KAIVER
I frowned when I entered the house at walang Phenelopy ang sumalubong sa 'kin.
So I went to her room to see if she was already there and maybe asleep. Anong oras na rin kasi.
But even so, she is waiting for me kahit anong oras pa ako umuwe dahil gusto niyang masiguro na bago siya matulog ay alam niyang nakauwe na ako kahit na antok na siya, so I wonder why hindi niya ako sinalubong ngayon.
"Phen, are you there?" I asked while knocking on her door.
I frowned when I didn't hear her voice. Maybe she's already asleep at hindi na nakayanan.
But masama ang kutob ko kaya sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto niya at mas lalo lang napakunot ang noo ko nang malamang bukas 'yon. Naglalock siya ng pinto dahil ayaw niyang hindi nag lalock.
When I entered her room wala akong nakitang Phenelopy doon kaya kinabahan na ako. Bukas ang ilaw, but she's not here.
So lumabas na ako ng kwarto niya para bumaba sakto namang nakasalubong ko si Manang.
"Manang, nakauwe na ba si Phenelopy?" I asked.
"Wala pa, iho. Akala namin ay kasama mo? Wala pa ba siya ngayon?" takang tanong niya rin. Napamura naman ako.
I think may masamang nangyare. Magsasabi naman sa 'kin 'yon kapag aalis siya or gagabihin siya ng uwe. Dapat pala ay sinundo ko na lang siya kanina.
"Okay, thank you, Manang. Good night." I said and she just nod.
Nagmamadaling tumakbo na ako palabas ng bahay. Ni hindi na ako nagpalit ng damit.
Kaya pala kanina pa lang sa office ko ay masama na ang kutob ko dahil may hindi pala magandang mangyayare.
When I was about to get in the car when I saw Timothy. Tumatalon-talon pa ang gago habang naglalakad.
When he saw me he immediately raised his hand and called me. I rolled my eyes.
"Uy, pre! Buti na lang gising ka pa. May magandang balita ako sa 'yo. Alam ko na full name no'ng KC. Khaizer Chance Monteverde 'yung pangalan niya tapos 28 years old. Sasabihin ko 'yung iba ko pang nalaman sa kaniya mamaya tsaka baka naman." He said and I just shook my head.
"Tsaka na natin 'yan pag-usapan. Phenelopy is missing." I said and get in my car.
Nagulat ako nang bigla siyang sumakay sa kotse ko. Tiningnan ko siya dahil sa tabi ko siya nakaupo.
"Sama ako, alam ko kung nasaan siya at sinong kumuha sa kaniya. Kaya nga rin ako nandito para sabihin sa 'yo 'yon. Alam mo na pala, tsh." He said at halos sipain ko siya palabas ng kotse ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin kanina no'ng nasa trabaho pa ako? And 'di ba sabi ko sunduin mo?" I said in annoyance.
"'Yun nga, eh. Na-late na ako ng dating. Sorry na agad, but don't worry, alam ko naman kung nasaan siya ngayon. Nilagyan ko ng tracker 'yung suot niyang hikaw in case lang." chill na sabi niya. Napailing na lang ako.
"Gago ka talaga. Now, tell me kung sino ang kumuha sa kaniya at nasaan siya ngayon." I said and pinaandar ko na ang sasakyan ko.
I need to be calm, hindi pwedeng basta-basta na lang akong kikilos ng hindi nagpaplano. Kapatid ko ang nakasalalay dito kaya kailangan kong maging maingat sa kilos ko.
"Si Khaizer, pre." He said after he tell me where my sister is.
Naka connect ang tracker ni Phenelopy sa laptop niya at doon nagpipipindot-pindot na siya. He's good in that.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.