PHENELOPY
"Ate!" Buong lakas na sigaw ko nang tawagin ko si Ate.
"Ano 'yon?!" Inis ding sigaw niya, napabungisngis na lang ako. Inaasar ko lang naman kasi siya.
"Wala lang!" Sigaw ko ulit at nagkibit balikat kahit hindi niya naman makikitang ginawa ko 'yon.
Nando'n siya sa kwarto niya, eh tapos ako nandito sa may sala. Nakabukas lang naman 'yung pinto ng kwarto niya kaya rinig namin ang isa't isa.
"Bwiset ka talaga, Phenelopy! Tigilan mo 'ko sa pangtitrip mo diyan, ah!" Natawa na lang ako sa sigaw niya.
Wala dito sila Mama at Papa, namalengke sila. Wala kaming pasok lahat kaya kumpleto kami ngayong araw.
Oo nga pala, hindi ko sinabi kila Mama na nakipag-usap ako kay Kuyang Black noong isang araw.
Hindi na rin ako nagtanong sa kanila kahit gusto ko. Ewan ko ba, gusto kong magtanong pero kapag nasa harapan ko na sila hindi ko na magawang magtanong pa.
Buti na lang hindi nila ako tinanong no'n kung saan ako galing kaya hindi ko na kinailangan pang magsinungaling kung saan ako galing no'ng araw na 'yon. Napakasaya ko talaga no'ng araw na 'yon.
Gusto ko pa ngang maulit 'yon, eh pero sana 'yung wala ng Timothy, nakakaburaot kasi.
Lagi na lang siyang panggulo sa 'min ni Kuyang Black. Hindi ko alam kung bakit ba sa tuwing magkasama kami ni Kuyang Black ay lagi siyang nasulpot, psh.
"Aray!" Malakas na hiyaw ko nang may bumatok sa 'kin.
"Iniisip mo diyan? Kanina pa kita tinatawag, eh." Nakataas kilay na sabi sa 'kin ni Ate.
Napangiwi naman ako dahil do'n. Malay ko bang malulutang ako ng ilang minuto.
Itong Ate kong 'to ang tanda-tanda na wala pa ring jowa na pinapakilala sa 'kin. Gusto ko na kayang magkaroon ng pamangkin kaso ayon nga, wala pa atang balak mag-asawa.
Aba, hindi ako makakapayag do'n, noh. Dapat may pamangkin ako sa kaniya.
"Iniisip ko lang Ate kung kailan ba ako magkakaroon ng pamangkin." Nakangiting sabi ko dahilan para muli niya akong batukan.
"Aray, ha! Kanina ka pa, Ate." Nakangiwing sabi ko habang himas-himas ko 'yung ulo kong binatukan niya.
"Papaalala ko lang sa 'yo, Phenelopy na 21 pa lang ako at gusto ko munang bigyan ng magandang buhay sila Mama bago ako mag ganiyan." Sabi niya at naupo sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa kahoy naming upuan dito sa may sala.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Ate. Hindi man siya sweet sa 'min, mabait naman siya kahit na may pagkamaldita talaga siya, amazona ba.
"Yiieee, talaga ba? So magkakapamangkin talaga ako?" Excited na tanong ko, niyuyogyog ko pa siya sa balikat niya.
Okay na sa 'kin na hindi na muna siya mag jowa ngayon basta alam ko na may balak siyang magkaanak at magkaasawa.
Gusto ko namang maging masaya si Ate at gusto ko na 'yung magiging asawa niya ay 'yung mamahalin talaga ang Ate ko.
"Oo naman, balak ko naman 'yon pero hindi pa ngayon. Gusto ko rin namang magkaanak. Kahit nga anak na lang h'wag na asawa." Sabi ni Ate na ikinangiwi ko.
"Ayos ka rin, eh, noh." Sabi ko at nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Hayst, manahimik ka na nga lang. Ikaw, ha. Mag-aral kang mabuti, ilalampaso ko talaga 'yang mukha mo sa banyo kapag may ginawa kang kalokohan." Sabi ni Ate na ikinangiwi ko na lang.
YOU ARE READING
I'm Their Sister
Teen FictionPOSTED: August 9, 2022 STARTED: April 8, 2021 ENDED: December 20, 2022 * * * The cover picture is not mine so credits to the real owner.