CHAPTER 53

55 1 0
                                    

"Sabi ni Daddy na mahal na mahal ka daw po niya, Mommy. He said na okay lang daw po sa kaniya if mag-aasawa ka daw po ulit. Sorry din daw dahil maaga niya tayong iniwan." kuwento ko kay mommy.

Pagdating kasi nila ni kuyang black ay agad kong sinabi sa kanila ang tungkol sa panaginip ko. Sinabi ko sa kanila kung anong pinapasabi ni daddy sa kanila.

Kanina pa nga kami nagkwekwentuhan about do'n. Kumpleto kami siyempre. Hindi ako papayag na hindi kami kumpleto kapag ikwekwento ko na 'yon.

Nandito pa rin si ate Jove. Nakikichika rin siya sa 'min. Sakto rin kasing pagkatapos nilang mag-usap ni kuya KC ay 'yun din ang labas nilang dalawa.

Tapos maya-maya lang din ay dumating na 'yung asungot kong tukmol. Nandito siya ngayon sa tabi ko. Nakaupo kami habang nasa harapan namin ang pamilya ko.

Para naman kaming magpapaalam na magpapakasal na kami, kaloka. Siyempre aral muna, noh. Magkahawak kamay din kami ngayon. Pinapakalma niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay ko. Pinipisil-pisil niya, hinalikan pa nga niya 'yon sa harapan nila mommy, eh.

"Sabi niya na masaya na daw siya ngayon kung nasaan man daw siya. Lagi din daw niya tayong binabantayan. H'wag na daw po tayong mag-alala sa kaniya. Alagaan na lang daw po natin ang isa't-isa. Masaya daw po siya na sa wakas ay magkakasama na tayo. Mommy, ang sakit. Hindi ko matanggap na... Na wala na si daddy. Na hindi ko man lang siya naka bonding at nakasama." dugtong ko sa sinabi ko kanina.

Napaiyak na rin ako habang sinasabi 'yon. Pigil na pigil ko lang na h'wag maiyak kanina habang sinasabi sa kanila ang mga pinapasabi ni daddy.

"Shh, labyu." bulong ni Timothy sa tainga ko. Hinalikan niya pa ang gilid ng ulo ko. Swerte ko sa tukmol na 'to.

"Anak, masakit din kay Mommy na iniwan tayo nang maaga ng Daddy niyo. Pero wala tayong magagawa, oras na niya. And ang masasabi ko lang sa sinabi ng Daddy mo ay never ko siyang ipagpapalit. Siya lang ang lalaking mamahalin ko. Kahit na... Kahit na wala na siya. Siya lang, siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Hindi na ako magmamahal pa nang iba. Siya lang ang asawa ko. Alam kong nakikinig siya sa 'tin ngayon. Mahal na mahal kita, asawa ko. Masaya kaming malaman na okay ka ngayon, na masaya ka kung nasaan ka. 'Yun ang mahalaga sa 'min. H'wag mo kaming pabayaan, ah? Wait mo lang ako, magkikita din tayo. H'wag ka na ding mag-alala sa 'min dahil ayos lang din kami." umiiyak na ring sabi ni mommy.

Agad naman siyang inalo ni kuyang black. Napaiyak din ako sa sinabi ni mommy.

Kahit si ate Jove na nakikinig sa 'min ay napaiyak na din. Nilingon siya ni kuya KC at inabutan ng tissue. Magkasalubong pa nga ang kilay. Parang labag sa loob na abutan ito ng tissue.

"What?" mataray na sabi ni ate Jove kay kuya KC nang mapansing nakatitig si kuya KC sa kaniya matapos nitong iabot sa kaniya 'yung tissue.

"Umiiyak ka rin pala? I thought cool ka? You said that hindi naiyak ang isang astig na katulad mo, right?" pang-aasar ni kuya KC kay ate Jove.

"Tangina mo, boss, ah! Shut up ka na nga lang. Charot, charot lang naman 'yon. I'm still human, may puso, nasasaktan din, may damdamin kaya iiyak ako kung kailan ko gusto. Nakakaiyak kasi kayo. I hope ganiyan din pamilya ko sa 'kin. Kailangan ko na rin bang mamatay para maranasan kong maiyakan?" sabi ni ate Jove at tumawa pa.

Natigilan naman kami sa huling sinabi niya. Kahit si kuya KC ay natigilan. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni ate Jove. Kahit naman ako, eh.

"Don't say that. It's not funny, agent Vanilla." seryosong sabi ni kuya KC na ikinairap lang ni ate Jove.

At wala ng nagsalita matapos no'n. Iyak na lang ni mommy ang rinig namin. Alam kong sila kuya din ay nasasaktan. Lahat naman kami.

"Okay ka na?" tanong sa 'kin ni Timothy matapos ng usapan namin nila mommy.

I'm Their SisterWhere stories live. Discover now