CHAPTER 51

62 4 0
                                    

Napakunot ang noo ko ng pagdilat ko ng mga mata ko ay wala akong ni isang mga gamit o bagay na nakikita. Puro puti lang ang nakikita ko.

Nagsimula akong kabahan dahil hindi ko naman alam kung ano 'to at kung nasaan ako. Sa pagkakaalala ko ay natulog lang naman ako.

Nanatili lang ako sa pwesto ko dahil natatakot akong baka kung saan na lang ako mapunta. Napatili pa ako ng bigla na lang lumiwanag nang sobra dahilan para mapapikit ako at takpan ang mga mata ko.

Nang magmulat akong muli ng mga mata ay doon ko naman nakita ang event ng 18th birthday ko. Napasinghap ako sa gulat at nagtatakang inikot ko ang mga mata ko sa paligid.

Kahapon pa tapos ang 18th birthday ko bakit nandito ako tapos ako lang mag-isa? Ako lang talaga ang nag-iisa dito. Kung anong itsura ng 18th birthday ko kahapon ay gano'n din dito.

Hindi ko alam kung paanong nangyare 'to. Kanina lang ay nasa isang puro puting lugar lang ako tapos ngayon ay nasa lugar naman ako kung saan ginanap ang 18th birthday ko kahapon.

Doon, nagsimula na akong maglakad para tingnan ang buong lugar baka sakaling may tao. Nagtataka na talaga ako sa nangyayare. Ano ba 'to, magic? Bigla bigla na lang nasa ibang lugar na ako? Nababaliw na yata ako, eh.

Nang maglakad ako palapit sa stage ay doon ko lang din narealize na suot ko rin ang gown na suot ko kahapon. Napamura na lang ako sa isip ko.

Kung anong itsura ko kahapon ay gano'n din ang itsura ko ngayon. Nagsisimula na akong kilabutan ulit. Ngayon lang 'to nangyare sa 'kin.

Akmang aalis na ako sa lugar na 'yon para makabalik sa kung saan naman talaga ako nang may marinig akong boses na tumawag sa 'kin na nakapagpatigil sa 'king umalis nang tuluyan sa stage.

Hinanap ko ang boses na 'yon at pagharap ko sa pinto ay doon ako napasinghap at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nagsimula na ring mangilid ang mga luha ko.

"D-daddy?" tuluyan na nga akong napaiyak nang ngumiti siya sa 'kin.

Hindi ako makapaniwalang naglalakad siya ngayon palapit sa 'kin.

Alam ko na kung nasaan ako ngayon. Nasa panaginip ko ako. Hiniling ko 'to, na sana sa panaginip ko ay dalawin ako ni daddy at isayaw. Gusto ko siyang makita at makilala. Feeling ko ito na 'yon.

Hindi ako makapaniwalang gano'n kabilis na mangyayare ang hiling ko. Gustong-gusto ko talaga siyang makita kaya ngayong nasa harapan ko na siya ay hindi ko na napigilan ang mapahagulgol.

"Shh, don't cry. Masisira ang make-up ng prinsesa ko." he said softly tapos marahan niya pang pinunasan ang mukha ko para hawiin ang luha ko.

Nandito na talaga siya sa harap ko. Hinahawakan niya pa ako. Hindi na ako nakatiis kaya niyakap ko na siya nang sobrang higpit. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa bago ako niyakap pabalik. Hinaplos-haplos pa ang likod ko.

Parang ayaw ko ng magising sa panaginip kong 'to. Gusto kong kasama si daddy. I know that his my daddy kasi pinakita na sa 'kin nila mommy before 'yung pic ni daddy.

"Daddy... Daddy..." iyak ko na parang bata habang yakap-yakap pa rin siya.

Ayaw ko na siyang bitawan. Ang sakit-sakit sa puso dahil alam kong panaginip lang 'to, na hindi ko siya makakasama paggising ko.

"Oh, my little princess." bulong niya na mas nagpaiyak lang sa 'kin. Ramdam ko pa ang paghalik niya sa noo ko.

"Don't be sad, its your birthday." maya-maya ay sabi niya ulit at inilayo na ako sa kaniya tsaka muling sinapo ang mukha ko para alisin ang mga luha ko.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now