha!
Lumabas na ako ng office tapos naglakad papuntang next class ko. Sinuswerte talaga ako ngayon. Sana walang sisira ng maganda kong araw. >v<
*TUGSHHH
Kasasabi ko lang na sana walang sisira ng maganda kong araw tapos heto na naman tong dragon na'to. Kainis talaga siya. Bakit niya ako kelangang banggaan? Tapos dere-derecho lang siya sa paglalakad! Di man lang lumingon kung okay lang ako.
Kahapon lang, ang sweet-sweet niya saken. May pa-couple shirt pang nalalaman! Tapos ngayon, babanggaan pa ako at parang wala lang sa kanya yun?! Kung malapit lang sana siya ngayon, nabatukan ko na yun. Pero ang layo na niya. Ang lalake ng mga hakbang eh.
Di ko nalang pinansin. Mas lalo lang masisira yung araw ko kung makikipagbangayan na naman ako sa kanya. Malapit na sana ako sa room ng next class ko nang may tumawag saken.
"Andy! Andy!"
Paglingon ko, si Enzo pala. Ngumiti ako bago ko siya nilapitan. May dala siyang maliit na box tapos kulay pink na may ribbon na nakalagay.
"Hi, Enzo." Sabi ko habang kinakawayan siya.
"Here! Cupcakes for you. Ubusin mo yan ah! Kundi-"
"KUNDI ANO?!"
"Ahehehehe. Ito naman. Di pa nga ako tapos eh nananakot ka na agad." Sabi pa niya habang inaabot niya yung box saken. Wow, favorite ko ang cupcakes. Ano naman kaya nakain ng kapreng to para bigyan ako ng cupcakes?
"Psh, bakit mo naisipang bigyan ako nito?" tanong ko habang tinatanggap yung box. Tas sinilip ko yung loob at nga-nga! Ang sarap tingnan! Sana masarap din kapag kinain! >v<
"Eh kase...Sabi ni Beverly gusto mo daw ng cupcakes. Kaya nagbake ako para sa'yo." Nahihiyang sabi niya. Seriously?? Siya nagbake nito? Akala ko nga binili niya 'to sa isang pastry shop eh!
"Weh? Ikaw nagbake nito?" sabi ko para asarin siya. Hindi kase ako makapaniwala. May hidden talent pala tong si Enzo sa pagbbake.
"Ha, ahm, oo! Hehe. Medyo di pa yan perfect kase first time kong magbake ng cupcakes. May pinanood lang akong tutorial sa youtube. Nakatulong naman. ^^"
Napangiti ako. First time ko ring makatanggap ng ganito. Kahit papano, nawala na yung badtrip ko dahil kay Enzo. Dapat maging mabait na ako sa kanya para ipagbbake niya ulit ako ng cupcakes.
"Hmm, sige! Titikman ko 'to later. Mauna na ako ah? May klase pa ako eh." Sabi ko at kumaway naman siya saken. Umalis na ako dun at pumasok na nga sa next class ko.
BINABASA MO ANG
We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]
RomanceMahirap magkaroon ng kapareho ng pangalan. Oo, dahil ako mismo nakaranas ng malaking problema nang dahil sa pangalan ko. Pagkagising ko nalang sa umaga, kasal na pala ako sa pinakasikat na lalake sa campus namin. Ni hindi ko man alam kung paano at k...