PROLOGUE

758 7 0
                                    

PHENELOPY

Nasa kalagitnaan ng paglelesson si Ma'am nang may biglang isang lalaki ang naka itim ang pumasok sa room namin at tinawag si Ma'am.

Dali dali namang tumigil muna sa paglelesson si Ma'am at nilapitan 'yung lalaking naka itim.

Parang magnanakaw naman 'tong si Kuya.

Paano ba naman kasi, itim lahat ng suot niya pero infairness, gwapo si Kuya, maputi pa.

Napatingin tuloy ako sa sarili ko, hindi naman ako maitim, hindi rin naman ako maputi. Tama lang 'yung kulay ko.

Napatigil lang ako sa pagkausap sa sarili ko nang marinig ko ang pangalan ko na tinawag ni Ma'am.

"Ms. Montefalco, pwede ka ng sumama sa kaniya." Sabi ni Ma'am dahilan para mapakunot ang noo ko.

Bakit?

"Huh? Bakit? Bakit ako sasama diyan, Ma'am? Hindi ko naman kilala 'yan." Takang tanong ko kay Ma'am.

"I don't know, may excuse letter siya at kailangan niyo daw umalis. I think importante 'yon. Puntahan mo na lang para makapag-usap kayo." Sabi ni Ma'am at naglakad na papunta sa harap para mag lesson ulit. Para ipagpatuloy 'yung ginagawa niya kanina bago dumating si kuyang purong itim.

Napatingin ako kay kuyang naka itim at bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin din siya sa 'kin.

Napabuntong hininga ako bago ko niligpit ang mga gamit ko tsaka ako nagpaalam kay Ma'am tapos tsaka ko nilapitan 'yung lalaking naka itim.

"Sino ka ba, Kuya? Bakit kailangan kong sumama sa 'yo?" Bungad ko sa kaniya. Medyo malayo ako sa kaniya kasi baka mamaya bigla na lang niya akong hilahin, eh. Pero mukhang katiwa-tiwala naman 'tong si kuyang naka itim.

"H'wag ng maraming tanong. Malalaman mo din kung bakit." Seryosong sabi niya kaya napangiwi ako.

Ang sungit naman nito, nagtatanong lang, eh.

Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha 'yon sa bulsa ng palda ko at tiningnan kung may nagtext ba dahil nag vibrate at meron nga. Si Mama ang nagtext kaya binasa ko agad.

FROM: Mama

Kpag may sumundo sau diyang lalaki na naka itim, sumama ka sa kaniya. Wag kang mag-alala, wala siyang gagawing masama sau. Kpag nakauwe ka na dito ulit sa bahay tsaka na aq magpapaliwanag sau.

Basa ko sa text ni Mama kaya napataas ang kilay ko. So alam pala ni Mama ang tungkol dito? At kilala niya pa siguro 'tong si kuyang naka itim.

Pero bakit nga ba? Ano bang meron at sino ba talaga 'tong lalaki na 'to? Nakakapagtaka naman. Biglaan naman 'to.

Nireplayan ko na lang ng okay si Mama kahit na nagtataka talaga ako kung anong meron. Sasabihin naman daw niya sa 'kin, eh, kapag nakauwe na 'ko so maghihintay na lang ako.

"Tara na, Kuya." Sabi ko kaya tumango siya at nagsimula ng maglakad.

Napasimangot naman ako. Wala man lang sinabi, basta na lang naglakad, hayst.

Sana naman hindi ako kidnapin nito. May tiwala ako sa 'yo, Kuya pati kay Mama. Nakasimangot na sumunod na lang ako sa kaniya sa paglalakad.

To be continued...

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now