Pagdating ko sa bahay ay lutang pa rin ako. Buti na lang ligtas akong nakauwe sa bahay.
Bakit ko ba kasi iniisip 'yung babaeng angkas niya? Nakakaburaot naman, oh.
"Bakit nakabusangot ka?" Nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Mama.
"Wala lang, Ma." Sabi ko at pabagsak na naupo sa upuan namin na kahoy.
Nagkibit balikat na lang naman si Mama at ako naman ay napapikit dahil sa inis.
"Ma, may tanong pala ako." Maya-maya ay sabi ko. Wala pa si Ate, baka mamaya pa 'yon uuwe.
Si Papa naman tulog. Mukhang napagod sa trabaho.
"Ano naman 'yon?" Kunot noong tanong niya at saglit akong tiningnan.
"May kilala kang Kaiver? Kaiver Zeus Montefalco?" Tanong ko at kita ko kung paanong natigilan si Mama.
Matagal bago siya sumagot sa tanong ko. Akala ko nga iibahin niya 'yung usapan, eh o hindi niya sasagutin.
"Oo, bakit mo naitanong 'yan?" Tanong niya at bumalik sa ginagawa niya.
"Wala lang. Siya 'yung nag-imbita sa 'kin sa birthday ng pinsan niya 'di ba? Ano mo siya, Ma?" Tanong ko ulit.
Napakagat pa ako sa ibabang labi ko dahil kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan.
"Dati ko siyang alaga. Dati akong kasambahay sa kanila. Yaya din niya ako." Sabi ni Mama kaya napatango-tango ako.
Hindi ko kasi alam 'yon, eh. Kaya siguro inimbita ako kasi close pala siya sa Nanay ko.
Akala ko ano na, eh. Kaya siguro gano'n din ang trato sa 'kin ni Kuyang Black dahil anak ako ng dating nag-aalaga sa kaniya.
Ang bait niya pala talaga. Swerte ng mga magulang niya sa kaniya. Natutuwa din ako kay Kuyang Black.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Mama na ikinailing ko lang.
"Wala naman, Ma. Nacurious lang ako. Pinsan kasi 'yun ng may-ari ng school na pinapasukan ko, eh. Sa school ko kasi siya unang nakilala kaya nagulat ako ng malamang kilala niyo siya. Small world nga talaga. Ang yaman nila, Ma, noh?" Mahabang sabi ko kay Mama.
Nakita ko lang naman na ngumiti siya sa 'kin.
"Hmm, mayaman talaga sila. Alam mo bang wala ng magulang si Kaiver? Tapos may kapatid siyang babae na hindi niya naman kasama." Nalungkot naman ako sa kwenento ni Mama.
Hindi ko alam na wala na pala siyang magulang. 'Yung tungkol sa kapatid niyang babae ay totoo pala 'yon? Nasaan na kaya 'yon? Bakit hindi sila magkasama?
"Sampung taong gulang siya ng mamatay ang mga magulang niya at mawalay sa kaniya ang kapatid niya. Proud ako sa alaga kong 'yon dahil nakaya niyang mamuhay mag-isa at maipatakbo ng maayos ang mga business ng mga magulang niyang sa kaniya iniwan ng maayos. Mabait ang batang 'yon at magalang pa. Hindi lang talaga siya palangiti. Hindi niya hilig magpakita ng emosyon. Nangiti siya pero bihira lang kung mangyare." Kwento ni Mama. Nakikinig lang naman ako.
Ewan ko pero nagustuhan ko ang pagkwekwento sa 'kin ni Mama about kay Kuyang Black.
Nalulungkot lang ako dahil lumaki siya na walang magulang at hindi kapiling 'yung kapatid niya, na lumaki siyang mag-isa.
Buhay nga 'yung kapatid niya kaso hindi niya naman kasama kaya wala din.
Napapaisip tuloy ako. Edi sa tuwing birthday niya, pasko, at new year ay mag-isa lang siyang nagcecelebrate? Sa mga mahahalagang okasyon sa buhay niya ay mag-isa lang siya?
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.